Playboy

733 9 0
                                    

*Candice's pov*

Yes, uwian na! Tinext ko si Chloe para magsorry sakanya dahil sa pagwowalk out ko kanina, nakakairita naman kasi yung bwisit na lalaking yun eh!

Pagkalagay ko ng mga gamit ko sa locker, nilabas ko ulit ang phone ko para itext naman si blu para magpasundo. Maglalakad na sana ako palabas ng campus ng may biglang may humawak sa waist ko at kinarga ako. Teka kidnap ba to?! Eh hindi naman open university to ah panong may makakapasok dito at kikidnapin ako?!

Sa sobrang gulat ko sa mga pangyayari, next thing I know is nasa empty classroom ako kasama ang isang matangkad na lalaki na brown ang buhok na nakangiti sakin. Sobrang lapit nya sa kinatatayuan ko, hindi pa ako nakakalapit ng ganito kalapit sa isang lalaki bukod kay blu.

Tinignan ko ng maigi yung lalaki at narealize ko kung sino sya. Napaurong ako sa gulat at dinuro ko sya, "Ikaw?!"

"Yes! Me! Happy?" payabang na sagot nito.

"Ba't mo ko dinala dito ha?!"

"Hindi ba't ito ang gusto mo? ang masolo ako? kasi, sa way ng pagtingin mo sakin kanina sa cafeteria..." unti unti syang lumapit sakin as if teasing me.

"Lumayo ka nga sakin! I'm not checking you out! Feelingero ka rin eh no Zach!" tinulak ko sya.

"Oh? pano mo nalaman ang pangalan ko? Ambilis mo namang magresearch tungkol sakin." nakangiting sinabi nito.

"FYI narinig ko lang pangalan mo no! hindi ko niresearch! Tumabi ka nga jan aalis nako! Leche!"

"San ka pupunta? Hindi ka pwedeng umalis dito hangga't d ko sinasabi." pautos na sinabi nito.

Bwisit to ah! "Bakit sino ka ba sa inaakala mo ha?! Feeling mo lahat may gusto sayo porke andaming nagkakandarapa sayo! Pwes ibahin mo ko! tulong!!!" sumigaw ako ng sobrang lakas.

"Pag di ka tumigil sa pagsigaw jan hahalikan kita! Unless, yun talaga ang gusto mong mangyari." lumapit sya ulit sakin.

Oh no! Not my first kiss! Sinesave ko to para sa unang taong mamahalin ko!

"Pwede ba! Layuan mo nga ko! Hindi kita type no!" tinulak ko sya ulit.

Tumunog ang cellphone ko, nagtext si Nathan

Malapit na ko Blu :)

Naglakad na ako papunta sa pinto para lumabas ng biglang hinawakan ni Zach ang braso ko. "Di ba sabi ko sayo hindi ka pwedeng umalis hangga't di ko sinasabi?"

Kumalas ako sa kamay nya, "Sino ka ba para utusan ako ha? Hay naku! Sayang lang oras ko sayo!" tumalikod ulit ako sakanya.

"Saglit!" hinawakan nya ulit ang braso ko.

"Ano?!"

"Anong pangalan mo?"

Napailing ako sa tanong nya, "Dinala mo ko dito para lang itanong kung anong pangalan ko? Candice, okay na? Alis na ko." kumalas ako sa pagkakahawak nya at nagmadali nang lumabas papunta sa gate ng school.

 ---

"Hay nako Blu! Nakakainis talaga pagiging arogante nya! Akala mo kung sino!" reklamo ko kay Blu habang nasa byahe kami. Kinuwento ko lahat ng nangyari sakin ngayong araw, si Blu kasi ang diary ko eh, lahat ng nasa isip ko at nararamdaman ko sinasabi ko sakanya, good listener kasi sya eh, hindi nya ako kinakampihan lagi pero, alam nya ang right words na dapat sabihin sakin para maliwanagan ako sa pangyayari.

"Hayaan mo na sya Blu, wag mo na lang syang pansinin sa susunod."

"Talaga! Baka isipin pa nyang type ko sya!"

"Oh ayan, dito ka na." pumarada si Nathan sa tapat ng bahay namin. "Bukas susunduin na lang kita ha, wag ka nang magpunta sa bahay, ang ingay mo eh." nakangiting dagdag ni Narhan.

"Eh ambagal mo po kasing gumalaw! Tch, wag ka papalate tomorrow ha! Kundi susugudin ulit kita senyo! Bye Blu!" hinalikan ko sya sa pisngi at bumaba na ng sasakyan. Goodbye-friendly kiss yun, at lagi ko yung ginagawa kay Blu, wala namang malisya eh, kasi magbesfriends naman kami.

Pagdating ko sa kwarto ko, inayos ko na agad yung mga gagamitin ko para sa school bukas. Excited na kung excited! First week eh, hehe.

"Ate Lyn! Paki-bake naman ako ng cookies, patimpla narin ng milk, salamat!" sigaw ko sa may pintuan.

Pagkatapos ko maligo, nakahain na sa side table ko yung cookies at milk, Hmm..ambango! 

Habang busyng busy ako sa pagkain ng cookies at milk, tumunog ang cellphone ko. May nagtext, number lang.

Hi.

Who's this? Reply ko.

Is this Candice?

Yep. Sino to? 

Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi na nagreply yung number. Oh well, baka kung sino lang na nantitrip yun. 

---

Zach --->

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon