Chapter 17

2.8K 87 9
                                    

Chapter 17

I never had my life what i have here in the Philippines back in San Francisco, naging busy ako dahil kay Ice. Wala na akong time para mag-bar at magparty. I'm a mother now and i know my responsibilities as a mother of Ice.

Hindi na rin ako nakahanap ng partner ko in life. May mga sumubok pero hindi ko naman bet! Though hindi naman ako nanghihingi ng makakasama sa buhay, Ice would be enough for me.

At ngayon nagbabalik ako sa bar, nahatak lang naman ako ng mga kaibigan ko wala na rin akong nagawa kun'di ang sumama. Saka ngayon na lang naman ulit, hindi naman masama iyon hindi ba? Gusto ko naman ulit maranasan ang magwala at magpakasaya kung minsan. I'm still twent-five! hindi pwedeng malosyang! Kaya aariba na ako ngayon!

Wearing a white sleeveless turtleneck and a high-waist short, paring it with beige wedge sandals. Bagets na bagets ang awra ko tonight! I also put a dark red lipstick on my lips and a black winged eyeliner.

"What a hot mama!" said Vanna. Umikot ako sa harap nila at nagpose.

"Let's go! maaga pa ako uuwi baka biglang magising ang aking anak."

Sa pagdating namin ng bar, i became hype because of the dj's music. Naghanap na agad kami ng table at naupo na roon, maraming tao ngayon at ang wild ng dancefloor parang nahahatak tuloy ako at gusto ko ring sumayaw but i need to drink first.

"Bawal hard drink saakin ah!" binalaan ko agad sila.

"Oo na po, mama!" biro naman ni Cyrisce at nagtawag na ng waiter.

"Catch up muna tayo! tangina almost five years ago nagulat kami na nabuntis ka at lumipad patungong America at magkapatid pala kayo ni Felix! Nalaman lang namin dito kay Cyrisce, Grabe ka girl! daming pasabog sa life mo! pero mas grabe iyong pinasabugan ka ng bakla sa loob mo!" tawa ni Kelsey.

"Ang malas niya lang kasi hindi siya pinanindigan! Magmamahal ka na nga lang sa maling tao pa! Iyan tuloy walang ama iyong inaanak namin!" singhal ni Cyrisce.

"Past is past! masaya naman ako dahil may Ice ako 'no." sabay inom ko ng isang baso.

"Bakit nga ba hindi ka pinandigan no'n?" takang tanong ni Vanna.

Nyeta. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako sa 'catch up' naming 'to! ginigera nila ako ng mga tanong na dapat nabaon na sa limot! Pero hindi ko nga naman sila masisisi, hindi ako nagkwento kaibigan pa naman nila ako tapos ganoon.

"Ewan ko! hindi naman siya nagpakita saakin, iyong boyfriend niya lang tapos may binigay saaking sulat galing daw kay Damien." sabi ko. "Huwag na nga natin pag-usapan! kinalimutan ko na ang mga taong iyon! Kayo ba walang ganap sa buhay? buntis na ako lahat lahat single pa rin kayo!"

"Wow nagsalita! may anak ka lang pero single ka din!" singhal saakin ni Cy.

"Gago!"

"Alam mo! Para may tumayong ama kay Ice maghanap tayo ng lalake ngayon!" tili ni Kels.

"Kami lang." sabat ni Vanna. Tinarayan naman siya ni Kelsey.

"Wala akong lalake duh!" taray ni Kelsey.

"Isusumbong kita kay Budoy ah!" ngisi ko sakaniya. Inirapan niya lang ako at tumungga ng isang basong tequila.

"Ano nga? hanap tayo ng lalake mo!"

"Wala tayong mahahanap na matinong lalake rito! Malay natin kapag nalaman nilang may anak ako ay baka takbuhan lang ako, 'wag na uy! mga walang bayag." i hissed. nagtawanan naman sila.

"Sabagay!"

Nang medyo tinamaan na kami ng alak saka kami tumungo sa dancefloor, we danced with different strangers and it was fun! Magtatawanan naman kami kapag may biglang magpapakilala saakin tapos tuwing sasabihin ko na may anak ako, tumatalikod agad sila. Napapailing na lang kami at magtatawanan.

Just To Get YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon