A/N: Parang mapapabilis ang pag update ko these days. Same rin sa Owned by a Jones. Just don't forget to vote and leave a comment babies okay? Enjoy! :)
Chapter 54
Kurt LewisTwo months na ang lumipas ng makasal kami ni Kurt. Two months ko na ring dinadala ang last name niya. Maraming nagbago sa buhay namin sa totoo lang sa bawat pag sikat ng araw siya agad ang nakikita ko sa umaga, maglalandian muna sandali saka magpapasyang kumain na.
Masaya oo super sino bang mag aakala na magkakabalikan pa pala kami ng ex ko sa daming sakut na naranasan naming dalawa noon. Napaka twist ng love story namin to the point na meron ng nag sawa. Mas lumaki ang tyan ko at mas naging sensitive ako sa lahat ng bagay, mabilis akong mairita sa ayaw ko like madumi or makalat madalang na rin ako kung mag lihi dahil masi-six months na akong buntis grabe ang bilis ng panahon.
Kung noon na lagi kaming magka dikit ni Kurt na akala mo naka glue sa isa't-isa well ngayon para na kaming naghahabulan ng ilang milya. Nagbago ang takbo ng buhay namin mas naging busy siya sa business nila na alam ko naman na para rin samin ng baby ko yun. Hawak pa rin ni Kurt ang Kyumi Mall pero ang sabi niya sakin ibibigay niya daw iyon kay Keith pag nasa legal age na ang kapatid niya.
Pinapatakbo ni Kurt ang Lewis Corporation kung saan mas malaki na I mean triple na ang laki kesa sa Kyumi Mall. Gaya nga ng sabi ng dad ni Kurt na magre-retire na siya natuloy iyon, nakatira na ulit siya sa Mansion ng mga Lewis habang kasama ang mom ni Kurt. Balita ko bumukod na si Keith at nagpatayo ito ng bar, oo bar kebata bata pa non nakapagtayo na ng sarili niyang bar kakaiba talaga ang mga Lewis.
At eto ako ngayon... Nakatunganga sa work room ko, ano ito? Hmm.. May bago kasi akong libangan, gumagawa ako ng childrens book hindi kasi ako pinayagan ni Kurt na bumalik sa trabaho kahit naba pwede pa rin naman hello nakakagalaw pa naman ako no. Kaso masyadong OA si Kurt nakaka inis na minsan.
"Teka alas-dose na ah bat di pa tumatawag ang isang yon?" bulalas ko habang nakatingin sa wall clock
Lagi kasi akong tinatawagan ni Kurt kada 12 para i-check ako sa ginagawa ko dito sa bahay kung kumain naba ako or nanonood but nitong nakaraan na week madalang na lang siya kung tumawag hindi ko tuloy maiwasang hindi magtampo.
Tumayo ako saka lumabas sa work room ko at inikot ang malaki naming bahay ni Kurt. Mala Mansion ang itsura nito pero mas cute to kesa sa malaking Mansion. Sabi pa ni Kurt sakin dito daw namin gagawin ang mga munti naming mga bulilit, balak pa nga raw niyang gumawa ng anim na anak o kaya dose jusme kamusta ako non?
"Hayy.." tanging na sabi ko na lang habang pinagmamasdan ang garden namin, umupo ako sa swing don saka nag isip
Nakaka bored ba? Unti-unti na nga akong nasanay sa ganto. Laging ganto, naghihintay ako hanggang sa bumalik ang Kurt ko.
** The Next Day
Narinig ko ang sasakyan ni Kurt sa tagal kong hinintay na dumating siya para sabay kaming mag dinner lumamig na ang mga niluto ko..nasayang ang effort ko.
2:54 am
Madaling araw na siya kung umuwi. Noon tinag 9 lang o kung minsan 10 ah? Bat ngayon ganto na.
