Pasensya na natagalan hihihi. Enjoy! :*
Chapter 4
RayenAyumi's Pov
Naka-tingin ako sa salamin na nasa harap ko at malalim na nag-isip, its Kate's wedding day at nasa kwarto niya siya ngayon. Inaayusan ako ng hinire nilang make up artist ngayon, tapos ng ayusin ang buhok ko at naka-tali ito hindi ko alam kung anong tawag pero maayos na maayos siya.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil sa kasal ni Kate at Kaizer or sa pag-iisip kung dadalo ba si Kurt. Parang kagabi lang ready na ready na ako sa muli naming pagkikita pero ngayon bat parang umuusod ang dila ko? What the heck. Hindi pwedeng ganto ang nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong kumalma dahil baka sa panginginig ko ay maka cause ako ng gulo at baka masira ko pa ang kasal nila.
"A-Ah excuse me? Can you get me a water please I'm thirsty." baling ko sa babae, ngumiti naman ito saka tumango at lumabas ng kwarto ko
Humarap ulit ako sa salamin at marahang tinampal ang pisngi ko para magising ako sa katotohanan.
"Huminahon ka, Huminahon ka. Kailangan maganda at maayos ka sa muli niyong pagkikita okay? Don't do stupid things Ayumi.." bulalas ko sa sarili ko saka ipinikit ang mata ko saka huminga ng malalim
"Ms.Ayumi here's your water."
"Thank you!"
Inayusan niya ulit ako habang ako naman ay pilit na kinakalma ang sarili ko pero hindi ko maiwasang hindi manginig dahil sa lamig? takot? kaba? Halo-halong emosyon.
"Ah...Giniginaw kaba?" she asked me, mukhang na sense niya ang panginginig ko. Nahihiyang tumango ako kay ngumiti ito saka inabot ang remote ng aircon saka iyon pinatay at muling bumalik sa gawi ko
"Kinakabahan kaba dahil sa kasal ng pinsan mo?" tanong niya saka inayos ang kilay ko
"A-Ah yeah.. A little?"
Mahina naman itong tumawa, "Mukhang close na close kayong dalawa. Wag kang mag-alala malay mo sa susunod ikaw na naman ang ikakasal?" tawa niya kaya awkward akong ngumiti
"H-Hope so..."
Nanahimik kaming dalawa hanggang sa pumasok si Kuya sa kwarto ko, ayos na ayos na siya mukhang bumyahe pa sila ni Bea papunta dito ah.
"Not yet done?" tanong nito sa nagma-make up saakin
"Not yet sir." magalang na sagot niya, tumango naman si kuya saka umupo sa harapan ko at matalim akong tinutukan
"Are you shaking?"
Gulat naman akong napatingin sa kamay ko at nanginginig iyon, mabilis ko iyong tinago sa ilalim at umiwas ng tingin sakaniya.
"Yes you are." sagot niya sa sarili niyang tanong
"I know you. Umaasa kang dadalo siya sa kasal no?"
Halos mapa-ubo ako ng laway dahil sa sinabi niya, gulat na tinignan ko siya sa mata at ganoon pa rin ang paraan ng pagtingin niya. Malalim at ani mo'y binabasa ang nasa isip ko.
"W-What are you talking about?!"
"Stop lying, I know you."
Huminga ako ng malalim at nagpasyang hindi na makipagtalo sakaniya dahil alam kong ipipilit niya lang ang nasa utak niya at wala akong laban doon una dahil kuya ko siya pangalawa tama siya. Umaasa akong dadalo siya.
"Kinulam kaba ni Kurt para magkaganyan? 1 year na ang lumipas AYU! N-No.....6 years na ang lumipas pero siya pa rin?! Are you kidding me?! Hindi ka naman ganon ka loyal no?!"
BINABASA MO ANG
Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]
General FictionKung hindi ko lang sana sinayang ang panahon para tanggapin siya, kung sana hindi ko ginawa ang napaka laking kamalian ko sakaniya ay siguro kami pa rin hanggang ngayon, nagkabalikan na siguro kami ulit. But dahil sa pagkakamali ko ay nasira ang lah...