Lagi akong busy lately pasensya na dami kasing drama sa buhay LOL. Enjoy this chapter don't forget yo vote and leave comment. :)
Chapter 44
Airport SceneAlis ko na ngayon oo ambilis ba wala eh no choice na rin naman sila mom saka dad sa naging birthday wish ko alam kong napaka selfish ko sa plano kong to pero gusto kong mapabuti ang kalagayan ng anak ko. Ayokong maranasan niya yung mga nangyayare sa teleserye na pinagtatabuyan siya ng sarili niyang ama baka hindi ko kayanin. Nakaharap ako ngayon sa human size kong salamin maumbok na rin ang tyan ko at lately nakakaranas na rin ako ng paglilihi. Always akong nagsusuka kada umaga at maselan ako sa mga bagay ayoko ng madumi and it's creepy dahil ngi isang hibla ng buhok kinaiinisan ko.
"Anak sure kana ba talaga sa plano mo? Ayaw mo bang sabihin ng harapan kay Kurt ang tungkol sa baby niyo malay mo mag bago ang sagot niya if---
Hindi ko na pinatapos si mom mabilis akong umiling saka ngumiti. Bumagsak naman ang mga mata nito sa lapag kaya niyakap ko siya.
"Mom thank you for accepting my baby, thank you for trusting me even though I did a lot of mistake that makes you disappointed. I'm really sorry mom."
"Ano kaba naman anak matanda kana alam mo na yang ginagawa mo saka matagal ko ng hinihiling sa Dyos na magkaroon ka ng baby pero sana... sana sabihin mo sa anak mo ang tungkol kay Kurt. Isipin mo Ayu, mahirap sa isang bata ang lumaki ng walang kinikilalang ama."
Natigilan ako sa sinabi ni mom hanggang sa byahe tulala lang ako my point ang mom ko, what if pag lumaki ang anak ko kamuhian niya ako dahil hindi ko man lang binigyan ng chance ang ama niyang malaman ang tungkol sakaniya. Baka masaktan ako ng sobra sa magiging reaksyon niya.
Hinatid ako ni kuya sa airport pero may ilang oras pa akong maghihintay sa labas meron pa akong five hours napa aga ba? Ako kasi mismo ang nag sabing umalis ng maaga kaso ngayon parang gustong umurong ng bituka ko. Dahil sa sinabi ni mom naapektuhan ang buong isip ko.
"Hey.. are you okay?" tanong sakin ni kuya napa-ahh? naman ako saka wala sa sariling napa tango
"K-Kuya ilang oras na lang bago ako pumasok sa loob?" tanong ko at tinignan naman niya ang wrist watch niya
"Meron kapang 4 hours ata bakit?" umiling lang ako sa tanong niya
Inikot ko ang paningin ko sa buong airport dito sa loob para sakin napaka pangit at nakakatakot ang lugar na ito dahil saksi ang airport nato sa paghihirap namin ni Kurt. Pinikit ko ang mga mata ko at inalala ang nangyare samin 6 years ago... Yung nabuki ang sikreto ko at yung inakala kong may nangyare sakanila ni Cassandra yung mga panahong tinraydor ako ng bestfriend ko. Yung araw na dumating ang pinaka ayaw kong birthday sa buhay ko... Saka yung mga panahong nag sikap ako para maging isang sikat na model para mag-revenge kay Kurt.
Yung pagbabalik ko sa Pinas at ang paghabol saakin ni Kurt nang ilang beses. Na kahit naba pinagtabuyan ko siya ng paulit-ulit bumabalik pa rin siya sakin hindi pa rin siya sumuko. Hanggang sa sinaktan ko siya ng sobra, hanggang sa iniwan niya ako.. Siya na naman ang nang iwan saaming dalawa.
Isang taong siyang nawala at sa pagbabalik niya sobrang nag bago siya. Totoo pala talaga ang kasabihan na nagbabago ang tao kapag nasaktan ng sobra, napangiti ako ng mapait. Tulad ng pag habol sakin ni Kurt noon yon nanaman ang ginawa ko ngayon nakakatawa lang dahil mas mabilis ang gumive up. Kaso sa pag give up ko nag bunga ang lahat... Napahawak ako sa umbok kong tyan saka napa ngiti. I'm sorry dahil nagpaka bobita ako sa una na pinlano kong ipalaglag ka, I'm really sorry baby.. Talagang stress lang talaga ako masyado ng panahong iyon.
"Hey are you sure okay ka lang?" tanong na naman ni kuya kaya napa tingin ako sakaniya, hinawakan niya ang ibaba ng mata ko saka ko lang na realize na umiiyak pala ako
BINABASA MO ANG
Good Kisser 3: The Undying Love Of Good Kisser [SEASON 3]
General FictionKung hindi ko lang sana sinayang ang panahon para tanggapin siya, kung sana hindi ko ginawa ang napaka laking kamalian ko sakaniya ay siguro kami pa rin hanggang ngayon, nagkabalikan na siguro kami ulit. But dahil sa pagkakamali ko ay nasira ang lah...