Chapter 5

3.1K 105 18
                                    

Chapter 5

I want to unlove him, to be honest. Ang hirap niya kayang mahalin. Kung pwede lang talaga diktahan ang puso baka kinalimutan ko na siya at naghanap na lang ng iba. Pero hindi, napakatigas ng puso ko, ayaw sa iba gusto niya do'n pa sa baklang iyon. Nahihirapan ako inaamin ko iyon, kung may switch lang talaga naka-off na siguro 'tong feelings ko sakaniya. Pero mahal ko siya eh, wala na akong magawa kasi siya ang tinitibok ng puso ko.

Hindi ako pumasok kinabukasan. Hindi lang dahil sa broken ako sakaniya, medyo masama talaga pakiramdam ko. Mukhang lalagnatin pa ata ako.

I checked my phone and saw Damien's text.

Damien Babe:

Hoy.

Ayon lang ang text niya saakin, akala ko pa naman tatadtarin niya ako ng mga text messages like, I'm sorry, I love you, i didn't mean it, Sorry gusto mo ng kiss mapatawad mo lang ako.

Kaso wala! isang 'Hoy' lang wala pang kasunod. Why so heartless! nakakainis ka na!

Pumasok si Mommy sa kwarto ko na may dala dalang soup. Binatukan niya pa ako kasi napakapasaway ko raw.

"Ano namang ginawa ko." i pouted.

"Lumabas ka pa kasi kagabi, ang lamig lamig sa labas!" singhal niya saakin.

"Hinihintay ko kasi ang love of my life ko Mommy." ngumisi pa ako sakaniya.

"Tigilan mo nga ako Shin! Hindi ka papatulan no'n ni Damien, nakafocus sa pag-aaral iyon!" singhal niya pa saakin, napasimangot naman ako.

"Grabe ka naman! Maganda naman ako Mommy ah? Mana nga ako sa'yo eh." biro ko pa.

"Tumigil ka na, kumain ka na lang diyan. Baba mo na lang iyang plato." sabi niya.

"Bakit ako? may sakit nga ako eh."

"May paa ka!" sigaw niya bago lumabas ng kwarto. I sighed, ang boring naman.

Muling tumunog ang phone ko. Nanlaki naman ang mata ko nang makita na tumatawag si Damien ko. Fvcking feelings! marupok ka self! Isang tawag lang nagkakandaugaga ka na!

"Hello?" i calmed my voice, dapat cold. Iparamdam ko sakaniya kung paano magtampo ang isang Winter Shin Pascua.

"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong niya.

Hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kausap ko lang naman siya sa phone pero grabe ang tibok ng puso ko, mahal na mahal siya masyado. May konting kirot rin ako naramdaman, i don't know but it feels good at the same time painful.

"Wala lang." ayon na lang nasagot ko.

"Wala lang? anong klaseng dahilan 'yan?" tunog iritado siya.

"Dapat nga matuwa ka na hindi ako pumasok ngayon eh." mahinang sambit ko, kumikirot ang dibdib ko.

"Tsk. give me a valid reason kung bakit hindi ka pumasok?"

"Bakit ka nga pala tumawag? hindi mo ba kasama si Aaron ngayon?" iniba ko ang usapan.

"May klase siya, now tell me your reason."

"Wala nga lang, trip ko lang hindi pumasok." i pouted, i heared him cursed in the other line. Ano namang problema nito?

"Tell me the reason, Winter or i'll back out to your offer." Tunog nambabantang sabi niya.

Hindi ko alam pero kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Right! iniipit niya ako, alam niya how submissive i am to him. I am pissed, fvcking pissed and upset at the same time.

Just To Get YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon