Chapter 10

3.4K 105 42
                                    

Chapter 10

Totoong naging ka-blockmate ko si Felix sa lahat ng subject na meron ako. Hindi ko alam kung sadya niya ba iyon o ano. Pero bahala siya kung ano trip niya sa buhay 'wag niya lang ako idamay.

"Kailan ka pa lumipat dito?" tanong ni Aaron.

Nakakainis ang sitwasyon ko ngayon. Magkakasama kami, katabi ko si Felix habang katapat naman naming dalawa sina Damien at Aaron. Katapat ko si Aaron si Felix naman ang katapat ni Damien.

"Kahapon lang." nakangiting sagot naman ni Felix. "Oo nga pala, nakalimutan kong ipakilala sarili ko sainyo no'ng nasa coffee shop, Felix nga pala."

"Okay lang! busy lang kasi talaga kayo ni Shin no'n." may halong pang-aasar na sabi ni Aaron.

Tahimik lang akong nakikinig sakanila. Gano'n rin syempre iyong isa which is very tahimik naman talaga in person. Si Aaron at Felix lang iyong nagpapagaan ng atmosphere hindi ko lang alam kung gagaan pa ito kapag nalaman ni Aaron ang katotohanan. Kahit hindi na kami nagpapansinan ni Damien, alam kong masasaktan pa rin si Aaron kapag nalaman niyang ako iyon ang tinutukoy niyang kabet.

"So ano pala kayo nitong si Shin?" bumalik ako ss ulirat nang magtanong si Aaron.

"Tao kami." maikling sagot ko.

"Joker ka talaga, Tinay!" plastic na tawa ni Felix, tinarayan ko na lang siya.

"Ano ba kayo? nililigawan ka ba nitong si Felix o kayo na?" ngisi ni Aaron.

"Wala magkaibigan lang!" sagot ko.

"Oo, magkaibigan lang kami nitong si Tinay." akbay saakin ni Felix. "Pero Tinay...payag ka bang ligawan kita?"

"Tigilan mo 'ko, Budoy ah. Makakatikim ka saakin!" singhal ko sakaniya.

"Makakatikim ng ano? kiss mo? Sige ba!" he chuckled. Siniko ko naman siya, napa-'aww' naman siya.

"You looked like a couple, ang cute niyong tignan! Bakit hindi na lang kayo tutal mukha namang may gusto saiyo itong si Felix, Shin." sambit ni Aaron.

Tinuro ko si Felix.

"Ito? mukha lang may gusto saakin ito pero demonyo 'tong taong ito!" singhal ko. Natawa naman silang dalawa saakin.

"Crush kaya kita." sabi ni Felix.

Tinarayan ko na lang siya. Alam kong wala siyang gusto saakin, mararamdaman ko naman kapag may gusto saakin ang isang tao. Pero itong si Felix, pantitrip lang ang ginagawa. Siguro gusto niya ako in a different way like gusto niya akong tropa o kapatid pero as a lover, nah...

"Tara na."

Sabay sabay kaming natigilan sa pagtawa nang tumayo na si Damien at lumabas na ng canteen, sumunod naman si Aaron sakaniya. Nagpaalam naman siya saamin ng maayos unlike doon sa isang baklang pinaglihi sa yelo. Natigilan ako nang tumawa si Felix, tinulak ko naman siya palayo saakin.

"Lumayo ka nga saakin! kinikilabutan ako sa mga tawa mo!" sabi ko pa at hinahaplos ang magkabilang braso ko.

"Alam mo one day, papasalamatan mo talaga ako." ngisi niya saakin.

"Mukha mo! tara na bago ka pa sapian diyan ng kung anong espirito!" singhal ko sakaniya sabay tayo.

Nakakagulat man pero sobrang naging close talaga kami ni Felix. Masaya siyang kasama, lagi kaming nagbabarahan. Binabara ko siya, binabara niya rin ako. Parang laging may gyera sa pagitan namin pero tinatawa na lang namin kinalaunan. Madalas rin siyang manlibre kaya masaya talaga siya kasama. Nakilala niya rin ang tatlo kong kaibigan sina Cyrisce, Vanna at Kelsey. May ibang kaibigan rin naman si Felix pero madalang siyang sumama sa mga ito, depende daw sa trip niya.

Just To Get YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon