Sinong nagulat sa Chapter 36? Hahahaha.. Sumakit talaga ang puso ko, labs ko kasi talaga si Rhight lol. Enjoy this chapter mga babies hihi~
Chapter 38
AsawaTulad ng usapan namin ni Kurt naging s*x slave niya na nga ako akala ko isang beses niya lang ako gagamitin pero hindi dahil inaraw-araw niya ako. Nagwo-worry nga ako kasi baka mabuntis ako hindi pa naman maganda ang sitwasyon ko ngayon lalo na't nakabukod na ako sa pamilya ko. Hindi naman sa ayaw ko na mabuntis ako ni Kurt sa totoo nga gusto ko eh kaso paano kung hindi niya tanggapin? Paano kong takbuhan niya ako? P-Paano kung... idenay niya na hindi siya ang ama? Iniling ko ang ulo ko dahil masyado na akong nag iisip ng imposibleng bagay.
"Food is ready!" anunsyo ni Kate na busy kanina sa cellphone niya pero ngayon parang bata na matagal na hindi pinalamon
Nag thank you kami sa waiter na naghatid ng pagkain namin nandito kasi kami ngayon sa Mcdo at break namin at dahil pinilit ako ng babaitang 'to ng kumain dito wala na akong nagawa kundi sundin siya. Weeks na rin ang lumipas simula ng magtrabaho si Kate sa bar na pinapasukan ko at week na rin ang lumipas simula ng gamitin ako palagi ni Kurt ang weird nga eh kasi hindi ako pabor sa lugar na... ginagawan namin ng milagro. P-Para akong bayaran ugh!
"Kate hinay-hinay baka mabulunan ka niyan." saway ko sakaniya ng pag sabayin niya ang burger saka fries
"O-Owkaaay lang ako inshan gutom kashi shi vavyyyg.."
Isusubo ko na sana ang spaghetti na inorder ko ng marinig ko ang huli niyang sinabi. Vavyyy? Kunot noo kong tinignan si Kate na busy sa paglamom.
"Kate... May hindi kaba sinasabi saken?" mahinahong tanong ko, natigil naman to sa pag subo saka ako tinignan sa mata
"H-Huh?"
"Stop. I know may tinatago ka." ani ko kaya nag iwas to ng tingin, hindi talaga siya magaling mag sinungaling
"A-Ano bang sina---
"Are you pregnant?" diretsahang tanong ko nabilaukan naman ito kaya napa iling na lang ako. I knew it! I knew it!
"Ack! P-Paano mo nalaman obvious ba talaga ako?! Asar naman oh di talaga ako magaling mag tago aish!" naiiyak na singhal niya saka napa hilamos sa mukha, tinuloy ko ang pag subo ko sa pagkain ko habang nage-emote siya
"Kelan pa yan?"
"1 month na.." bulong na sagot niya napa tango na lang ako kaya pala medyo tumaba siya haysst nakaka inggit si Kuya may masayang pamilya na tas tong bruha kong pinsan may asawa na at nakagawa na rin ng baby. Mukhang tatanda talaga akong dalaga hay buhay..
Nag usap pa kami ni Kate habang kumakain ngi tinanong nga ako nito kung ano daw ang ipapangalan niya sa baby niya kung boy daw o kaya girl tas sabi niya pag girl daw 'Girly' ang ipapangalan niya kaya muntikan ko pa siyang masapok kanina ang pangit mag bigay ng pangalan tsk! Medyo kabado nga siya kasi baka malaman ni Tita kesyo may gawin nanamang kakaiba kaya dumible ang problema niya at nahawaan niya ako sa kakaisip sa problema niya! Darn focus Ayumi may sarili kang problema!
Nang matapos kaming kumain ni Kate agad rin kaming bumalik sa trabaho may free time pa kami pero ginrab yun ni Kate para pandagdag sahod na rin habang ako naman nag pasya munang magliwaliw sa restroom. Napangiti ako ng maalala ko ang nangyare sa lugar nato..
"Emegeddd.." mahinang irit ko saka kinagat ang labi ko at iniling ang ulo ko
Hindi to magandang oras para lumande Ayumi alalahanin mo ginawa niya lang yon dahil sa usapan niyo dahil may utang ka sakaniya. Napa sandal ako sa pader dahil sa naiisip ko aaminin ko gusto ko ng tumigil dahil nagmumukha na akong tanga, martir, boba pero naalala ko yung pag habol sakin ni Kurt kung ikukumpara yun sa ginagawa ko? Wala pa ako sa kalahati eh. Walang gana akong lumabas sa restroom at dumiretso sa office ng manager ko bakla. Tinaasan ako nito ng kilay ng makita niya ako.
BINABASA MO ANG
Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]
General FictionKung hindi ko lang sana sinayang ang panahon para tanggapin siya, kung sana hindi ko ginawa ang napaka laking kamalian ko sakaniya ay siguro kami pa rin hanggang ngayon, nagkabalikan na siguro kami ulit. But dahil sa pagkakamali ko ay nasira ang lah...