camp (part 2)

302 10 2
                                    

*Candice's pov*

3rd day na ng camp pero ni isang volleyball game wala akong nasalihan, tinanggal kasi ako ni Joanna sa team -.- Ang sakit lang sa puso, ang hirap ng mga pinagawa sakin during practice sa volleyball tapos hindi rin pala ako makakalaro (>.<)

*sigh* unknowingly, napabuntong hininga ako.

"Sabi naman sayo e, wag na tayong manood ng volleyball match, maiinggit ka lang sakanila eh", sabi sakin ni Chloe

"Wala rin naman tayong ibang magawa kundi ang manood eh, sawa na akong maglakad lakad sa buong lugar"

"Teka, di ba may pool dito? tara swim!", suggestion ni Chloe

"Ayaw! Wala akong swimming attire na dinala"

"Ba't di ka nagdala?! Pssh"

"Malay ko ba na may pool dito"

"Hindi ko rin naman alam na may pool dito eh, pero nagdala ako ng bikini just in case di ba, hmp, sayang naman"

"Gusto mo talagang magpool?", tanong ko kay Chloe

"Oo naman!"

"O sya ganito,uuwi na lang muna ako sa room ko tapos ikaw magswim ka. Sumasakit lang puso ko habang nanonood ako ng volleyball match eh"

"Ayokong magswim ng wala ka!"

"Bakit?"

"Ehh kasi, kawawa ka naman di ba, wala kang gagawin sa room mo"

"Tange! Ayokong manood, ayoko rin magswim, kaya mas magiging masaya pa ko sa room ko. Alis na tayo para makapagswim ka na"

"Sige na nga!", sagot ni Chloe

---

Pagkarating ko sa room ko nahiga ako at binuksan ang net ng phone ko. Uubusin ko na lang oras ko sa pagstalk sa mga celebrity crushes ko ^-^

*knock* *knock*

"Sino yan?", sigaw ko habang nakahiga sa kama ko

"Zach!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko. Zach? Ba't siya pupunta dito?

Tumayo ako sa kama para pagbuksan si Zach ng pinto.

"Hey", bati ni Zach

"Hi"

...*awkward silence*...

"So, how's your ankle?", tanong ni Zach

"Iginala ako ni Alex kahapon para makapaglakad lakad and hindi naman sumakit yung ankle ko so I guess it's fine", ngumiti ako sakanya.

"Ah so that's why wala ka sa room mo kahapon nung dumalaw ako"

"Dumalaw ka pala, sorry. Aaaaand, thank you sa paghatid mo sakin sa clinic nung isang araw, I owe you one"

"Tsh, ako pa? And yes you owe me one. Kaya kapag someday humingi ako ng favor sayo, susundin mo agad ha?"

What the heck ayan nanaman pagiging presko nya -.-

"Sige", ngumiti lang ako.

"Good, now magbihis ka", utos ni Zach

"Ha? bakit?"

"May utang ka pang date sakin di ba? bihis na, maghihintay ako dito sa labas"

Date? Ah oo! yung kakain kami dapat sa labas, muntik ko nang makalimutan hehe

"O-okay sige"

Pagkasara ko nang pinto. Naghalungkat na ko ng pwede kong isuot sa 'date' namin ni Zach. Hmm..ano bang dapat isuot? Should I go for a cute or a sexy-but-not-so-revealing dress? Or magshorts na lang kaya ako tsaka tank top? Should I wear heels? or sandals na lang kaya? Ohhh!!! Anu ba?!!

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon