Enjoy this chapter <3 Dedicated to sa mga readers ko na gising pa hanggang ngayon. :)
Chapter 28
ImaginationAyumi's Pov
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa pisngi ko. Teka asan ba ako? Inikot ko ang paningin ko at napag-alaman kong nasa Master Suit pa rin ako--wait anong nangyare kagabi? Hinalikan ako ni Kurt tas sinabi niyang hindi niya tinigilan ang pagmamahal sakin---teka? Nananaginip ba ako?
HINDI KO ALAM
I don't have an idea I'm so confuse right now hindi ko alam kung anong totoo. Umamin ba siya o dala lang yun sa pagod at kaka-isip ko kagabi? Oh God. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh masakit mag assume. Pero kung isang panaginip lang iyon---ibig sabihin sign iyon na ipagpatuloy ko pa rin ang pagmamahal ko kay Kurt. That's right!
Mabilis akong bumangon sa kama na hinihigaan ko at naligo, inulit ko lang yung suot ko kahapon dahil wala naman akong ibang damit ng matapos akong mag-ayos ay nag-iwan ako ng note sa kama saka lumabas sa suit na iyon. Unang gagawin ko ngayon uuwi muna saamin saka mag-impake, ayoko ng maging pabigat kila mom and dad saka nakakahiya kay Kuya. Maghahanap rin ako ng trabaho para hindi ako palamunin, yeah that's right.
Pumara ako ng taxi hmm paano ako magbabayad neto? Hay nako don na nga lang sa Mansion asar. Bagot na bagot ako sa byahe dahil wala akong cellphone kinumpiska kasi ng mga pulis ang lahat ng gamit ko kaya nakaka-irita. Ng makarating kami sa harapan ng Mansion ay pinaghintay ko muna si kuya saka nangheram sa guard ng bahay namin ng 500 buti na lang pinaheram ako wooh. Tinanong ko sila kung nandon ba si mom o kaya si dad pero sagot nila wala raw nasa cruise daw yung parents ko. Tch nakuha pa nilang mag cruise tas yung anak nila nasa kulungan? Ugh! Bat ba ang bitter ko ako naman ang may gusto nito eh.
"A-Ahh Ayumi nage-empake kaba iha?" tanong ni Manang ng dungawin niya ang kwarto kong nakabukas, ngumiti naman ako sakaniya
"Kailangan Manang eh ayoko ng maging pabigat kila mom and dad saka nakakahiya sa mga taong nagtra-trabaho sa kompanya." sagot ko, pumasok naman ito sa kwarto ko
"Nako iha wag kang mag-tampo sa mommy at daddy mo alam mo naman ang mga yon. Saka hindi sinasadya ni Migguel na saktan ka." usal nito
"Alam ko yon Manang, gusto ko lang muna ng space. Ah siya nga pala pag malaman ni mom na pumunta dito pakisabi na lang na hindi niyo ako nadatnan okay? Please manang..." nag pacute pa ako sakaniya, napa hawak naman to sa ulo niya saka napa-iling
"Jusko Ayumi anak.."
Natawa na lang ako saka muling inayos ulit ang mga damit na kinuha ko. Tinulungan ako ni Manang na mag-ayos kaya napa bilis ang pagi-impake ko. Tumayo muna ako para hanapin ang cellphone ko at nakita ko iyon sa kama ko, may naka-ipit don na pera at note. Umupo ako sa kama ko saka iyon binasa.
"Ayumi anak sorry sa nangyare dahil nasaktan ka nanaman dahil saamin,sorry kasi hindi kami nagtiwala sayo anak. I know you have a reason kung bakit nangyare iyon, gusto kitang ilabas sa kulungan but hindi sangayon ang kuya mo. About din sa kuya mo sana intindihin mo siya, hindi niya sinasadyang saktan ka you know naman na mahal ka ng kuya mo diba? Nabigla lang iyon dahil sa nangyare magkaka-ayos rin kayo okay? Keep this money, I'm not sure kung bakit may feeling ako na babalik ka dito sa bahay but kung totoo man ang kutob ko take this with you. Don't forget anak, I love you okay? We love you.'
Pinunasan ko ang pisngi ko saka tinupi muli ang note na sinulat ni mom saka tinignan ang perang nasa harapan ko. Hindi ko alam kung magkano ang lahat ng 'to pero tantya ko nasa bente mil na rin. Napalingon ako kay Manang ng humawak ito sa balikat ko.
"Dalhin mo na lang yang pera iha ng may matuluyan ka at may pagkukunan ka ng pagkain. Mahal na mahal ka ng mommy at daddy mo iha."
Malungkot akong ngumiti habang umiiyak. Totoo pala talaga yung kasabihan na Mother knows best. Don't worry mom babalik rin ako sainyo kung maayos ko na 'tong buhay ko.
1 week later..