Narinig ko ang pag bukas ng pinto, nakatalikod ako at nagpepekeng tulog. Ayokong kausapin si Kurt, nasasaktan ako para bang..para bang nagsasawa na siya saakin.
"Baby.." bulong niya sa leeg ko habang nakatalikod ako sakaniya, hindi ako kumibo dahil nasasaktan talaga ako
Bumuntong hininga ito saka tumalikod sakin. Hindi ko na naiwasang pigilan ang luhang kanina ko pa gustong iiyak. Tahimik akong umiiyak, ito ang kinakatakutan ko.. Ang dumating ang araw na mag sawa siya sakin..
*
"Buti naman lumabas kana sa pamamahay niyo! Gosh hindi kaba na bobored sa malaking bahay na yon?"
Nagkita kami ni Insan, napag pasyahan ko na kasing lumabas sawakas. Hindi na ako nag paalam kay Kurt alam ko namang hindi niya ako papayagan tsk.
"Parang nagbago na si...Kurt, insan." malungkot na ani ko, natigilan naman siya
"Huh?"
"Hindi na siya sweet sakin, ni minsan na lang kung tumawag at i-check ako at ginagabi na talaga ng uwi. Ano sa tingin mo ang nangyayare?" naiiyak na tanong ko
"Baka busy lang sa kompanya alam mo naman kung gaano ka stress ang pinag gagagawa ng asawa mo." kunot noong ani nito, umiling na lang ako saka ininom ang lemonade juice na inorder ko dito sa bar na nagtra-trabaho pa ako dati
"Restroom lang ako insan." sabay tayo ko
"O-Oh sige bilisan mo parating na rin si Rhight." tumango na lang ako saka dumiretso sa restroom, pumasok ako sa isang cubicle saka tahimik na umihi nakarinig ako ng kaluskos at boses ng dalawang babae
"He's freakin hot! Kung alam mo lang hahaha lalo na yung naabutan ko siyang nagsho-shower? talaga swear ang laki niya!"
what the... grabe na ang kamanyakan ng mundo ngayon.
"What?! Don't tell me siya ang next target mo Lois? C'mon!" ani ng isa pang babae, lumabas ako sa cubicle saka pumunta sa gawi nila para mag hugas kaya nasa gilid ako nung babaeng manyak
"1 month ko na siyang sine-seduce at nito lang pansin kong kumakagat. Hmm sino bang hindi makakatanggi sa kamandag ko?"
Halos kilabutan ako sa sinabi niya. Mukha pa naman siyang mayaman sa ayos niya.
"Ikaw na talaga Lois Estrella! Ikaw na hahaha!" tawa ng isa pa saka sila parehong nag retouch sa mga mukha nila, ready na sana akong umalis ng mag salita yung isang babae
"Diba kasal na siya? I know hindi lang yun rumor, gosh."
Grabe pati ba naman kasal na lalaki? Tsk? Tsk?
"Yes kasal na siya yun nga ang mas masaya eh. Challenge." naka ngising ani niya saka nilagay sa mamahalin niyang pouch ang red niyang lipstick
"Nakaka challenge ang isang Kurt Lewis."
Halos mabagsak ko lahat ng hawak ko sa huling sinabi nong babae. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, so the whole time na pinag uusapan nila ay about sa ASAWA KO?! Gustuhin ko mang tumakbo at hablutin ang buhok niya hindi ko magawa dahil malaki ang tyan ko at bawal akong tumakno dahil makakasama kay baby.
I end up crying na akala mo namatayan. Nalolosyang naba ako kaya ako nagkakaganto? Damn.
BINABASA MO ANG
Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]
General FictionKung hindi ko lang sana sinayang ang panahon para tanggapin siya, kung sana hindi ko ginawa ang napaka laking kamalian ko sakaniya ay siguro kami pa rin hanggang ngayon, nagkabalikan na siguro kami ulit. But dahil sa pagkakamali ko ay nasira ang lah...