Kidnap

417 9 0
                                    

Naglakad na ako papunta sa passenger's seat ng may humilang lalaki na nakashades sakin at isinakay ako sa kotse niya. Red na bmw yung sasakyan nung lalaki!

Tinry kong umalis sa kotse kaso ni-lock na nung lalaki yung sasakyan kaya hindi na ako makalabas. Wth?!

Dali daling sumakay yung lalaki at mabilis niyang pinaandar yung sasakyan.

Nagpapanic na ko, anung gagawin ko?

Tumingin ako sa lalaki, "Sino ka?!"

*Candice's pov*

Tawa lang ang isinagot nung lalaki.

Naalala kong may ibinigay nga palang pepper spray si Blu dati. Dali dali kong hinalungkat ang bag ko. Please, sana andito pa sa bag ko yung pepper spray.

Yes! Nasa bag ko pa nga yung pepper spray ko!

Itinutok ko yung pepper spray dun sa lalaki, "Kapag hindi mo ko ibinaba iisprayan kita nito!" sumigaw ako sakanya.

"Sige subukan mo para mabangga tayo sa daan tapos mamatay tayong dalawa", kalmadong sagot nung lalaki.

Oo nga no? nagddrive nga pala siya. -.-

"Wala akong pakelam! ibaba mo ko!" sagot ko dun sa lalaki.

"Anu ba yan! Hindi mo parin ba ako nakikilala?", nagpark yung lalaki sa gilid ng daan at tinanggal niya yung shades nya.

Tinignan ko yung mukha nung lalaki, parang pamilyar siya.. parang si..

"D-daniel?!" O.O

"Sa wakas nakilala mo rin ako!", sagot ni Daniel

Si Daniel ang kaisa-isang kapatid ni Nathan, sa Cebu siya nagsstay para imanage yung Cebu branch ng family business nila.

"Ba't ka nandito?" tanong ko kay Dan, short for daniel ^_^

Natawa si Dan, "Bawal na ba akong magpunta sa Manila ngayon?"

"Hindi naman, pero ang tagal mo kasing nagstay sa Cebu, masyado kang busy busyhan kala ko wala ka nang balak bumalik pa dito, di naman kalayuan ang Luzon sa Visayas e di ba?"

"Ang daming inaasikaso eh, sinabi ko naman kina mama at papa na tsaka lang ako pupunta sa Luzon kapag sure na akong pwede kong iwanan yung business dun", lumapit sakin si Dan, "namiss mo ba ko?"

"Oo naman!"

*knock* *knock* *knock* *knock* *knock* *knock* *knock* *knock*

Sunud-sunod yung katok sa may bintana ko.

"Sino ba 'tong katok ng...OMG Zach?!"

Bumaba ako sa sasakyan, hinihingal ng bongga si Zach. Bumaba din si Daniel.

"Zach ba't hingal kabayo ka??", lumapit ako kay Zach.

Pero imbis na sagutin niya yung tanong ko, lumapit lang siya sakin at hinawakan yung mukha ko, "okay ka lang ba? hindi ka ba nasaktan?"

"Ha?", sagot ko kay Zach, "O-okay lang ako", kumalma ng konti si Zach sa sagot ko, tapos hinawakan niya yung kamay ko  at dinuro niya si Dan, "Hoy ikaw! Sino ka ha?! Anung karapatan mong kunin sakin si Candice?!"

Tumawa lang si Dan, "May boyfriend ka pala", sinabi sakin ni Dan.

Boyfriend?!

Bumitaw ako sa pagkakahawak sakin ni Zach, "hindi ko siya boyfriend no!"

"Tch, hindi naman pala", naglakad si Dan pabalik sa sasakyan niya, "tara na, may date pa tayo", sigaw sakin ni Dan.

Tumingin sakin si Zach, "may date kayo?! hinila ka lang niya ng biglaan tapos sakanya ka na sasama?"

"Sorry Zach, bawi na lang ako next time, minsan lang 'to eh, sorry talaga"

Napailing si Zach, "wala ka talagang pakialam sakin no?"

Ay! Drama lang 'te?

*beep* *beep*

"Tara na!" sigaw ni Dan

"Sorry talaga Zach, next time na lang", sinabi ko kay Zach tapos naglakad na ko papasok sa sasakyan.

Hindi tumingin sakin si Zach, tumango lang siya.

---

"Effort ha", nakangiti sakin si Dan na parang nang-aasar pagkasakay ko sa sasakyan.

"Anung effort?"

"Hinabol niya tayo kasi akala niyang kinidnap ka talaga"

"Hinabol? Imposible!"

"Hindi mo ba halata? grabe pawis niya. Tapos sobrang hinihingal habang kumakatok satin"

"Baka naman nagpark sa malayo tapos tumakbo nalang"

"Tumakbo lang talaga siya"

"Pano mo nasabi?"

"Kita kong hinahabol niya tayo habang nagddrive ako eh, hehe"

Nanlaki yung mga mata ko, "Seryoso?!"

"Oo", ngumiti sakin si Dan ng nakakaloko

"Ang sama mo!", hinampas ko siya sa braso.

"Bakit? Tinigil ko naman yung sasakyan ah? 'di tulad mo, hinabol na niya at lahat iniwanan mo parin siya para lang maka-date ako", kinindatan niya ako.

"Wag lalaki ang ulo, baka sumabog yan. Minsan ka lang kasi nandito no, na-miss ko kuya kuyahan ko", ngumiti ako sakanya.

"Lambing talaga nito, at dahil jan, kailangan kong siguraduhin na mageenjoy ka sa date natin" ngumiti siya sakin tapos pinaandar na niya yung sasakyan.

---

Sobrang saya at nakakapagod ang naging date namin ni Dan, pano ba naman, namiss daw niya ang Enchanted Kingdom at Star City, kaya dalawang amusement park ang pinuntahan namin ngayong araw. Namiss ko talaga si Dan, Older brother figure kasi siya para sakin eh, sobrang strikto nga lang minsan. Kaya nga siguro hindi ako nagkaboyfriend dati nung nandito pa siya sa Luzon, pano ba naman, lahat ata ng lalaking gustong manligaw sakin hinaharangan nun! Si Nathan lang daw dapat yung kaclose kong lalaki, ang strict di ba?

Ganun parin kaya si Dan ngayon? Ilalayo ako sa ibang lalaki? Kung ganun ang mangyayari, baka hindi kami makalabas agad ni Zach. Pano yun eh kailangan kong bumawi sa taong yun? Nakakahiya naman kasi na iniwanan ko siya matapos niya pala akong habulin sa akala niyang kidnapper.

Aish! Ayoko muna magisip, makatulog na nga -.-

---

Dan --->

Thank you po ulit sa votes! ♡

Votes & comments are highly appreciated ☺

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon