Chapter 50

2.6K 70 18
                                    

A/N: Ang bilis ng panahon.. December na akalain niyo yon. Enjoy your Christmas babies <3

Chapter 50
Wedding Day [Part 2: Beach Wedding]

Kurt's Pov

"Kingna Kurt sabi ng huminahon ka eh!" malakas na bulyaw sakin ni Jake

Inis akong naupo naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako mapakali 30 minutes na kaming nandito sa beach at padami na ng padami ang mga bisita at kinakabahan ako dahil wala pa ang bride ko.

"Dapat nakarating na sila dito ah? 20 minutes lang ang byahe patungo dito bat wala pa siya?!" nagpa-panic na bulalas ko

"Pre kalma 5 minutes lang namang late si Ayu saka wala pa sila Kate oh kalma boss! Kalma!" ani ni Jann, napa pikit ako ng mariin

"They're here! They're here!" napalingon kaming lahat kay Kaizer na bagong dating, napatayo pa ako sa gulat

"Nandyan naba ang bride ko?" tanong ko pero umiling to

"Sila Kate nandito na."

Para akong nalantang gulay sa sinabi niya what if tinakbuhan ako ni Ayumi. What if nag bago ang isip niya? What if sumama siya sa Aeyjie na yon o kaya sa Rhight na yon? Kingnang buhay to imposible men! B-Baka...baka kaparehas sa pilikula baka maaksiden----

"I need to find her."

"What the eff Kurt! Ilang minuto na lang mag uumpisa na ang kasal ano ba!" sigaw sakin ni Jake

"Yun na nga eh! Ilang minuto na lang ikakasal na ako pero asan ang bride ko?! Stupid! Use your head." nang gigigil na bulyaw ko sakaniya, nagtiim naman ito ng panga

"Can't you wait? This is not you Kurt. Wait! Masyado kang nago-over reacting!" sigaw nito pabalik

"Hindi sa nago-over reacting ako kasal ko kasi to at ayokong masira to. Palibhasa hindi mo pa to naranasan kaya hindi mo maintindihan ang inaarte ko."

Magsa-salita pa to sana kaso tinalikuran lang ako nito saka nag walk out. Am I being too harsh? Nag aalala lang naman ako eh.

"Pre pinapakalma ka lang ni Jake." ani ni Jann gawa para makonsensya ako

"Not cool bro." naiiling na ani ni Kaizer kaya napa sapo ako sa noo ko aish!

"The bride is here and the priest is ready. 5 minutes magsisimula na.." biglang may lumapit saamin na lalaki, mukhang nagtra-trabaho siya dito

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya aish finally akala ko aatakihin ako ng wala sa oras dito.

"So pano ba yan? LQ kayo ng Jake naten." nakangising bulalas ni Kai, kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Makonsensya ka dude, best man pa naman kami mamaya." nakangising pang aasar ni Jann, asar ko silang hinampas kaya nagsitawanan to at umalis sa harapan ko

Maya maya may biglang nagsalita na kesyo magsta-start na raw. Parang naging alien lahat ng salita nila wala akong maintindihan tanging si Ayumi lang ang nasa isip ko. Napaka peaceful ng hangin ngi gusto kong tumalon ngayon sa dagat kaso hindi muna pwede dahil ikakasal na ako sa oras na ito. Marami kaming inimbitahan ngayon sa side ko at syempre sa side ni Ayu kaya may mga hindi pamilyar na mukha. Naglakad na ang close na bisita namin nga pinsan ko at pinsan ni Ayumi.

Sunod na naglakad ay si Heart at ang partner niya ay walang iba kundi si Rhight. Bad trip pa rin ako sa lalaking to pero marami siyang natulong, sana maayos na rin ang relasyon nila ni Heart. Nginitian ako nito kaya kinindatan ko siya napalingon naman ako kay Aeyjie na umirap. tss

Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon