A/N: Daming galit sa baby Kurty ko huhu hindi ko kayo masisisi kahit ako naiirita na rin sakaniya (sa ginagawa ko lol) Hahaha.. Wala eh reyna talaga si Ayu sa kamanhidan loyal pa siya sa loyal. Hekhekhek! Nakakatuwa rin kasi andaming nag react sa last Chapter wwwwoooooh! Hahaha!
This chapter is dedicated to dangerousobserver
Chapter 15
Drunk AyumiMigguel's Pov
"Ayos naba ang lahat? Wala na bang naiwan sa kwarto?" tanong ko sa katulong namin tinutukoy ko yung room ni Bea dito sa Hospital
Ngayon na kasi siya lalabas at finally! Ang baby namin, sobrang gwapo manang-mana saakin hekhek. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na daddy na ako ang saya ko promise ngi hindi ko nga magawang bitawan ang baby namin eh.
"Mahal naman baka gusto mo namang bitawan yang si Baby Byul." bulalas ng napaka ganda kong asawa, nginitian ko naman siya saka binigay sakaniya ang baby namin
"Ito naman tss.. Talagang bibitawan ko yang baby natin, ako ang magdri-drive remember?" kunwaring pagsusungit ko pero inirapan lang ako nito, kahit kelan talaga to napaka maldita topakin... Topakin na maganda hehehehe
Nagsimula na akong magdrive habang siya naman ay busy na tinitignan si Byul sa lalagyanan nito sa backseat na payapang natutulog.
"Manang-mana sakin no mahal?" ani ko kaya napalingon to sakin saka ako sininghapan
"Nakuha niya lang ang gender mo but the rest SAKIN."
See? Kahit kelan tinotopak nanaman siguro ang isang to tsk tsk laging nagsusungit. Pinili ko na lang manahimik dahil ayokong magtalo kami saka ayoko namang bwisitin tong maganda kong Asawa siguro side effect lang ito ng panganganak niya.
"Mahal tawagan mo nga sila mom, sabihin mo dadaan tayo don." sabi ko sakaniya kaya mabilis niyang kinuha ang phone ko saka nagpipindot doon
"Okay daw."
"Nandon ba si Ayumi?" tanong ko kaya muli utong nagtype saka maya-maya ay umiling
"Umalis nanaman daw ng sobrang aga."
Napakunot ang noo ko saka napa-isip what the hell anong nangyayare sa babaeng yun? Ngi hindi man lang bumisita saamin sa Ospital may problema nanaman yung isang yun for sure aish kahit kelan. Alam kong konektado nanaman kay Kurt to sigurado ako.
"Mahal sa tingin mo magakkabalikan sila Ayu saka Kurt?" biglang tanong saakin ni Bea kaya mabilis akong sumagot
"HINDE!"
"Yah bat sumisigaw ka?!" malakas na sigaw niya kaya natauhan ako, patay nanaman ako dito
"Hehehe nabigla lang mahal----
"Anong nabigla?! Aba Migguel wag mo kong masigaw-sigawan huh hindi mo alam kung gaano kahirap manganak baka gusto mong hindi na kita bigyan pa ng isang baby!"
"Mahal naman nagbibiro lang."
"ANONG BIRO?! SAKALIN KAYA KITA!"
*Uwaaaaah* *Uwaaaaah*
Sabay kaming napatingin kay Baby Byul na nagising dahil sa sigawan naming dalawa. Nagsamaan kami ng tingin sa isa't-isa pero pinanlakihan ako ng mata nito kaya agad akong tumiklop.
"S-Sabi ko nga tatahimik na." bulalas ko saka nagfocus sa pagdri-drive
(A/N: Meron pong story si Migguel at Bea, OWNED BY A JONES ang title hindi ko pa sire kung kelan ko ipu-publish pero mag-iiwan ako ng note. (: <3 )
BINABASA MO ANG
Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]
General FictionKung hindi ko lang sana sinayang ang panahon para tanggapin siya, kung sana hindi ko ginawa ang napaka laking kamalian ko sakaniya ay siguro kami pa rin hanggang ngayon, nagkabalikan na siguro kami ulit. But dahil sa pagkakamali ko ay nasira ang lah...