"Ayumi ihatid mo nga to sa table 15!" sigaw sakin ng katrabaho ko dito sa Bar na pinagtra-trabuhan ko isa kasi akong waitress dito at 6 hours ang trabaho ko dito at ayos na rin atleast kumikita ako ng pera
"OKAY!" nakangiting sigaw ko saka binaba ang bote ng whiskey na hawak ko saka kinuha ang silver na tray at nilagay iyon sa cart ko
Ngayon ko lang na realize na mahirap pa lang mabuhay ng mahirap yung tipong kailangan mong magkayod ng buto para makakita ka ng pera kasi kung hindi ka gagalaw walang mangyayare sa buhay mo? It's been 1 week since bumisita ako sa mansion at after non naghanap na ako ng matitirhan pansamantala. Nakakuha ako ng isang maliit na apartment tama lang para sa sarili ko.
Hinanap ko ang table 15 at agad ko iyong nahagilap may isang lalake na naka-upo don nakatalikod siya sakin kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil madilim at maraming tao ang sumasayaw. Well anong expect mo sa isang bar? Edi syempre maraming wild.
1 week na rin akong nawalan ng komunikasyon kay Kurt naisip ko lang na magpahinga muna kahit sandali saka iniisip ko pa yung panaginip ko na parang totoo, sa ngayon wala muna akong oras para atupagin ang lovelife ko dahil kailangan kong ayusin ang buhay ko. Ipakita kila kuya Migs na kaya kong magtrabaho kahit naba hindi sa kompanya namin. Nakakatawa lang dahil ako mismong anak ng may-ari ng isang kompanya ay nagtra-trabaho sa isang bar kada gabi? Gosh hindi ako makapaniwala. Parang kelan lang nakapasok at nakatulog ako sa isang kulungan tas ngayon ang pangit ng image ng trabaho ko? Andami ko atang kamalasan sa buhay. Nakaka-miss maging model tipong pagpapaganda lang ang aatupagin mo.
"THIS IS YOUR ORDER SIR! ENJOY!" malakas na sigaw ko dahil hindi niya maririnig pag sabihin ko lang sa lakas ng music
Dahan-dahan tong lumingon at gulat kong nabitawan ang bote ng alak na inorder niya at tanging ang pagbagsak lang nito sa lapag ang umingay sa pandinig ko. What is he doing here? Wag mo sabihing nasundan niya ako? Wait no, wag ka ng mag-assume Ayumi masasaktan ka lang!
"What... the hell are you doing here?" bulalas niya kaya nag-iwas ako ng tingin saka umupo at dahan-dahang kinuha ang nabasag na bote at bubog nito
"WHAT THE DON'T TOUCH THAT!" sigaw nito saka hinawakan ang wrist ko, iritado ko siyang tinignan saka binawi ang kamay ko
"DON'T TOUCH ME!"
"ANONG NANGYAYARE DITO?!" malakas na sigaw saamin ng Manager ko na bakla, agad akong napatayo saka yumuko
"SINISIGAWAN MO BA ANG CUSTOMER NATIN HUH AYUMI?!" malakas na sigaw nito kaya napalunok ako ng makuha niya ang atensyon ng mga tao
"H-Hindi po---
"ANONG HINDI?! NAKITA KITA NANDON AKO SA DULO NAKAMASID TAS BIGLA MONG SINIGAWAN TONG SI SIR TAS HINDI?! GUSTO MO BANG MAWALAN NG TRABAHO?!" sigaw nito sakin
"H-Hindi po Madam sorry p----
"Watch your mouth hindi mo kilala ang sinisigawan mo." mahinang sambit ni Kurt habang naka-tingin sa Manager ko, nanlaki naman ang mata nito saka hindi makapaniwalang tinuro ako
"Kinakampihan mo ba tong bobita na ito?!" sigaw niya, napalunok naman ako saka napayuko. Naman oh! Bat pa kasi naligaw ang isang 'to sa bar na ito?!
Nagulat ako ng hablutin ni Kurt ang kwelyo ng Manager ko haruy jusko naman! Gagawa ba siya ng scene dito? Ugh!
"WATCH. YOUR. MOUTH. UGLY. MONKEY."
Laglag ang panga ko ng hablutin ni Kurt ang wrist ko saka kinaladkad akong inilabas sa bar. Asar kong binawi ang wrist ko sakaniya at masama siyang tinignan.
"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sakaniya
Nakita ko ang pag tiim bagang nito, so ano siya pa ang magagalit saming dalawa ngayon?! Aba Kurt Lewis sa panahon ngayon wala akong balak na habulin ka dahil gusto ko munang ayusin ang buhay ko! Bat ba gulo ka nanaman ng gulo?!
"Anong problema ko?! Tinatanong mo ba ako kung anong problema ko huh?!" malakas na sigaw niya
"Oo!"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko Ayumi! Ikaw!"
Lumaglag ang panga ko habang tinitignan siya na galit na galit sa harapan ko. Crap? Inano ko ba siya?
BINABASA MO ANG
Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]
Ficción GeneralKung hindi ko lang sana sinayang ang panahon para tanggapin siya, kung sana hindi ko ginawa ang napaka laking kamalian ko sakaniya ay siguro kami pa rin hanggang ngayon, nagkabalikan na siguro kami ulit. But dahil sa pagkakamali ko ay nasira ang lah...