Sinong pipiliin niyo para kay Ayu? Si Kurt ba o si Rhight?
Chapter 41
The AnswerAyumi's Pov
Sinamahan ako ni Rayen papunta sa office ni Kurt at naabutan naming wala ang assistant nito kaya napagpasyahan kong buksan ang pinto ni Kurt ng walang katok-katok. Mag sasalita na sana ako ng may marinig akong boses ng babae..
Yung sa condo mo." teka boses yun ni Heart ah? Dahan-dahan kong inawang ng kaunti ang pinto saka ko sila nakita
"Oh ano namang meron don?" tanong ni Kurt
"What if hindi dumating si Ayumi? What if hindi nagpakita si Rhight? What if natuloy yun at what if.... what if nabuntis mo ko? Papayag kabang sagutin ang responsibilidad mo bilang ama sa anak ko?"
The heck?! Anong pinagsasabi nitong hindot na babae nato? Hindi pa ba siya nahiya na nabuking na siya ng asawa niyang nakikipaglandian sa ibang lalaki? Sa ex ko pa?! Sa Kurt ko pa talaga?!
"Buntis? Ikaw? Ahahhahahaha!" malakas na tawa ni Kurt mukhang nage-enjoy pa talaga ang hayop pero imbes na guluhin ko sila nakinig na lang ako dahil...
Dahil yung tanong ni Heart ang makapagbibigay saakin ng sagot sa katanungan ko. Matagal na nakipagtitigan si Kurt kay Heart at ganon rin ako pigil hininga pa talaga ako habang nakikinig hanggang sa..
"Hindi pa ako handang maging ama kaya kung mabuntis man kita oh ano hindi...Hindi ako makakapayag dahil ayoko sa bata."
Nag echo yun sa isipan ko paulit-ulit na akala mo sirang manika. Halos gumuho ang mundo ko nawalan ako ng lakas at parang may kumirot sa isip ko, napa-atras ako at sa pag atras ko natabig ko yung vase sa bandang counter kaya nag panic ako dahil baka makita ako ni Kurt at baka malaman niya ang tungkol sa baby namin.
Mabilis akong tumakbo habang hawak hawak ang tyan ko, nang makapasok ako sa elevator agad akong napahawak sa isang gilid saka hindi na napigilan ang sarili kong maiyak.
"Ayumi!" tawag saakin ni Rayen saka ako inalalayan, mabilis ko siyang niyakap. Ansakit... ansakit ng feeling ko
Parang... parang ito ang pinaka masakit sa lahat ng ginawang pananakit saakin ni Kurt, yung tanong ni Heart ang nakapag bigay saakin ng sagot... sagot kung ipapaalam ba sakaniya ang tungkol sa baby namin. Pero ngayon alam ko na, alam ko ng itataboy niya ako at lalo na ang baby ko dahil hindi ba siya handa. Dahil ayaw niya sa bata. Ayaw niya sa anak namin.
"I-I'm so sorry baby." bulong ko habang hawak hawak ko ang tyan ko, hindi pa ito ganon kalaki pero sapat na para sa ilang buwang pagbubuntis ko
"Hush... Don't cry makakasama yan sa baby mo." bulong ni Rayen
Nagtaas ako ng tingin sakaniya saka muling umiyak, "A-Ayaw niya... sa bata."
"Sshh..." patahan niya pa sakin kaso mas lumakas ang iyak ko, nakarating kami sa first floor ng puro lang ako ngawa ngi pinagtitinginan na nga kami pero parang wala lang yun sakin
Ang baby ko.... Kawawa ang baby ko. Muli na namang sumikip ang dibdib ko ang hirap isipin, napaka tanga ko ano na lang ang sasabihin nila mom and dad nito? Ni kuya? Na isa akong disgrasyada. Na matapos akong maglayas at mag mayabang na kaya kong iahon ang sarili ko ng wala nilang tulong eh ganto na lang? Nakakagago lang pinaglalaruan ba ako ng mundo?
"Ayumi can you please stop?" naiinis na na sabi saakin ni Rayen pero inilingan ko lang siya
"P-Pano ako titigil huh? Matapos kong marinig ang hindi ko inaasahang sagot kay Kurt? Titigil at hihinahon ako bakit Rayen ano bang ine-expect mo ang tumawa ako ng sobrang lutong? Magsisitalon sa tuwa? Ipag sigawan sa mundo na ang ama nitong nasa sinapupunan ko eh ayaw sakaniya? Tangna wag nga tayong mag lokohan Rayen alam mo at alam ko ang totoo, ito ang totoo kaya wag mo kong sabihan na tumigil sa kaka ngawa kasi hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko!"
BINABASA MO ANG
Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]
General FictionKung hindi ko lang sana sinayang ang panahon para tanggapin siya, kung sana hindi ko ginawa ang napaka laking kamalian ko sakaniya ay siguro kami pa rin hanggang ngayon, nagkabalikan na siguro kami ulit. But dahil sa pagkakamali ko ay nasira ang lah...