Chapter 48

3.1K 91 18
                                    

Sorry kung pagong ang update medyo busy kasi sa school hekhek! So, don't forget to vote and leave a comment :)

Chapter 48
Comeback Together

Ayumi's Pov

Uwi na namin ngayon sa Pinas at syempre masaya na naman ako sana ganto palagi.. Masaya ako kasama ang lalaking mahal ko, wala na akong ibang hihilingin pa.

"Baby are you ready?" tanong sakin ni Kurt na bagong ligo tumutulo pa ang tubig na nangagaling sa buhok niya, napalunok naman ako habang nakatingin sakaniya

"Seriously? Baby not now di tayo pwedeng ma late sa flight." agad akong nag iwas ng tingin jusko naman kelan pa ba ako naging maniac?

"By the way, Gusto kong magpa-tattoo." biglang sambit nito kaya naagaw niya ang atensyon ko

"Huh? What design?"

"Pangalan ng buhay ko." napakunot naman ang noo ko, lumapit to sakin saka sinakop ang pisngi ko gamit ang palad niya

"Your name."

Dahan-dahan akong ngumiti sus makikigaya pa sakin oh.

"Kaso nagwo-wonder ako kung saan ko ipapalagay.. sa right chest ko ba o left." pagtukso nito kaya bumusangot ako

"Sa pwet mo!" bulyaw ko kaya humaglapak ito. Okay na sana kaso nang aasar pa talaga eh! Masyadong masaya porket nakarami kagabi tss

Medyo matagal ang byahe papuntang airport dahil traffic akala ko sa Pinas lang may traffic pati din pala dito meron. Nakatulog ako sa byahe medyo kulang rin kasi ang tulog ko kaya nagising na lang ako na nasa airport na kami.

Pinagtitinginan kami sa airport ewan kung bakit.. baka dahil gwapo tong lalaking to sa tabi ko or dahil sakin? Hoho! Sorry kayo taken na kaming dalawa at mahal na mahal namin ang isa't-isa. Ilang oras rin kaming naghintay sa flight namin at syempre nakatulog na naman ako wala eh buntis eh..

"Sila mom at Keith ang susundo sating dalawa." nanlaki naman ang mata ko, akala ko si Kuya Migs

"Di pwede si Migguel may date sila ng asawa niya at ng baby nila." napa tango naman ako habang nakanguso

"What's the matter?" tanong nito

Humawak naman ako sa kamay niya, "Galit sakin si tita." tinaasan naman ako nito ng kilay akala mo hindi naniniwala

"Seryoso nga.. Hindi na siya boto para sakin." ani ko na halos nanlalata, naalala ko yung pagbisita ko sa bahay nila...waaaah!

"Hindi na yun galit tss." ani nito saka hinalikan ang noo ko, medyo napanatag naman ang loob ko kahit papaano

Tahimik lang kami sa byahe at medyo wala ako sa mood dahil siguro to sa pagbubuntis ko medyo sumakit ang ulo ko kaya pinatulog lang ako ni Kurt at ginigising lang ako pag may pagkain na dumating. Pinakinig lang ako nito ng sound para mas makatulog ako ng mahimbing, minsan bumabangon ako para manood ng movie sa screen na nasa harapan ko ganon rin si Kurt.

"San mo gusto ikasal?" out of the blue moon na tanong nito, napangiti naman ako

"Kahit saan basta nasa tabi kita." natawa ito while namumula ang tenga niya, sus kinikikig na naman

"Hindi nga..seryoso anong wedding ang gusto mo? Church or beach or helicopter or mountain wedding?"

Natawa naman ako anong klaseng suggestion ang binigay niya sakin tss hahah

"Helicopter? May ganon ba?"

"Oo may ganon hahaha.."

Ngumiti ako saka sumandal sa dibdib niya. "Gusto ko kakaiba sa mga normal wedding, hindi ganon kabongga gusto ko tayo-tayo lang na pamilya. Okay lang ang simple ang importante makasal tayo."

Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon