*Candice's pov*
"Ingat ka ha! Oh eto" inabot sakin ni Nathan yung pepper spray. "Para kung anong gawin nya na masasaktan ka, spray-an mo nyan. Kapag sasaktan ka lang ha!" dagdag pa nya.
"Thank you Blu!" tapos kiniss ko sya sa cheeks. "Bye!"
Pagkababang pagkababa ko sa kotse, naghood agad ako. Iba get up ko ngayon para hindi nya ko mapansin, kung dati fashionista ako, ngayon para akong nerd na ewan, nerd kasi may big eyeglasses ako, nerd na yun. tapos nakajacket at pants ako na black, pati sapatos at bag ko pala black, ako na mukhang galing sa lamay.
Sinadya ko talagang iwasan sya sa bawat klase namin, lagi akong nagtatago sa likod, sya naman, dahil magkatabi kami halos sa lahat ng subjs, laging tinitignan ung upuan ko kung andun na ba ako. Engot lang, hindi marunong tumingin sa paligid, haha.
Sa sobrang paranoid ko, sa comfort room ako naglunch. May mga ibang babae na tumitingin sakin, nagtataka kung bakit ako andun, bahala sila sa buhay nila, di ko naman sila kilala. Malapit na matapos ang lunch break kaya lumabas nako ng comfort room, may tatlong oras pa bago ang next subject ko kaya naisip kong lumabas muna ng school. At dahil nagtatago ako, nakayuko ako maglakad.
"Aw!" may nakabanggaan nanaman ako.
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo."
Kinabahan ako, pamilyar yung boses na yun, pagtingala ko sa kanya............ whew! si Alex pala!
"Alex!"
"Oy Candice! Ikaw pala yan!" gulat ni Alex
"Shh! baka marinig ka ni Zach!" tinakpan ko ang labi ni Alex
"Ay oo nga pala no, hinahanap ka nya."
"Alam mo yung nangyari?"
"Oo naman, bestfriend ko yun eh. Naku, hinahanap ka nya kung saan saan, pero may alam akong taguan ;)"
"Saan yun?"
"Sama ka sakin." hinawakan ni Alex ang kamay ko at hinila ako sa.....sa boy's locker room! Nagmadali syang pumasok sa loob ng room habang ako nagpaiwan sa labas.
"Anong tinatayo tayo mo jan? Tara na!" bulong ni Alex.
"Ewan ko Alex, b-boy's locker room to eh. Baka may makakita sakin." sagot ko.
"Walang nagpupunta dito kasi walang nagooccupy ng lockers dito. Plus, hindi ka hahanapin ni Zach dito kasi alam nyang imposible na dito ka magtago."
"Puro 'dito' yung sentence mo ah. Sige na nga." pumasok ako sa locker room. Pagpasok namin sa locker room sumiksik kami sa pinakakanto kung san walang makakakita samin kung may sisilip na tao sa pintuan.
"so, bakit mo ba sya tinuhod? ang alam ko lang kasi tinuhod mo sya kaya ka nya hinahanap, di ko lam kung bakit" tanong ni Alex
"eh kasi nadulas sya habang naglilinis kami, kaya ayun natumba kami pareho, tapos pumaibabaw sya sakin, tapos hahalikan nya ko. Eh ayokong sya yung maging first kiss ko."
napatawa si Alex "dahil dun tinuhod mo sya?"
tumango lang ako.
"HAHAHAHA! akalain mo yun! lahat ng babae na pinaibabawan nun nauuwi sa sex, tapos ikaw tinuhod mo sya? nasaktan ego at balls nya nun!"
"eh ayoko nga kasing maging first kiss sya."
"Teka, wala ka pang first kiss?! the hell, college ka na ah! may ganyan pa palang babae, ba't ayaw mong maging first kiss sya?" nacurious si Alex at lumapit lalo sa pwesto ko.
"Eh kasi gusto ko ung first kiss ko special, gusto ko perfect timing, sa perfect place, at sa one true love ko. Sabihin mo nang makaluma pero yun ang gusto ko eh."