Chapter 11

3.5K 140 58
                                    

A/N: Sa gustong magpa-dedicate comment lang. :) Enjoy!

Chapter 11
Hurt Again

Jake's Pov

Gabi na ngayon at nandito kami lahat sa sala except kay Jann na nakikipag-skype sa mag-ina niya. Katabi ko ngayon si Ayumi at nasa harapan naman namin sila Kurt at Heart, sila Venus, Phenix at Real naman nasa likod namin at si Rhight naman ay nasa tabi ni Ayumi. Medyo na a-awkward ako sa posisyon namin ngayong lahat dahil sa nangyareng sagutan nila Ayu at Heart kaninang umaga grabe hindi ako makapaniwala na pinag-aagawan nila si Kurt. Gwapo talaga ng loko pero naawa ako kay Ayumi seryoso dahil halata kay Kurt na wala na siyang pake sa ex niya dahil puro si Heart lang ang pinapansin niya hindi ko alam kung sinasadya niya ba talagang pagselosin si Ayumi eh pero nakakaawa talaga si Ayu, wala siya sa mood at nakatulala lang.

"HAHAHAHAH! That's so funny right Kurt?!" halakhak ni Heart saka sandal sa braso ni Kurt, napa-nguso naman ako saka tumingin kay Ayumi mukhang hindi niya napansin dahil nakatulala siya

Naka-isip ako ng kalokohan---Ganti na ito ng magandang si Ayumi! Umarte akong humikab saka umunat ng sobra yung literal na matutulak ko si Ayumi papunta kay Rhight.

"O-Oh?" gulat na naiusal ni Ayu habang nakadikit ang katawan niya kay Rhight lihim naman akong napangisi ng mapansin kong napalingon sila Heart at Kurt

"Ano ba move!"

-____- Peste panira talaga tong supladong to sarap saksakin ng tinidor.

"Hey Heart you want?" tanong ni Kurt kay Heart sabay offer ng coke niya dito, nanlaki naman ang mata ko indirect kiss ang mangyayare pagkukunin yun ni Heart

"Wow ang sweet mo naman thanks-----

"Akin na lang to pre inuuhaw talaga ako!" bulalas ko sabay kuha sa coke ni Kurt saka iyon tinungga at dinila-dilaan ang buong inumanan napangiwi naman sila sa ginawa ko

"Tangna your gross Jake!" nandidiring sigaw ni Kurt sabay talikod saakin at muling hinarao ang tv, nakahinga ako ng maluwag saka tinignan si Ayumi na nakakunot ang tingin saakin. Malapad ko naman siyang nginitian

"What's wrong with you?" basa ko sa bibig niya, nilingon ko si Kurt at Heart saka muli siyang tinignan

"Nothing." sagot ko ng walang boses, saka siya muling nginitian. Nakakunot ang noo nitong tinitigan ako ng masama saka kinuha ang phone niya at may tinype doon, maya-maya naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko

From: Ayumi

I know ginagawa mo yan kasi naawa ka sakin but please stop it Jake! I don't like it.

Ngumuso naman ako saka siya tinignan, maasim ang mukha nito.

To: Ayumi

Sorry na, ayoko lang kasi na nakikita kang nakasimangot I know mahal mo pa rin si Kurt pero sinasaktan ka niya--sinasaktan ka nanaman ng trntdo naming kaibigan, pasendya na talaga Ayu huh.

Narinig ko itong bumuntong hininga. Mukhang malaki talaga ang pinapasan niyang problema,.I hate to see her like that naging malapit na rin siya saakin at napaka importante niya sa barkada.

From: Ayumi

It's okay Jake, I'm okay.. I can hadle this just don't mind me.

Pilit na nginitian ko siya saka ginulo ang buhok nito kaya kinurot ako nito sa tagiliran kaya ako natawa. Napalingon naman saamin ang iba kaya patay malisya kaming bumalik sa panonood. Tinignan ko ang likod ni Kurt,

Ano bang ginawa mo kay Ayumi para maging ganito siya sayo? Ano bang ginawa mo para mahalin ka ng sobra ng babaeng ito. Hindi mo ba nakikita ang nararamdaman niya, ang paghihirap na nararamdaman niya ngayon dahil bumalik ka? Sana pala hindi kana lang bumalik kung alam kong magiging ganito ang resulta. Hindi ko alam kung ikaw pa rin yung dating Kurt na kilala ko dahil sa nakikita ko ngayon hindi na ikaw yung Kurt noon. Hindi na ikaw yung Kurt na kayang tiisin ang isang Ayumi Jones.

Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon