After Camp

231 7 2
                                    

*Candice's pov*

What time ka dadating sa school niyo mamaya? -Nathan

Mga 7pm, why? -reply ko sa text ni Nathan

Kasi po susunduin kita, di ba? -Nathan

Ay! oo nga pala, hahaha..no need na Blu, may maghahatid sakin :)

Sino? -Nathan

Si Zach.

Two hours na pero hindi parin nagrereply si Nathan dun sa text ko. Busy ata, ni hindi manlang naggoodbye sa text pfft. -.- Anyway, pauwi na ko galing sa camp namin. Hindi na ako sumakay sa bus kasi dun kami nila Alex at Chloe sumakay sa kotse ni Zach.

"Oh come on! Wala namang pasok bukas eh!", reklamo ni Alex

"Ang layo layo kaya ng Baguio! Anung klaseng trip yan?", sigaw ni Zach

Habang nasa biyahe kami nagsuggest si Alex na dumeretso kami sa rest house nila sa Baguio since wala naman daw pasok bukas.

"Wag ka magalala bro, kapag naman napagod ka sa pagdadrive papalitan kita eh, namiss ko lang talaga yung bulalo ng kasambahay namin dun, sige na please?", pakiusap ni Alex kay Zach

*sigh* "Okay ka lang ba na dumeretso tayo sa Baguio?", tanong sakin ni Zach

"Okay lang, papayag naman siguro si mommy since kasama ko naman si Chloe. Pero kung ayaw mo dumeretso sa Baguio okay lang din", sagot ko kay Zach

"Oh di ba okay lang kay cod! Tara na bro!", pangungulit ni Alex kay Zach

"Cod?", tanong ni Zach

"Tawagan namin ni Alex, since Call Of Duty naging reason kung ba't kami naging close", sagot ko kay Zach

"Buti pa kayo may tawagan", mahinang sinabi ni Zach

"Excuse me? Andito pa ko oh! Hindi niyo ba ko tatanungin kung okay lang sakin magpuntang Baguio?", sigaw ni Chloe

"Bakit hindi ka ba sasama?", tanong ni Alex kay Chloe

"I can't. May family gathering kami mamayang gabi. Sorry guys", sagot ni Chloe

"Anu ba yan! Okey na eh! -.-", reklamo ni Alex

"Sorry ha? May ibang araw pa naman kase para magpunta sa Baguio eh alam mo yun?", mataray na sigaw ni Chloe kay Alex

"Whatever panira ng lakad", monotone na sagot ni Alex

"Sa ibang araw na lang natin i-set yung Baguio cod", mahinahon kong sinabi kay Alex

"tch, sige na nga", sumimangot si Alex then nagpasak na siya ng earphone sa tenga, halatang ayaw nang makipagusap.

---

Unang hinatid ni Zach si Chloe sa bahay nila, tapos si Alex naman. On the way na kami ngayon sa bahay namin.

"May tawagan talaga kayo ni Alex?", tanong ni Zach sakin pagkababa ni Alex ng sasakyan.

"Oo, bakit? Tawagan lang naman eh"

"Kailangan ba talaga nun? Kaya nga may pangalan ang tao para dun siya tawagin sa pangalan niya e"

Natawa na lang ako sa sinabi ni Zach

"Oh bakit?", tanong ni Zach

Asarin ko kaya 'tong si Zach?

"Selos ka no?", ngumiti ako sakanya

"Ako? Hindi no! Ba't naman ako magseselos? Tawagan lang eh"

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon