Chapter 43

3.5K 120 26
                                    

Sa mga nagtataka bat matagalan ang update.. well, pasensya na ayoko kasing tapusin agad tong Good Kisser wala na kasi akong balak gumawa ng Book 4 kaya pasensya na hehe. :)

Chapter 43
Birthday Wish

Ayumi's Pov

1 month later..

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday~ Happy birthday.. Happy birthday dear Ayu...." kanta ng pamilya ko at agad kong hinipan ang cake

It's my birthday pero hindi kompleto ang saya ko dahil may kulang ilang taong ganto ang nararamdaman ko pag kaarawan ko para bang nawalan ng saysay ang birthday ko dahil sa lalaking minahal ko ng sobra. Pinili kong sila mom, dad, kuya Migs, Kate, at baby Byul lang ang nasa birthday ko pero hindi ko inaasahan ang biglang pag dating ni Rayen. Antagal din naming hindi nagkita at ang pangit pa ng kast na meet up naming dalawa kaya ng maging busy sila mom sa pagkwe-kwentuhan nag excuse muna ako saka sinulyapan si Rayen.

"I'm sorry." unang sabi ko, umiling naman to

"Ako dabat ang nagso-sorry sating dalawa ngayon Ayu dahil sinabihan kita ng masasakit na salita I'm really sorry I didn't mean that." sincere na ani niya ngumiti naman ako

"No need to say sorry Rayen and I can't forgive you dahil wala ka namang ginawang masama sa totoo nga nakatulong yung ginawa mo para gisingin ako sa kahibangan ko eh napakasama kong ina para isiping palaglagin tong baby ko haha.. I'm so stupid."

Ngumuti naman to saka lumapit saakin saka ako binigyan ng mahigpit na yakap.

"I miss you my Yumi." bulong niya kaya mahina akong natawa nag kwentuhan pa kami bago bumalik sa loob at ayon na nga kinulit na nila insan si Rayen kaya nalibang ako sakanila ang kulit kasi hanggang sa maagaw ng atensyon ko ang phone ko na umiilaw may tumatawag

"Aeyjie?!" malakas na basa ko sa phone kaya napalingon sila mom sinenyasan ko naman sila na sasagutin ko muna ang tawag at umoo naman ang mga to

[Happy birthday E----

"YAAAAAAHH! BAT HINDI MO KO TINAWAGAN NG ILANG BUWAN?!" galit na sigaw ko

[Oh my God...I'm so sorry EL busy kasi talaga ako lalo na may bagong pumalit sayo. I'm so sorry talaga..]

"Andami nang nangyare sa buhay ko pero wala kang kaalam alam dahil hindi mo naman ako tinawagan grabe ka kinalimutan mo na ako."

[WTF?! Hello no! You're always be my one and only EL ano kaba. Sige na tumakas lang ako sa shooting para sayo dali kwento kana..]

Napabuntong hininga na lang ako saka kinwento sakaniya ang nangyare sakin lahat lahat simula ng makulong ako at sa pagbubuntis ko at ano pa nga ba? Edi galit na galit to kesyo hayop at tarantado daw si Kurt. Talagang galit na galit siya ngi nai-imagine ko nga ang mukha niya habang nagmumura eh. Sinuggest niya na bumalik ako sa Japan ng sabihin ko sakaniya na wala akong balak na sabihin kay Kurt ang dinadala kong bata. Malaking tsansa na maiwas ko ang anak ko sa ama niya and he have a point.

Matapos naming mag usap nagtalo ang isip at puso ko kung aalis na naman ba ako sa Pinas or ano... Ngi hindi ko na nga na-enjoy ang birthday party ko dahil sa iniisip ko kaya nung mag hating gabi na at ready ng umuwi ang lahat nag salita ako bigla.

"I have a birthday wish." sambit ko, nagkatinginan naman silang lahat

"Birthday wish? Sure." sagot ni dad, ngumiti ako saka malalim na huminga

"Gusto kong tumira sa Japan gusto kong ilayo ang baby ko sa ama niya, scratch that...Ayokong makilala ng anak ko ang daddy niya."

Nagkatinginan silang lahat mukhang hindi inaasahan ang birthday wish na hiniling ko.

Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon