Reunion

553 7 0
                                    

*Candice's pov*

*beep* *beep*

"Bluuuuu tara na!" sigaw ni Nathan sa tapat ng bahay namin.

*beep* *beep*

sumilip ako sa bintana ng kwarto ko, "saglit lang blu! nagaayos pa eh! wag kang busina ng busina jan nakakahiya sa kapitbahay!"

Humarap ulit ako sa salamin at naglagay ng pangalawang coat ng mascara, dalawang beses kasi talaga ako nagmamascara, ang ganda ng effect eh. Pagkatapos ay naglagay na ako ng lipliner at lipstick.

*knock* *knock*

"Candice anak, hindi ka pa ba tapos?" sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko.

"Malapit na my!"

Inilagay ko na ung mga pangretouch ko sa bag, nagpabango, umikot ng ilang beses sa harap ng salamin to make sure na magandang maganda na nga talaga ako (^_^) tapos ay lumabas na ako ng kwarto.

"My okay lang ba yung damit at make-up ko?"

Ngumiti si mommy at naglakad papalapit sakin, "Ang ganda mo anak, manang mana ka talaga sakin!"

"Mamumuri ka na nga lang kailangan pati sarili mo pupuriin mo pa eh no?" sagot ko kay Mommy, na ikinatawa naman nya.

"Totoo naman eh, o sya sige na anak, baka ma-late na kayo sa party." bineso beso ako ni mommy.

"Yun nga ung gusto ko e, dapat lahat sila andun na, para grand entrance di ba, bongga!"

"Hahaha! ikaw talaga, sige na..umalis na kayo, magtext ka kapag andun ka na ha, ingat kayo."

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Nathan.

"Grabe, kailangan ba talagang umabot ng oras oras para lang sa--" napatigil si Nathan pagtingin nya sakin.

"Oh ba't napatigil ka? Ang ganda ko no?" pangaasar ko sakanya.

"S-sakto lang. Mukhang tao." tumingin na ulit si Nathan sa daan at inistart na ang sasakyan.

"Sus, baka mukhang dyosa! ganda ganda ko eh!"

"Oh tama na, di mo ba nakikita ang laki na ng ulo mo? baka sumabog na yan sa yabang mo."

"Hindi naman malaki ulo ko ah!" hinampas ko si Nathan sa balikat.

"Hahahaha! totoo naman! Laki ulo!"

"Tse!" inirapan ko sya, pero nakangiti.

Tahimik na ulit kami sa byahe. Nakakakaba, hindi ko alam kung anung mangyayari sa party, ahhhh! Sana magenjoy ako!

*sigh* nagbuntong hininga si Nathan.

"Oh bakit blu?" nagaalalang tanong ko sakanya.

"May balak ka bang uminom ng alak mamaya?" seryosong tanong ni Blu.

"Napabuntong hininga ka dahil dun? Wala syempre, ayokong uminom, alam mo naman na hindi ako umiinom eh."

"Syempre pipilitin ka ng classmates mo di ba."

"Don't worry blu, hindi ako iinom para sayo." nginitian ko sya. Dahil lang sa alak worried agad sya? Ganyan mo ko kamahal blu? huehue (^~^)

"Baka lang kasi mapagalitan ako ni mommy mo kapag hindi kita nabantayan ng maayos."

Tch! Ang iniintindi pala ng mokong na to eh yung sasabihin ni mommy.

"Don't worry Blu, behave lang ako sa party, hindi mo na ko kailangang bantayan, dun ka na sa Sam mo kung gusto mo."

"Oh anung Sam ang sinasabi mo?" tumingin sakin ng saglit si Nathan, "ang inaalala ko baka hindi kita mapigilan mamaya sa party."

"Ewan." hmp! nakakainis!  >.<

Tumahimik na lang kami ulit sa byahe.

Sa Mater Academy yung venue ng party. Yun yung school namin dati, siguro dun talaga ginawang venue para nostalgic.

"Dito na tayo blu" nagpark na si Nathan sa parking lot ng school.

Bumaba na agad ako ng sasakyan, "Namiss ko tong lugar na to ah!" nakakatuwa, ang sarap palang balikan yung school na pinasukan mo dati, parking lot palang masaya na ko ^_^ haha

"Royal?" sabi ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Kahit hindi pa ako humaharap, alam ko na kung sino ang nagsalita.

"Royal!!!!" humarap ako kay Miranda at yumakap. Si Miranda ang closest friend ko nung highschool, at royal ang tawagan namin kasi mahilig kami sa royal na softdrinks (oh di ba bongga, kung anu ang mutual interest namin ng friends ko, un ang tawagan namin ^_^)

"I missed you" sabi ni Miranda habang magkayakap parin kami.

"I missed you more, kelan ka pa umuwi dito sa pinas?" tanong ko kay miranda. Nagpunta kasi siya sa Korea, dun kasi sya magkacollege.

"Nung friday night! Umuwi lang ako dahil sa reunion. Yii! Ang dami kong ikukwento sayoooo!" excited na sinabi ni Miranda.

"Hi mira!" binati ni Nathan si miranda

"Nate! Kamusta?" sagot ni Mira.

"Good! Ikaw?"

"Greeeeeaaaaat!!!"

"O sya, tutal maggirl-to-girl talk naman kayo, punta lang ako sa batchmates ko ha. bye mira, bye blu!" kumaway na si Nathan palayo.

Napailing si Mira, "parang habang tumatagal, pagwapo ng pagwapo ang bestfriend mo ah."

"Sus, baka papangit ng papangit." sagot ko kay mira habang nakatingin kami kay Nathan.

"Ayaw pa aminin na nagagwapuhan sya sa bestfriend nya oh! tara na sa table, dun na tayo magkwentuhan" ^~^

Pagdating namin sa tables ng batch namin nagsimula na kaming magkwentuhan nonstop. May mga nakakwentuhan din kaming mga kabatchmates at higher years. Inalala namin yung mga kalokohan namin dati, yung kopyahan, asaran, embarrassing moments at kung anu ano pa. Hindi na nga namin namalayan na tapos na pala yung program.

"Guys may after party daw sa bahay nila Sam, wanna come?" tanong samin ni George, isa sa mga batchmates ko. So dumating pala si Sam(yung ex ni Nathan).

"Err..ewan, parang gusto kong umuwi na eh." sagot ko kay George.

"Oh come on Royal! minsan lang tayo magkikita kita oh! sama na tayo, please?" nagmakaawa si Mira sakin na parang tuta. (≧▽≦)

"San ba bahay ni Sam?" tanong ko kay George

"Sa Ayala alabang lang." sagot nya

Hmm..malapit lang pala sa bahay namin.

"Tch, sige na nga, dun na lang ako sa sasakyan mo sasabay ha."

"Yay! okay!" yumakap sakin si Royal at naglakad na kami papalapit sa sasakyan nya.

Blu, punta ka ba sa party ni Sam? Pupunta kasi kami ni Mira e, sabay nalang ako sakanya, kitakits. -text ko kay Nathan

Yep. Ingat kayo! -reply ni Nathan.

Sumusunod lang kami sa sasakyan ni George kasi alam nya kung san yung bahay ni Sam. Kaya hindi na kami nahirapan pa sa directions papunta sa bahay nila.

---

Sorry kung walang kwenta yung chapter, kailangan eh. :)

Anyways, eto yung picture ni Candice at Miranda ------->

Si Candice yung nakablue.

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon