Chapter 4

3K 117 23
                                    

Chapter 4

Nasa kwarto na ako ngayon at pagulong-gulong sa kama ko. Bumangon naman ako at sumilip sa bintana ko, tinatanaw ko siya mula rito. Bukas ang ilaw ng kwarto niya kaso hindi ko siya makita.

I decided to call him. Nag-ring naman ang phone niya, matagal pa bago niya iyon sinagot.

"Hello Damien ko!" maligayang bati ko sakaniya.

"What the fvck? Winter?"

Grabe ang gwapo ng boses niya. It's so deep and very manly, kinikilig ako! pero tinawag niya 'kong Winter kaya umurong kilig ko.

"Anong Winter ka diyan! don't call me that, Shin na lang itawag mo sa'kin!" singhal ko sakaniya.

"I will call you whatever i want."

"Bakit ang sungit mo pa rin kahit sa phone? in born na ba yan?" biro ko pa sakaniya.

Hindi naman siya sumagot. Napasimangot naman ako. Ang pangit niya talaga kausap. Buti na lang mahal ko siya!

"Anyway, totoo ba ang narinig ko kanina?" ngisi ko, pinipigilan ang kilig.

"Ano ba narinig mo kanina?"

"Hala walang bawian!" singhal ko.

"Ano nga narinig mo kanina?"

"Na pumayag ka na doon sa offer ko sa'yo! 'wag mong bawiin!" pagmamaktol ko.

"May sinabi ba 'ko?"

"Meron kaya! hala wala ng bawian! ang duga mo naman eh!" singhal ko sakaniya.

"Labas ka."

"Ano?"

Napatayo naman ako agad at sinilip ang labas. At nandoon nga siya! Nakaupo siya ulit doon sa bench. Tumingala siya saakin at tinaasan ng kilay. I gestured to him to wait, nag-ayos ako ng mabilisan bago lumabas. Sinalubong naman ako ni Mommy.

"Oh saan ka pupunta? Ba't ka nagmamadali?" nakapameywang saakin si Mommy habang tinatanong ako.

"Aahh sa labas lang po." sagot ko.

"Oo alam ko pero bakit nga?" kunot noo niyang tanong.

"May pag-uusapan lang po kami ni Damien." sabi ko pa, napataas naman kilay ni Mommy.

"Kailan pa kayo naging close ni Damien? Hindi ka nga pinapansin no'n eh." sabi ni Mommy.

"Grabe ka naman Mommy!"

"Oh baket? baka naman hindi si Damien ang kikitain mo sa labas?"

"Si Damien nga po! kahit sumilip ka pa sa labas, doon lang kami sa may bench nila." paalam ko pa.

At last pinakawalan rin ako ni Mommy, kumaripas na ako ng takbo palabas. Nakasimangot siya habang naghihintay saakin, naka-cross pa ang braso niya. I chuckled, ang cute cute talaga! Nang mapansin niya ako ay umusod siya at tinapik ang katabing upuan niya. Nakangiti naman akong umupo.

"Missed me?" i smirked.

"Asa ka." ngiwi niya. "Ba't ang tagal mo?"

"Si Mommy kasi nag-ala detective, Iniisip niya kung kailan pa tayo naging close. Close naman tayo 'diba?" ngisi ko. Hindi siya sumagot. "So ano?"

"Anong 'ano'?" balik niyang tanong. Napasimangot ako.

"Hindi ba pumayag ka na sa offer ko kanina! narinig kita eh!" singhal ko sakaniya.

"Nabingi ka lang."

"Nakakaasar ka naman eh! biglang binawi amputa!" nagulat naman ako nang pitikin niya ang bibig ko.

Just To Get YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon