Chapter 11
Tinapos na namin ang laro dahil medyo inaantok na raw si Aaron, sinamahan naman siya ni Damien papunta sa kwarto niya. Habang kami naman ni Felix naiwan sa salas.
"Punyeta ka talaga..." mahinang sambit ko kay Felix. He laughed.
"Oh bakit? anong ginawa ko sa'yo!" maang-maangan niyang sabi. Sinapak ko naman siya sa braso niya.
"Pahamak ka!"
"Ayaw mo no'n? nasabi mo ang gusto mong sabihin, hindi ba gumaan ang pakiramdam mo?" he said.
To be honest, medyo nawala nga ang bigat sa dibdib ko. Nakakagaan ng loob matapos kong sabihin iyon, alam ko namang alam ni Damien na siya ang tinutukoy ko. Siya lang naman minahal ko buong buhay ko eh. Pinisil ni Felix ang pisngi ko nang hindi ako sumagot, sinampal ko naman kamay niya.
"Ang sakit!" singhal ko. Sakto namang lumabas si Damien sa kwarto ni Aaron.
"Tulog na si Aaron?" tanong ni Budoy. Tumango lang si Damien at muli umupo sa pwesto niya kanina, nagbukas naman siya ng isa pang beer.
"Cr lang ako." paalam ko.
"Sama ako!" sabi ng tarantadong si Felix. I showed him my middle finger before leaving them. Pumasok ako sa cr at namangha nang makita ko ang ayos ng banyo ni Aaron. Puro puti ang buong sulok, pati na rin ang tiles. May shower area siya na glass ang magkabilang gilid, sa sink naman niya ay pahaba at may salamin na mahaba rin sa taas. Sepia ang kulay ng ilaw niya, may isa pang pinto sa gilid which is ang comfort room niya. Pumasok na ako doon.
Bago lumabas ay naghilamos muna ako at muling nagretouch. Paglabas ko ay nakatayo ang dalawa na para bang naghahamunan.
"Anong ginagawa niyo!" singhal ko sakanilang dalawa. Pinaglayo ko naman silang dalawa. "Anong problema niyong dalawa?"
"Wala..nagpapatangkaran lang kami." ngisi ni Felix.
"Nagpapatangkaran? iyong mga mukha niyo parang gigil na gigil eh! umuwi na nga tayo!"
Sumabay saaming umuwi si Damien. Nasa backseat siya habang si Felix naman ang nagmamaneho ako naman iyong nasa shotgun. Tahimik kami hanggang sa makarating na kami sa village. Bumaba na kami ni Damien at nagpaalam na kay Felix.
"Ingat ka!" sabi ko at kumaway.
"Kiss muna bago ako umalis!" ngisi niya saakin at sumulyap pa sa katabi kong si Damien.
"Ito kiss mo!" pinakita ko sakaniya kamao ko, natawa naman siya at nagpaalam na rin kinalaunan. Naiwan naman kami ni Damien na tahimik.
"Uhm...papasok na 'ko."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pumasok na ako sa loob ng bahay at nagpahinga. Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Tumambay muna ako sa coffee shop kung saan ako madalas hinihintay ang oras bago pumasok sa klase. seven-thirty naman ako bumalik sa school, at nakita ko naman si Felix na nakatambay sa bench umiinom ng chuckie.
"Para kang bata." sabi ko sakaniya at umupo sa tabi niya. Tinignan niya naman ako at ngumuso.
"Bar tayo." sabi niya.
"Pass ako diyan." sabi ko sakaniya.
"Niyaya ko na mga kaibigan mo!" he pouted. I cringed, hindi talaga bagay sakaniya.
"Tigilan mo nga yan kakanguso mo! mukha kang pwet eh!" asar ko sakaniya.
"Ano nga! sama ka mamaya, sunduin kita sainyo." sabi niya, nagkibit balikat na lang ako. Papasok na ako sa room, sumunod naman siya saakin kaagad.
Nang maglunchbreak hindi kami nagsabay ni Felix, may pupuntahan lang daw siya saglit. Minsan ganito talaga siya, bigla na lang mang-iiwan kesyo may pupuntahan daw. Baka nambababae lang! Lonely tuloy ako ngayon. Sinalpak ko na lang ang airbuds ko sa tenga ko at nakinig ng music.
BINABASA MO ANG
Just To Get You
RomanceDesperatation can be too toxic but Shin doesn't care of what other people think as long as she get what she wants, and she wants him.