Chapter 5
Wedding Part IKate's Pov
I'm so happy.
Kulang ang salitang 'happy' para i-describe ang nararamdaman ko ngayon. Ang matagal ko ng pinapangarap na maging isa kaming pamilya ni Kaizer, bumuo ng pamilya kasama siya. Kahit na hadlangan kami ng mga taong nasa paligid namin kahit na mga magulang namin. I love him, I can't imagine my life without him. Para siyang tinidor at ako naman ay kutsara, kung wala siya kulang. Noon akala ko si Jake na ang taong makakasama ko sa buhay, akala ko siya na talaga si The Right Man pero totoo ang sabi ng karamihan, kahit anong gawin mo hindi mo talaga mababago ang tao ng basta-basta. Akala ko kasi noon pagpatulan ko si Jake ay mabago ko siya, na hindi na siya maging babaero pa but I'm wrong dahil hindi ako ang tamang babae para sakaniya.
Napaka tanga ko rin nung simula na hindi ko agad napansin ang nararamdaman ko kay Kaizer sabagay go with the flow lang naman ako sa buhay kaya lahat pinapatos ko pero hindi ko akalaing magseseryoso ako sa isang lalaki. At ito lang ang masasabi kong totoo, pag tinamaan ka ng pana ni Kupido wala ka ng kawala.
Simple pero eligante ang suot kong gown ngayon, naka-ayos rin ang buhok ko at bagay na bagay saakin ang make-up ko. Hindi naman makapal hindi rin konte, tama lang talaga sapat lang para sa mukha ko. Ngayong araw na ito parang natatae ako eh, kinakabahan ako dahil wala sa tabi ko si Kaizer. Nasanay kasi akong lagi siyang nandito sa tabi ko, nakahawak sa kamay ko. Ang swerte ko sa buhay, thanks God dahil si Kaizer ang binigay niyo saakin.
"Maam Kate may tumatawag po." biglang saad nung babaeng nagma-make up saakin, masyado pa lang malalim ang iniisip ko ngi hindi ko manlang napansing may tumatawag
"Thanks." sagot ko sakaniya saka inabot ang phone, sinagot ko iyon at si mom ang tumatawag
"Hello? Napatawag ka mom?"
[Sure kabang magpapakasal ka sa lalaking iyon?! Aba Kate mahal ang magpa-annual sa Pinas at wala ka pang trabaho---
"Mom! Kung tinawagan mo lang ako para dyan I'm sorry but ibababa ko na tong telepono."
[Kelan kapa naging sutil huh?! Binigay ko naman ang lahat ng gusto mo ah! Ini-spoiled kita pero hindi ko na kinakaya tong ginagawa mo. Bigla ko na lang nabalitaan na ikakasal kana pala ngi wala ka man lang pasabi sa sarili mong Ina?!]
"Kasi alam kong hindi kayo papayag! Mom please wag niyo nang guluhin ang buhay ko please. Mahal ko si Kaizer, mahal na mahal ko siya----
[MAHAL NA MAHAL?! HUH! KEBATA-BATA MO PA MAHAL NA ANG PINAGSASABI MO. BAKA NAKAKALIMUTAN MO KATE AKO PA RIN ANG SUMUSUNTITO SAYO!]
"Then STOP IT mom! Wag niyo na akong suntentohan hindi naman ako namimilit eh saka kaya kong mabuhay ng wala ang luho, pera at suporta niyo! Hindi na ako bata I'm old enough para magdesisyon sa sarili ko. Tapos naman ako ng pag-aaral ah? Ginawa ko naman ang lahat ng utos niyo! Bumalik ako dyan noon dahil sinabi niyo! Lahat ng utos niyo sinusunod ko. Kaya please pwede ba ako naman ang masunod para sa sarili ko?!!"
[SINUSUMBATAN MO BA AKO HUH KATE RIN?!]
"WALA AKONG SINABI!"
[Sige.... Papayag ako dyan sa gusto mo. Gusto mong magpakasal sa lalaking yon? Edi sige bahala ka sa buhay mo pero ito ang tatandaan mo. Kakalimutan kong may anak ako, tatanggalan kita ng mana at lahat-lahat kaya wag kana lang magugulat na isang araw ngi singkong duling wala kana. Buhayin mo ang sarili mo tutal tapos kana mang mag-aral diba? Kumayod ka. At saka mo ako harapin ulit kung may ipagmamalaki kana.]
Pinatay niya ang tawag matapos non, doon umagos ang luha ko kaya kinabahan ang nagma-make up saakin. Wala na akong pake kung nasira man ang make up ko or nagulo ang ayos ko. Ang gusto ko lang ngayon ay umiyak, kahit kelan talaga hindi kami nagkakasundo. Nakakainis kaya sila naghiwalay ni dad dahil sa ugali niya eh.
BINABASA MO ANG
Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]
General FictionKung hindi ko lang sana sinayang ang panahon para tanggapin siya, kung sana hindi ko ginawa ang napaka laking kamalian ko sakaniya ay siguro kami pa rin hanggang ngayon, nagkabalikan na siguro kami ulit. But dahil sa pagkakamali ko ay nasira ang lah...