Chapter 14

2.8K 82 24
                                    

Chapter 14

My jaw dropped. Umiiling ako na parang baliw. This must be a dream, he can't be...

Galit ako sa bagong pamilya ni Daddy dahil inagaw nila si Daddy mula saamin ni Mommy. Kaya hindi ko na binalak na hanapin pa siya dahil ayoki makilala ang bagong pamilya niya. Felix been so good to me kahit lagi kaming nagbabarahan at nag-aasaran. I don't want him to turn to be someone who i hated.

But hearing this? makes me want to hate him forever.

"Shin..." tawag niya saakin. Umiling ako. Sunod sunod pumatak ang mga luha ko.

"Anak..." natigilan ako nang magsalita ang matanda na nakaratay sa kama.

I almost didn't recognized him. He's too skinny now, hindi naman siya ganito noong huli ko siyang makita. Lubog na ang kaniyang mga mata.

"Anak..." nakangiting tawag niya saakin.

"Huwag mo akong tawaging anak! matagal na akong walang ama!" sigaw ko. Unti-unti namang nawala ang mga ngiti niya. Bumaling naman ako kay Felix.

"Kailan mo pa alam?" i asked him.

"Since the day i approached you in the coffee shop." sagot naman niya.

I remembered that day. Akalain mo nga naman? Buong akala ko pa naman that we met unexpectedly, that we've been a friend in an unexpected way. Pero buong pagsasama namin ay kilala na niya pala ako, he planned this.

I was about to leave the room when the door opened...My jaw dropped and i couldn't help but to breakdown.

"Mommy?" hindi makapaniwalang sambit ko. Mukhang nagulat rin siya pero unti-unti ring nakakabawi.

"Shin."

"You know?" i asked but she stayed silent. Obviously she knows! "All this time alam niyo kung saan si Daddy? All this time alam niyong kapatid ko si Felix pero ni isang salita wala man lang kayong nasabi?"

I felt betrayed. Lahat sila nagsinungaling saakin! Nagmukha akong tanga!

"Winter anak..."

Humarap ako sa matanda gamit ang nagpupuyos kong galit. How dare he!

"Anak? after mo akong iwan ng napakatagal na taon tatawagin mo akong anak? Nangako ka saakin na babalik ka, pero hindi mo ginawa! Nagsaya ka kasama ng bago mong pamilya!" sabay baling ko may Felix. "Kinalimutan mo na may anak ka pa! at ngayon kinalimutan ko na may ama ako!" i yelled.

"Shin!" sigaw saakin ni Mommy. The old man sobbed. "May sakit ang Daddy mo! baka ikamatay niya ito!"

"E'di mabuti--"

Mommy slapped me. Dinaluhan naman ako agad ni Felix pero agad ko siyang tinulak palayo. I don't need anyone.

"Hindi kita pinalaking ganito!" naiiyak na sigaw ni Mommy.

"Wow Mommy ang rupok mo pala? Baka nagsasakit sakitan lang iyan para makuha ang simpatsya mo? Well sorry to tell you but you won't get my sympathy by acting like you are dying."

Tinalikuran ko sila at lumabas na sa kwartong iyon. Naglakad ako ng mabilis palayo sa kwartong iyon pero unti-unting ring bumagal dahil sa bigat ng nararamdaman ko. They all lied to me. Naramdaman kong may humawak saakin.

"Shin." it was Felix.

"Bakit ka pa sumunod? isa ka pang sinuangaling! Ang gagaling niyo grabe, naloko niyo ako!" singhal ko sakaniya. I wiped the tears that is keep on flowing from my cheeks.

"Shin let me explain."

"Huwag na! malinaw na saakin lahat na niloko niyo ako! Napaniwala niyo ako, ang gagaling niyo!" i turned my back and ran.

Just To Get YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon