Chapter 19

3.5K 156 66
                                    

A/N: Share ko lang, sa mga nag comment ng pangit na ang kwento nakakasawa chuchu, anong problema niyo? De joke HAHA eto seryoso na. Kaka-beastmode kasi ya know kainis lol, eh sa gusto kong ganon yung flow ng story eh saka choices mo naman if gusto mong ipagpatuloy diba? Mas nakakasawa rin naman kasi yung halos perfect na diba? Bine-base ko lang kasi tong story sa realidad kaya kung ikaw na di makasabay suggest ko sayo tumigil kana lang sa pagbabasa :) No hard feelings seryoso. Kase bawat type ko dito galing sa puso ko hindi lang naman ako gumawa ng bawat chapter para pa hambogness lang eh kaya sana ma appreciate niyo kahit KONTI. :) So ayon lang enjoy reading!

Chapter 19
Give up?

Ayumi's Pov

"Asan mo ba ko balak dalhin huh?" biglang tanong sakin ni Kurt habang nasa likod ko siya, hindi pa rin ako makapaniwala na nakakapag-usap nanaman kami ng maauos nang walang sigawan. Parang tumatalon ang puso ko sa saya.

"Sa hindi mataong lugar." sagot ko saka lumiko sa isang hallway, actually hindi ko rin alam kung saan kami pupunta naghahanap lang ako ng lugar na wala masyadong tao nang makapag-usap kami ng maayos dahil ayokong mag-isip siya ng masama sa nangyare kanina

"What?!" gulat na sagot nito

Napatingin ako sa isang pinto kaya binuksan ko iyon at napansin kong bodega iyon. Hindi naman ganon ka dumi, makalat nga lang.

"W-What are we going----

"Come here." tawag ko sakaniya sabay hila sa kamay niya, lihim naman akong napangiti. Ang lambot talaga ng kamay nitong lalaking 'to

Nang makapasok kami sa loob ay agad kong sinara ang pinto, hindi masyadong maliwanag ang ilaw sapat lang para makita ko ang mukha niya. Dahan-dahan akong lumapit sakaniya at dahan-dahan rin siyang umatras.

"A-Ano bang binabalak mo huh?!" may bahid na pagka-asar sa boses niya kaya nasaktan ako. Ganto niya ba ako ka hindi gustong makasama kahit sandali lang?

"I just want to be with you." bulong ko at napansin ko ang paglunok nito

Nag-iwas to ng tingin sakin na akala mo tinutukso ko siya.

"I'm with my girlfriend Ayumi. Respeto naman."

Halos matawa ako sa sinabi niya, Respeto? HAHAHA nagjo-joke ba siya?

"Respeto? Hahahaha." tawa ko saka napa-iling at mas lumapit pa sakaniya, napasandal naman to sa pintuan

"Diba dapat kayo ang sabihan ko ng 'respeto' Kurt baka nakakalimutan mo, may pinagsamahan tayo."

"Bat mo ba paulit-ulit na sinasabi huh?! Wag ka ng maghabol sakin Ayumi nakaka-sawa na maawa ka naman sa sarili mo!"

Inilingan ko siya saka idinikit ang katawan ko sakaniya at seryoso siyang tinitigan sa mata. Napansin ko ang sunod-sunod na paglunok nito.

"A-Ayumi I'm with my girlfriend at hindi tama tong ginagawa mo. Matapos mong halikan si Rhight ako nanaman ang lalandiin mo? Kelan kaba magkakaroon ng hiya sa sarili mo? Hindi na ikaw yung dating minahal ko. Nung araw na muntikan ko ng kunin ang virginity mo akala ko titigil kana non kasi nadala kana but I'm wrong dahil nagbago kana. At ayoko sa pagbabago mo, mukha kang babaeng martir na ubod ng kalandian sa katawan---PAK!"

Hindi ko na siya pinatapos, sinampal ko siya ng sobrang lakas kaya natigil to sa pagsumbat saakin. Oo nasaktan ako sino namang normal na tao ang hindi masasaktan kung insultuhin ka mismo ng taong mahal mo hindi ba?

Natawa naman ito saka nagtiim na panga na tinignan ako sa mata.

"Tas ngayon sasampalin mo ko? Kung ayaw mong mabastos wag kang gumawa ng kabastos-bastos." ani niya saka ako tinulak, binuksan nito ang pinto saka muling humarap sakin

Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon