Kung na-bore kayo sa intro, please basahin nyo parin yung ibang chapters, malay nyo magustuhan nyo, intro palang naman kasi di ba? HAHAHAHA ^_^
---
*Candice's pov*
"Blu anung oras na! Bilisan mo na jan!" pasigaw kong sinabi kay Nathan.
"Eto na nagsasapatos na!" sigaw ni Nathan mula sa kwarto nya.
"Kapag ako na-late naku! Lagot ka sakin!"
"Eto na nga oh, excited ka naman masyado e, aga aga pa." sagot ni Nathan habang nagmamadaling bumaba mula sa kwarto nya.
"Eh! Alam mo namang first day ko ngayon e, hahanapin ko pa room ko. Start mo na sasakyan."
"Tch, hindi naman nagkaklase kapag first day." sagot ni Nathan habang iniistart ang sasakyan.
"Eh basta! tara na!"
Tahimik kami sa byahe, siguro alam ni Nathan na kinakabahan ako kasi first day ko kaya hinahayaan nya kong manahimik ngayon. Bestfriend ko nga pala si Nathan at "blu" ang tawagan namin, parehas kasi naming fave color ang blue e. Mula pagkabata close na kami, magkapitbahay kasi kami e, plus super close ung parents namin.
*sigh* hindi ko namalayang napabuntong hininga pala ko sa kaba.
"kinakabahan ka no?" tanong ni Nathan
"oo eh, wala kasi akong kilala kahit isa sa Hearst College."
"Ba't ka ba kasi lumipat pa ng school?"
"eh maganda reputation ng Hearst pagdating sa Accountancy eh. Para mas mabilis makakuha ng work di ba."
"Sus, wala yan sa school. O ayan, dito na tayo, text ka na lang kapag magpapasundo ka na." pumarada si Nathan sa tapat ng Hearst.
"Okay! ingat ka papuntang school mo!"
Bumaba na ako ng sasakyan. Mula ng magkasasakyan si Nathan hatid sundo na nya ko kahit san, ahead sya ng two years sakin, 2nd year college ako, sya 4th year, kaya pwede na syang magdrive, ako hindi pa, huhu.
This is it pancit! First day, please be good to me.
Habang hinahanap ko yung room ko, iniikot ko na rin yung mata ko para makabisado ko agad ung school. Malaki masyado tong school na to e, mahirap nang maligaw. Tsaka-- "Ouch!"
May nakabanggaan ako.
"Sorry!" nakayuko kong sinabi sa nakabangga ko.
"Ba't kasi hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo?" painis na sinabi nung lalaki.
Napatingin ako sakanya, Shete ang gwapo! Ampula ng labi! Tangos ng ilong! At ang mata, omg! May--
"So tititigan mo lang ako ganon?" nagsmirk sya.
Napailing ako, ang yabang nito ah! "ikaw ba nakatingin rin sa dinadaanan mo? kasi kung nakatingin ka rin, eh di sana hindi tayo nagbanggaan."
"Nakatingin ako no, eh ikaw tong kanan-kaliwa kung maglakad eh. Tapos hindi pa nakatingin sa nilalakaran. Tch"
"Aba! may batas ba na nagsasabing bawal maglakad ng nakalingon? Kung nakita mo pala ako ba't d ka umilag?"
Napatigil yung lalaki. Hindi nya siguro alam kung anong isasagot nya. Heh, kala mo ha Hindi ko na hinintay pa yung sagot nya, taas noo akong naglakad papunta sa direction na nilalakaran ko kanina. Akala mo kung sino, bwisit.
Nawawalan na ako ng pagasang mahanap ang room ko kaya nagtanong nalang ako sa janitor, "Manong san po ba ung A302?"
"Ay iha lagpas ka na, bumalik ka dun sa nilakaran mo kanina, deretso lang, tapos kapag nakita mo yung hagdan sa may kaliwa, akyat ka hanggang 3rd floor tapos kanan."
"Salamat po!" ngumiti ako sa janitor.
Pagdating ko sa room ko, Shoot! Andito na yung prof! What to do? What to do? Dahan dahan kong binuksan ang pinto at naghanap ng bakanteng upuan. Hindi ako pinansin ng prof kaya dumeresto na lang ako sa upuan na nakita ko.
"At talagang jan ka pa naupo."
Nagulat ako sa sinabi ng katabi ko, pagtingin ko, sya yung nakabangaan ko kanina, "I-ikaw nanaman?!"
"Ikaw tong tumabi sakin tapos ganyan reaction mo?" nagsmirk sya.
"Kung alam ko lang na jan ka nakaupo eh di sana sa iba ako umupo no." inirapan ko sya.
"Sige ideny mo lang, sabi na nga ba, type mo ko." nagsmirk sya ulit.
"Assumero ka eh no?"
"Excuse me, baka gusto nyo kaming isama sa pinaguusapan nyo?" sigaw ng prof samin.
Napatingin ako sa prof. Great, just great first day na first day napagalitan. pfft.
"Next meeting quiz muna before lecture to make sure na nagaral kayo bago pumasok sa klase ko. Kung ano yung inuupuan nyo ngayon, yan na yung official na upuan nyo ha. Bye" sinabi ng prof sa klase at umalis na.
Pagkaalis ng prof, may babaeng lumapit sakin, "Hi! i'm Chloe, and you are?"
"Candice." ngumiti ako sakanya.
"So, Candice, what brings you to our school?"
"Good reputation and high passing rate."
"Oo nga pala, 100% passing rate ng CPA board exam dito last year. Tara let's eat!" ngumiti si Chloe.
"Sige, gutom narin ako eh." ngumiti ako sakanya.
Pagdating namin sa cafeteria bumili lang kami ng snacks at naupo na sa table. Habang nagkkwentuhan kami ni Chloe, napatingin ako sa isang table na may isang lalaki na napapaligiran ng mga babae.
"Yan si Zach, campus crush, ultimate playboy. Type mo sya?" tanong ni Chloe.
"Ha?" napabalik ang tingin ko kay Chloe, "hindi ah, nagtataka lang ako andaming nakapaligid na babae sakanya."
"Ah, kala ko type mo sya kasi tinabihan mo sya kanina sa room eh. Wag yan, paglalaruan ka lang nyan. Grabe, andaming nagkakandarapa jan mapansin lang eh, kahit alam nila na sobrang playboy niyan tapos kapag nagsawa na iiwan na sila okay lang sakanila, maghahabol parin, tsk tsk."
Napabalik ako ng tingin sa lalaki, sya nga ung bwisit na nakabanggaan ko kanina! Kaya pala akala mo kung sino, campus crush kasi!
"Hindi ko napansin na dun pala sya nakaupo kanina, tska ayaw ko sakanya, mayabang, akala mo kung sino." tumingin ako kay Chloe.
"Dapat lang, kung ayaw mong paglaruan ka rin nya."
Tumingin ulit ako kay Zach, nagulat ako kasi nakatingin din sya sakin with that arrogant smirk! Tch, akala mo kung sino. Inirapan ko sya at tumayo na sa table palabas ng cafeteria.
-----
Nathan ----->