Chapter 1

4.5K 122 28
                                    

Chapter 1

First day of school as a third year college, wearing our school uniform, a white blouse and a color skyblue pencil cut skirt. Nilugay ko ang buhok ko showing my silky and straigt hair. Naglagay na rin ako ng minimal na makeup like cheek and liptint, i brushed my brows and put some powder on my face. I'm ready to go!

"Mommy aalis na 'ko!" paalam ko.

"Ihahatid ba kita?"

"Nope. Hindi na kailangan, sasabay ako kay Damien Mommy." I smiled. naningkit naman ang mata niya.

"Okay...mag-ingat kayo kung gano'n." she said and still gave me that kind of look na parang may kahina-hinala akong ginawa.

Tumakbo na ako palabas, inaabangan ko si Damien na lumabas sa bahay nila para sabay na kami. But thirty minutes passed hindi parin siya lumalabas.

Ano ba naman 'tong baklang 'to ang bagal kumilos! male-late na kaya kami!

Bumukas ang pinto ng bahay nila i thought it was him pero si Tita lang pala, nakita naman niya ako.

"Oh Shin? anong ginagawa mo diyan, may pasok ka pa hindi ba?" she asked.

"Oo nga po, sasabay po sana ako kay Damien." walang hiyang sabi ko.

"Si Damien? umalis na kanina pa..." wika ni Tita.

My jaw dropped. what?! he already left? Paano naman ako? Ang baklang iyon!

"Aahh gano'n po ba? sige po Tita, thank you po."

Umalis na ako tutal wala na rin naman siya do'n! naghintay naman ako sa wala. nakakainis! baka naman sinundo ng boyfriend niya? alam ba iyon ni Tita?

Pagkarating ko sa school siya agad hinanap ko. Wala lang, gusto ko lang magmaktol sa harap niya. But unfortunately, hindi ko na siya nahanap at mukhang nagkaklase na sila ngayon kaya pumasok na lang ako sa first subject ko.

"You are late! pangalan?" bungad saakin ng prof namin, matandang babae at mukhang terror.

"Winter Shin Pascua, po."

"Miss Pascua! sa susunod na late ka sa klase ko, drop out!" singhal niya.

Drop out mo mukha mo.

Tumango na lang ako at naghanap ng bakanteng upuan. At nahinto ang mata ko sa isang pamilyar na mukha! gusto ko magtalon sa sobrang pagkatuwa! It was Damien's boyfriend at may bakanteng upuan sa tabi niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumabi sakaniya.

"Hello!" ngumiti ako sakaniya, he smiled back.

"Hi!" bati niya. atleast hindi snob, buti hindi nahawa sa boyfriend niyang pinaglihi sa yelo.

"I'm Winter Shin but just call me Shin walang tumatawag saaking Winter eh."

"Gano'n ba? maganda naman ang pangalang Winter, anyway, I'm Aaron."

I know! at ang boyfriend mo lang naman ang bet ko!

"Just Shin, nasanay na rin ako na ayon ang tawag saakin." i smiled.

"Shin, then."

"May girlfriend ka?" I asked but it was just part of my plan. i know na wala siyang girlfriend dahil boyfriend ang meron siya!

"Uhm...no, but i have a boyfriend." he said.

So hindi na talaga sila secret?

"Oh! talaga? that's cute." i faked my smile.

"Thanks." ngumiti siya at halatang halata ang pagkinang ng mata niya.

Kung hindi lang sana si Damien ko ang jinowa mo. tsk tsk tsk!

Just To Get YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon