Promise

513 7 0
                                    

*Candice's pov*

As usual nagtaxi ulit ako pauwi sa bahay. Hindi kasi ako pwede magcommute eh, kasi maarte ako. hahaha (∩w∩)

"Asan si mommy?" tanong ko kay ate Dina.

"Magpupunta daw po sya sa kapatid nya, nabobore daw sya dito sa bahay eh." biglang napatingin si Ate Dina sa may likod ko.

"Pero uuwi daw ba sya ngayon?"

"Opo. Pero gagabihin daw po sya." nakatingin parin si ate Dina sa likod ko. Wala ba syang balak tumingin sakin?

"Hmm..sige ate Dina akyat na ko, padalhan ako ng cookies at spaghetti ha, salamat!"

Tumalikod na ko papunta sa hagdan ng biglang may bumuhat sakin, yung buhat na pang groom at bride na maghahoneymoon lang.

"Hoy!" lang ang naisigaw ko. Pagtingala ko si Nathan pala yung bumuhat sakin. So sya pala yung tinitignan kanina ni ate Dina!

"Ibaba mo nga ko blu!" mejo malakas kong sinabi sakanya.

Pero tuloy lang sya sa pagakyat sa hagdan habang karga ako.

"Blu!" reklamo ko sakanya.

"May dalaw ka ba ngayon blu?" tanong sakin ni Nathan, pero hindi sya tumitingin sakin.

"H-ha? wala. Pero malapit na ko magkaron, bakit?" tanong ko sakanya.

"May tagos ka. Kinarga kita kasi baka makita ni ate Dina, puti pa naman yung pants na suot mo."

&@^#!@$*!!!!

Napatahimik ako sa gulat. Panong hindi ko naramdaman na may mens na pala ako?? Hindi kaya sa school palang meron nako?? Ampupu! -.-

Pagdating namin sa kwarto ko, isinara ni Blu ang pinto at ibinaba na nya ko. Pagkababang pagkababa ko tumakbo agad ako sa malaking salamin ko para makita kung gano kalaki yung tagos.

Aaaahhhh! (O.O) wala naman akong tagos eh!

Bumalik ako kay Blu para sermunan sya sa pagsisinungaling nya, anong klaseng trip naman yun di ba? Kinabahan kaya ako ng bongga!

Kaso napatigil ako nung nakita ko kung gano kaseryoso yung tingin nya sakin pagbalik ko. Anong problema ng taong to?

"Blu, iniiwasan mo ba ako?" seryosong tanong ni Nathan.

Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko naman kasi inaasahang bigla niyang itatanong yun eh.

'Oo, sorry, kaya nga hindi na ko nagpapahatid at sundo sayo eh, naiilang na kasi ako mula nung nagkiss tayo' (syempre sa utak ko lang to sinabi, hehe)

"Blu?" tanong ulit ni Nathan.

"Ha? Err..H-hindi ah naging busy lang ako last week dahil sa midterm exam." pagsisinungaling ko sakanya.

"Wag ka nga magsinungaling sakin, kilala kita."

"Pano mo naman nasabi na nagsisinungaling ako?"

"Kapag kinukutkot mo unknowingly yung kuko mo sa thumb ibig sabihin nagsisinungaling ka. Ganyan lagi ginagawa mo tuwing nagpapaalam ka kay mommy mo para sa project pero ang totoo gagala lang tayo."

"Ha?" napatingin ako sa kamay ko. Nagkukutkot nga ako! Ba't ngayon ko lang nalaman na ganun pala ginagawa ko?

"Come on blu, hindi ko naman sinasadya na sayo mapatapat yung bote." lumapit si Nathan sakin, malungkot yung mga mata nya.

"Kung gusto mo, pwede naman nating kalimutan yung nangyari eh, pero wag mo akong layuan, ang hirap sa pakiramdam." tumigil lang si Nathan sa paglalakad nung sobrang lapit na nya sakin. Omo, ang lapit nya! (O////O)

Pano ko naman kakalimutan yung first kiss ko?!

Hinawakan ng isang kamay nya yung pisngi ko, "Ano bang dapat kong gawin para hindi ka na mailang sakin?"

Nakakatunaw yung tingin nya sakin, hindi ko mapigilang hindi magblush (O////O)

Hindi ko alam..hindi ko alam kung bakit hindi mo parin ako hinahalikan ang tagal na nating nagtititigan dito. Chos!

"H-hindi ko alam."

"Gusto mo bang kalimutan nalang natin yung nangyari?" tanong ni Nathan.

Umiling ako. Somehow, mejo napangiti sya, so ayaw nya ring kalimutan yung kiss?

"S-sorry, hindi ko na ulit gagawin yun, hindi na ulit kita lalayuan."

Lumapit si Nathan sa mukha ko.."Promise?"

Tumango lang ako.

Tumitig si Nathan sa labi ko, nanlalambot ako sa tingin nya, hindi ko alam ang gagawin ko. Lumapit pa sya ng konti ng biglang..

*knock knock*

"Dala ko na po yung cookies at spaghetti nyo" sigaw ni ate Dina mula sa labas ng kwarto.

Bigla kaming lumayo ni Nathan sa isa't isa, pero nakatitig parin sya sakin.

"Miss?" sigaw ni ate Dina.

"A-andyan na ko!" lumapit ako sa pintuan at pinagbuksan ko si ate.

"Dalawang platong spaghetti na po yung dala ko para sa inyo ni Sir Nathan." pumasok si ate at inilagay yung mga pagkain sa side table ko.

"Thank you ate Dina" sabi ni Nathan.

Ngumiti lang si ate at umalis na ng kwarto.

"Tara blu kain na tayo, gutom na ko eh." kumuha si Nathan ng isang platong spaghetti at naupo sa kama ko.

Halos magkikiss na kami kanina tapos nakakita lang siya ng pagkain nakalimutan na agad nya kung ano yung muntik nang mangyari?

Napailing nalang ako sa naisip ko. Kinuha ko yung plato ko ng spaghetti at tumabi kay Blu sa kama.

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon