Chapter 36

4K 100 38
                                    

WARNING: SPG ALERT! ALERT! ALERT!

Chapter 36
Public Restroom

Heart's Pov

*Beeeez* *Beeeeeez*

Ano ba yan! Ano bang ingay yan?!

*Beeeeeeezzz* *Beeeezz*

"UGH! KELAN PA NAGKAROON NG ALARM ANG ORASAN KO?!" galit na sigaw ko sabay lingon sa maliit kong clock, totoo naman eh hindi ako nagse-set ng alarm sa alarm clock hindi ako nagjo-joke!

Nangagalaiti kong pinatay ang alarm clock ko saka padabog na tumayo sa kama ko. Asar akong lumabas sa kwarto ko may papatayin lang akong peste ngayong umaga!

"Asan kang loko ka." bulong ko habang pababa sa hagdanan, narinig ko kaagad ang ingay ng tv na nanggagaling sa sala at doon ko naabutan ang peste na gusto ko ng pugsain

"I KNOW IKAW ANG NAG SET NG ALARM CLOCK KO WAG KA NG MAGKAILA PA!" malakas na sigaw ko sakaniya, wala sa mood ako nitong nilingon na akala ko inaasahan niya na ang pag sigaw ko

"May lakad tayo."

"At sinong nag sabing sasama ako sayo?! HINDE! Manigas ka hindi ako sasama sayo!" galit na sigaw ko, umayos naman to ng upo saka ininom ang coffee niya

"Bakit gusto ko bang makasama ka? Hindi rin naman ah." hindi ko alam kung bini-bwisit niya ako or ano pero mas nakakabwisit siya ngayon

"FOR YOUR INFORMATION MR. ROMERO RAYEN RHIGHT III, IKAW ANG UNANG NAMBWISIT SATING DALAWA DIBA SABI KO WALANG PAKEALAMAN SA BAHAY NATO?!"

"Bakit bahay mo ba 'to? Sa pagkaka-alam ko ako ang bumili neto ah?" angal-angalan na tanong niya

Padabog kong hinagis ang tsinelas ko sa lugar niya at natamaan siya noon sa bandang paa.

"Hindi ko ginustong tumira sa puder mo at mas lalong hindi ko ginusto na makasal sa isang tulad mo!"

Silence..

Nagulat ba kayo? Sinong hindi magugulat. Oo kasal kami nitong Rayen Rhight nato paano? Arrange marriage nga naman the heck as if naman gusto kong makasal sa isang tulad niya. Tanging pamilya lang namin ang nakaka-alam tungkol sa kasal naming dalawa kaya walang alam sila Kate at mga Jones tungkol dito. Matagal na kaming kasal mga 15 years old pa lang ako that time hindi pa yon legal dahil hindi pa ako 18 pero atat ang mga lolo't-lola naming dalawa kaya kahit na hindi pa pwede ipinakasal na nila kami at oo natali ako ng maaga sa supladong 'to. Alam kong hindi kayo makapaniwala ganon rin ako.. Nakatira ako sa iisang puder kasama ang lalaking to for 6 years. OO 6 YEARS!

"Iuulit-ulit ko na naman ba yan? Tumigil kana nag sasayang ka lang ng oras. May family dinner date tayo mamaya kaya wag kang umangal hindi ko rin naman ginusto 'to ah? Don't worry isang taon na lang ia-annual na kita."

Napa-irap na lang ako bat ba kasi kailangan pang maging 7 years para mag-process siya ng annulment?! Argh ka-imbyerna! Mapera naman siya actually kayang-kaya ko siyamg i-annual kahit kelan ang problema lang hindi siya pumapayag kesyo ano daw ang sasabihin ng mga Great grandma/grandpa namin. Minsan nga naiisip ko na dahilan lang nya yon para hindi ko siya mahiwalayan kaso nagigising rin ako agad sa pag aambisyon ko dahil malabong malabo.

"May lakad ako mamaya." ani ko saka umalis sa sala, dumiretso ako sa dining room namin at may nakahanda ng pagkain para sakin fried rice, egg saka bacon napangiti naman ako. Sa tagal kong tumira kasama ang lalaking 'to ang luto niya talaga ang pinaka gusto ko.

"At saan ka na naman maglalakwatsa?" halos mapatalon ako sa gulat hindi ko napansing sumunod pala to sakin dito

Hindi ko na lang siya pinansin saka nag simulang lumamon. Saraaaap talaga mwehehehe!

Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon