Chapter 13

3.6K 126 23
                                    

A/N: Malapit ko na pong i-publish ang story ni Migs. Abangan niyo lang guys! :)

Chapter 13
Not Welcome Anymore

Ayumi's Pov

Three days na ang nakalipas ng huli kong makita si Kurt at bawat oras--segundo ay hindi ko kayang huminga ng maayos dahil gusto ko ulit siyang makita, masilayan ang mukha niya kung asan ba siya ngayon anong ginagawa niya, magkasama ba sila ng bruha kong second cousin or whatever. Hindi na rin ako makakain ng maayos dahil puro si Kurt ang laman ng isip ko. Mukha na akong tangang naghahabol ng pag-ibig ng lalaking sinaktan ko.

"Nagkukulong ka nanaman dito?"

Napalingon ako sa bandang pintuan ng kwarto ko, nakalimutan kong i-lock. Napa buntong hininga ako saka tinignan si Daddy.

"Hindi lang ako sanay na wala na dito si Kate dad." sambit ko half ay kasinungalingan, pilit naman itong ngumiti saakin saka lumapit

"Kelan mo pa kasi balak mag-asawa anak huh? Aba gusto na namin ng apo galing sa prinsesa namin!" biro nito na akala mo seryoso, natawa naman ako saka tinap ang tabi ko. Umupo naman ito kaya sumandal ako sa arms niya

"Ano ba dad wag ka ngang magbiro baka bukas magulat kana lang Lewis na ako." tawa ko gawa para kumunot ang noo nito kaya umubo-ubo ako at nagseryoso

"What the...Si Kurt pa rin ba anak?"

Bumagsak naman ang mata ko sa carpet kong sahig at napa-nguso.

"Hindi ko na kayang mag mahal pa ng ibang lalaki dad."

"Pero tapos na kayo diba? Naka move on na yung tao."

"Yun na nga dad eh naka move on na siya--agad siya.. Tapos ako? Eto.. Baliw na baliw pa rin sakaniya, hindi ko naman gustong tong nararamdaman ko eh kaya please dad wag niyo naman akong pagtulungan nila mom and kuya oh please." pagmamakaawa ko kaya napa buga ito ng hangin saka nilagay ang kamay niya sa ulo ko

"Ayumi anak malaki kana..Sapat na ang edad mo para magdesisyon para sa sarili mo, ngi kaya mo na ngang mabuhay ng wala kami sa tabi mo eh pwede kana rin bumuo ng pamilya kahit kelan mo gusto pero wala akong balak na kalabanin yang nararamdaman mo. Naiintindihan kita Ayu, alam kong nahihirapan ka kaya imbes na iwasan mo yan.. hayaan mo kasi kung lalo mo yang pinipigilan mas lalala kaso anak wag mo masyadong gawing tanga ang sarili mo. Hindi ka namin binuo ng mommy mo para saktan lang ng isang lalaki, para saktan lang ng isang Lewis. Sa panahon ngayon medyo komplikado na ang pamilya natin sa pamilya nila Kurt dahil sa biglaan nitong pag-alis basta-basta. Half of that sinisisi nila 'ata' ikaw ang dahilan which is true kaya ayokong masaktan ka ng sobra Ayu. Sana sa tamang panahon maging maayos na ang lahat."

"W-What do you mean dad? Komplikado ang pamilya natin sa mga Lewis? G-Galit ba saakin ang mama at papa ni Kurt?!" gulat na tanong ko

Nagkibit balikat naman si Dad, "I don't know either Ayu. Basta ito ang tatandaan mo princess before you love someone, love yourself first okay? Ocya kailangan ko pang pumasok sa trabaho medyo hectic ang schedule ko ngayon dahil hindi makakapasok ang kuya mo dahil inaalagaan niya ang mag-ina niya. By the way wag ka ng magmukmok dito, dumaan ka don sa ospital at bisitahin mo yung pamangkin mo.."

"Okay dad, bye love you."

Naiwan akong tulala sa kwarto ko, naglalaro sa isipan ko ang sinabi ni daddy. Kung galit saakin ang mga Lewis ibig sabihin ayaw na nila saakin para sa anak nila? para kay Kurt o no..... Kailangan kong pumunta sa Mansion ng mga Lewis kailangan kong maka-usap sila tita. Kailangan kong linawin ang lahat.

Mabilis akong naligo at nag-ayos pinili ko ang pinaka pormal kong dress, ayokong magmukhang hindi pormal sa mata ng mga Lewis. Hindi na ako nag-abalang mag paalam kila daddy dumiretso na lang ako sa sasakyan ko saka nagmaneho papunta sa Mansion ng mga Lewis. Pagkarating ko doon ay agad na bumungad saakin ang mga bodyguards nila, ibinaba ko ang bintana ko ng senyasan ako ng isang bodyguard.

Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon