You can play the music video if you want pag nandon na kayo sa part na nag-uusap si Ayumi at Kurt para mas feel niyo. :)
Chapter 49
Deja VuNagising ako dahil ginising ako ng mom ni Kurt na shock pa nga ako dahil andaming nakakalat na mga gamit sa kwarto ni Kurt andaming make up at mga damit. Kaya naligo agad ako bago ulanin ng tanong ang mom ni Kurt.
"Ah m-mom bat andaming nakakalat sa kwarto?" tanong ko, nahihiya pa ako sa pagtawag sakaniya ng mom para kasing nagbago na yung samahan namin noon ngayon
Ngumiti naman ito saka ako pinaupo sa couch. "May pupuntahan tayong party."
"Party?" kunit noong tanong ko, tumango naman ito saka pumalakpak at may lumabas na babaeng naka uniform na black
"Ayumi this is Lea siya ang make up artist ko aayusan ka niya ngayon at susundin mo ang lahat ng sasabihin niya." bulalas ng mom ni Kurt
"Lea alam mo na ang dapat mong gawin see ya later darlin'.." paalam nito
Naiwan kami ni Lea sa sala pero di nagtagal inaya ako nitong umakyat sa kwarto ni Kurt, kaya ba maraming nakakalat don?
"Ah may alam kaba sa party na sinasabi ni m-mom?"
Ngumuti naman ito saka ako inalalayang umupo. "Hmm.. not sure."
Napa nguso na lang ako, nagsimula niya na akong ayusan at tahimik lang akong kinakqlikot ang phone ko. Nang maalala ko si Kurt agad ko itong kinontak.
"What the...hindi mo sinasagot ang tawag ko huh?" pagil galit na bulyaw ko ng walanv sumagot sa tawag ko, natawa naman si Lea kaya mas nainis ako
Hindi siya umuwi?! At asan na naman kaya pumunta ang lalaking yon nakakairita. Sira ang araw ko dahil kay Kurt at alam kong galit rin ang baby ko sakaniya tsk. Inulan ko ito ng text at parang naka 30+ na text ako sakaniya pero walang reply.
"Don't tell me nambabae ka? Hindi pa nga tayo kasal tas..." pinilit kong patigilin ang bibig ko dahil nandito si Lea nakakahiya pero talagang nabwi-bwisit ako eh
"Maam baka may inaasikaso lang po ang fiance niyo." ani ni Lea
"Inaasikaso?! Wow grabe napaka importante naman ata ng pinagkakabusy-han niya ngi hindi man lang siya umuwi kagabi. Pagkatapos ng lahat? lahat ng pagpapakilig?!" wala na sumabog na ako, wala na akong pake kung ano man ang masabi ko hindi naman ako kilala ng babaeng to eh saka galit talaga ako
Naiiyak ako sa galit.
"Baka nga mas importante talaga yong inaasikaso niya kesa sainyo but kumalma po kayo."
Tell me how, Tell meee?!
"Ayumi." napalingon ako sa tumawag sakin, si Keith nasa pintuan ng kwarto nakatingin sakin
"Yeah?" wala sa mood na sambit ko
"Asan na yung kapalit mo?" nakangising tanong niya, napa kunot naman ang noo ko ng maalala ko yung kagabi
"Seriously?"
Tumawa naman ito saka humalukipkip, "Yes diba sabi ko may kapalit yon? Seryoso ako no anong akala mo nagjo-joke ako?"
Napa hawak ako sa sentido ko gosh pinapasakit ng isang Lewis nato ang ulo ko.
"Fine. Name it." bulalas ko, ngumisi naman ito
"Be my date."
Nanlaki naman ang mata ko saka siya nilingon, anong date ang pinagsasasabi neto?
"Date?" halos pasigaw na tanong ko
"Later. Party. Stupid." isa-isang sabi niya habang naka poker face, inis kong kinuha ang suklay saka yun hinagis sakaniya pero agad siyang umiwas, nginisihan ako nito
BINABASA MO ANG
Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]
General FictionKung hindi ko lang sana sinayang ang panahon para tanggapin siya, kung sana hindi ko ginawa ang napaka laking kamalian ko sakaniya ay siguro kami pa rin hanggang ngayon, nagkabalikan na siguro kami ulit. But dahil sa pagkakamali ko ay nasira ang lah...