*Candice's pov*
*Ding*
Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bag para tignan kung sinong nagtext.
"Tara swimming this weekend!"
Napangiti ako sa text ni Chloe,
"Rainy season tapos swimming ang trip mo?", reply ko sakanya.
"Mukhang masaya ka ngayon blu ah, dahil ba yon dun sa kasama mo kanina?", tanong ni Nathan habang nagdadrive siya.
"Sinong kasama kanina?" tanong ko kay Nathan.
"Yung naghatid sayo palabas ng school." malamig na sagot ni Nathan.
*Ding*
Napatingin ako bigla sa cellphone ko,
Kating kati na ko magbikini eh! Sige na kasi! -Chloe
Napahalakhak ako ng malakas.
"Sino ba yang katext mo?", naiinis na tanong ni Nathan.
"Teka lang blu magrereply muna ko." nakangiti kong sagot kay Nathan, natatawa talaga ko sa trip ng Chloe na to e. :))
Bago ako magsimula magreply kay Chloe, biglang may nagtext na number lang.
Salamat kanina, yung promise mo ha ;)
Napakunot ang noo ko,
Who's this?
Pagkatapos kong isend ang text ko dun sa unknown number, nagreply na ako agad kay Chloe,
Eh di magbikini ka jan sa bahay nyo! :))
Alam niyo yung feeling na ikaw mismo natatawa sa reply mo? Ganun yung nararamdaman ko ngayon ^_^ kaya hindi ko nanaman mapigilan ang tawa ko.
*ding*
titignan ko na sana kung sino yung nagtext kaso biglang inagaw ni Nathan yung cellphone ko.
"Tch, sabi ko na nga ba" monotone na sinabi ni Nathan tapos ibinalik na nya sakin ang phone ko.
Anong 'sabi ko na nga ba'?
Pagtingin ko sa phone ko, ang nabuksan na message ni Nathan eh yung text nung unknown number,
It's me Zach ;)
"Hindi naman si Zach yung dahilan kung ba't ako tumatawa blu eh" sinabi ko kay Nathan.
Pumarada si Nathan sa tapat ng bahay ko, "Baba ka na blu"
Eh? cold cold-an lang ang peg blu? anung problema mo?
"May problema ba blu?" tanong ko kay Nathan
"Wala, sige na, gusto ko nang mahiga sa kama", sagot ni Nathan pero hindi siya tumitingin sakin.
Tch, bahala ka nga.
Pagkababang pagkababa ko sa sasakyan pinaharurot ni Nathan ang kotse niya at mabilis na nagpark sa garahe ng bahay nila.
May problema talaga to eh -.-
Feeling ko may problema siya sa school nila kaya badtrip siya, pagsakay ko pa lang sa sasakyan seryoso na agad ang mukha niya eh. Kaya naisipan kong ibaba muna ang mga gamit ko sa living room namin at nagpaalam muna ako kay mommy na pupunta ako kina Blu kasi feeling ko may problema talaga sya.
*knock* *knock*
"Blu?" sigaw ko sa labas ng kwarto ni Nathan.
Naghintay ako ng mga 10 seconds para kumatok ulit nang biglang binuksan ni blu ang pinto nya, "ba't nandito ka?"