Chapter 19
"Mommy..."
Kinalabit ako ng anak ko. Nandito ako ngayon sa study room. Bukas na ang pagpasok ko sa kumpanya at ipapakilala ang sarili bilang CEO.
"Yes baby?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa mga papel dito sa lamesa ko.
"What is putangina?"
Nanlaki ang mata ko sa narinig mula sa anak ko. Masasapak ko talaga kung sinong nagparinig sa anak ko ng salitang iyon. Bumukas naman ang pinto at niluwa no'n si Felix. Sinamaan ko siya ng tingin, napakamot naman siya sa batok niya.
"Sorry, Tinay. May katawagan kasi ako kanina tapos nabadtrip ako."
"Sa lahat ng pwede mong iparinig sa anak ko, mura pa?" i hissed.
Bumaling naman ako kay Ice. Hinila ko siya ng marahan papalapit saakin.
"That word baby, shouldn't be said most especially in your age, that is a very bad word, Ice. Don't you ever tell that to someone, okay? Papa Jesus will get mad, and so do i?" ngiti ko naman sakaniya. Sinulyapan ko pa si Felix at muling bumaling sa anak ko.
"Oh no, mommy! i already said it." she pouted. I pat her head.
"Just don't do it again, alright?"
"Anyway, mommy. I'm bored i want to go to the mall."
To grant her wish, we went to the nearest mall. Nagdalawang isip pa ako kanina dahil baka kung sinong demonyo ang makasalubong namin pero ayaw ko namang malungkot ang anak ko. Bored daw siya eh. Gusto sanang sumama ni Felix kanina kaso may biglaang meeting kaya hindi nakasama ang kupal.
"You have too many dolls in your room!" suway ko sakaniya.
"But i want that!"
Wala na akong nagawa kun'di ang hayaan siya sa gusto niya. Minsan ko lang ini-ispoil si Ice kaya kapag tuwing nagma-mall kami, matic, lahat ng gusto niya kukunin niya, sinusulit ang araw dahil madalang ko lang siya dalhin sa mall. Madalang lang rin ako magbigay sakaniya ng laruan dahil kapag malaki na siya lahat ng iyon mababalewala rin, aalikabukin lang, matatapon. Sina mommy at Felix ang kadalasang binibilhan siya ng kung ano-ano.
Nag-grocery na rin ako at namili ng damit para saaming dalawa. Bukas kailangan ko ng magandang suot dahil bukas ang unang beses na makikilala ako bilang may-ari ng kumpanya.
Huminto kami sa isang Ice cream parlor, dito ako hinatak ng anak ko kaya wala na akong nagawa. Habang pinapanuod ko siyang kumain ng Ice cream may nahagip ang mata ko na isang pamilyar na tao at hindi ako nagkakamaling isipin na si Damien nga iyon.
Nakaramdam ako ng pamumutla, kung wala siguro ang lipstick ko ngayon baka nagmukha akong may sakit. Nababalisa ako kaya minadali ko si Ice.
"Mommy but i am still eating my ice cream!"
"We'll just order later, baby. Let's go home! There's a monster here." aligagang sambit ko.
Mukhang natakot si Ice sa sinabi ko kaya nagmadali na rin siyang nagligpit. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalabas na kami ng mall. Sumakay na kami sa kotse at nagmaneho na ako pauwi. Medyo nababagabag pa ako dahil alam kong nakita niya ako o baka guni-guni ko lang? Well i hope it's just my imagination playing with my head.
Tumakbo na si Ice sa loob ng bahay. Sinalubong naman siya ni mommy, agad niyang sinumbong ang nangyari kanina sa mall.
"Mamita! There's a monster in the mall!"
Kung siguro ako lang mag-isa kanina baka normal na kaba pa ang naramdaman ko. But i am with Ice, triple pa nga ang naramdaman kong kaba at pagkabalisa.
"Mabuti na lang hindi ka niya nakita!" Cyrsice exclaimed.
BINABASA MO ANG
Just To Get You
RomanceDesperatation can be too toxic but Shin doesn't care of what other people think as long as she get what she wants, and she wants him.