Chapter 6
"Hey why are you crying?" bigla siyang nagpanic at inabutan ako ng panyo.
"Wala, tears of joy lang." inalis ko ang luha sa mata ko.
"Ang o.a mo talaga kahit kailan!" inirapan naman niya ako, kaya natawa na lang ako.
"Ang saya ko lang kasi, kita mo? ang dali lang pasayahin ako basta ikaw." i smiled.
"Corny mo!" binato niya ulit ako ng isang crumpled tissue, tinawanan ko na lang siya.
Mahirap ang sitwasyon ko at alam ko iyon, maybe some people might think na ang gaga ko para pumasok sa ganitong sitwasyon, na sumusobra na ako, na isa akong mang-aagaw o kabit. We do stupid things for love, it's inevitable. Kapag magmamahal tayo, hindi natin maiwasang maging tanga because it's part of the love itself, ang magpakatanga.
I am also scared, scared that one day that these all ends with me having nothing. Na parang nonsense ang pagpapakatanga ko dahil hindi naman siya saakin mapupunta in the end. But i am willing to accept defeat, kaya hangga't hindi pa nangyayari ibubuhos ko na lahat, tanga na kung tanga, at least wala akong pagkukulang sa huli.
"Kailan mo ba ako nagustuhan?" tanong niya nang naglalakad na kami papunta sa bus stop. Trip niya daw magbus ngayon, kaya sumunod na lang ako sakaniya.
"Bata pa lang tayo, iyong mismong paglipat niyo do'n sa tapat ng bahay namin." sabi ko nang may ngiti sa labi.
Naglalaro lang ako ng barbie no'n sa loob ng bahay. I was looking for Mommy, pero wala naman siya sa loob ng bahay. Lumabas ako at natagpuan ko siya na kausap ang bagong lipat naming kapit-bahay. Bumukas naman ang pinto ng kapit bahay namin at nilabas no'n ang isang bata na kasing edad ko lang din. My eyes were stuck and i couldn't take my eyes off of him. Lumapit siya sa Mommy niya at may tinuro kung saan.
"Huwag kang lalayo ah!" paalala sakaniya ng Mommy, the little boy just nodded and walked away. "Mag-ingat ka, Damien!"
That's when i knew his name. Damien...
Sinundan ko siya noon at napagtantong sa playground lang pala siya pupunta. Nakaupo lang siya doon sa may swing hawak hawak ang isang gomang bola. Hindi ko mapigilan mapangiti noon, pinagmasdan ko na siya at masasabi kong napaka-gwapo niya.
"Ilang taon ka na palang may pagnanasa saakin." ngumisi naman siya.
"Hindi ko idedeny totoo naman kasi. Bakit ba kasi ang gwapo gwapo mo?"
Nang makauwi na kami ay agad na kaming nagpaalam sa isa't-isa. Masaya akong pumasok sa bahay, hindi na rin ako kumain dahil busog na busog ako.
Ang ganda ng gabi ko! One of the best nights! Ang saya saya!
Kinabukasan ay back to basic ako. Gumising ako ng maaga at inabangan ulit siya sa tapat ng bahay nila. Binati ko naman siya agad nang lumabas na siya.
"Good morning Damien ko!" bungad ko sakaniya, inirapan naman niya ako.
"Walang good sa morning." masungit niyang sabi at nilampasan ako, hinabol ko naman siya.
"Meron kaya! ikaw." i giggled. "Alam mo ang aga aga ang sungit mo! meron ka 'no?" biro ko sakaniya.
"Shut up."
Mukhang hindi na mababago ang pagiging masungit niya, in born na iyon sakaniya kaya hayaan na lang. Mahal ko pa rin naman siya kahit ganiyan siya!
Nang makarating sa school, gaya ng napag-usapan, hindi kami magpapansinan. Walang pwede makaalam na we're dating, ayaw ko rin naman magkagulo kaya ayos lang saakin na sikreto ang pagde-date naming dalawa. At least he gave me a chance to date him, kahit sa parte man lang na iyon ay naka-score ako.
BINABASA MO ANG
Just To Get You
RomanceDesperatation can be too toxic but Shin doesn't care of what other people think as long as she get what she wants, and she wants him.