*Candice's pov*
"Good morning bakla!" bati sakin ni Chloe nung nagkasabay kami sa pagpasok sa gate ng school.
"Good morning te" inaantok ako, hindi ako sanay na hindi natutulog sa byahe hihi
"Parang pansin ko lang ha, magdadalawang linggo ka nang hindi hinahatid sundo ng blu mo, magkaaway ba kayo?"
"Ha? Hindi ah."
"Eh ba't hindi ka na nya hinahatid sundo? may gf na ba sya?busy na sya sa iba?" pangungulit ni Chloe.
"Ako ang busy! Exam week last week eh, kaya mas gusto kong mapagisa para walang distractions 'ya know." sagot ko kay Chloe
"Hayyy..sabagay, buti na nga lang tapos na yung exams. Ang nakakakaba lang ngayon eh yung mga results waaa!"
"Nagaral ka naman di ba? wag kang kabahan." ngumiti ako kay Chloe.
Pagdating namin sa classroom dirediretso parin ang kwentuhan namin na parang hindi kami nagkikita araw-araw. Natigil lang ang kwentuhan namin nung dumating ang prof. namin sa Economics at inilagay ang test papers namin sa teacher's desk. Kami na daw ang maghanap ng paper namin kasi kailangan nya agad umalis para sa isang meeting.
Nagunahan agad ang mga kaklase ko sa pagkuha ng test papers nila kaya naghintay nalang ako na maubos ang tao sa teacher's desk para makuha ko yung test paper ko.
Nagsimula akong kabahan nung marami akong nakita na nakasimangot. Bagsak daw yung grades nila sa exam. Actually hindi naman ako dapat kabahan kasi nagaral naman ako ng bongga, kaso ang dami talaga ng bumagsak, plus ang hirap din kasi talaga nung exam.
Pagkatapos ng ilang minuto nagpunta na ako sa teacher's desk at kinuha ang papel ko. Kinakabahan talaga akong tignan ang grade ko. Pagbuklat ko...
Yessss!!! 85 ang score ko!!!! gusto kong magtatalon sa tuwa! Di man ako naka90 pataas eh hindi naman ako bumagsak, sulit parin ang inaral ko! ^_^
"Sh*t naman na subject to oh!"
Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Pagharap ko, nakita ko si Zach na hawak ang test paper nya na parang gusto na nyang punitin sa galit. Gusto ko na sanang umalis sa classroom para makapagliwaliw sa saya kaso nacurious ako sa grade ni Zach kasi parang manununtok sya sa inis eh.
Napansin nya sigurong may nakatingin sakanya kaya bigla syang tumingin sa side ko, para syang manununtok pero nung nakita nyang ako yung nakatingin sakanya biglang kumalma yung itsura nya. "Napalakas ata yung pagmumura ko." sabi nya sakin.
"Err, okay lang." sagot ko sakanya.
Alam kong hindi maganda yung gusto kong itanong at baka pakainin nya ulit ako ng "luya sandwich" pero nacucurious talaga ako.. "...kamusta exam?"
Tumingin si Zach sa paligid naming dalawa, "pwede bang sa labas nalang tayo magusap?"
Tumango lang ako. Wala eh, nacurious talaga ako eh.
Sumunod lang ako sa kung san sya nagpunta, at nung nakahanap na sya ng lugar na walang tao, humarap sya ulit sakin.
"Bagsak ako." malungkot nyang sinabi.
Wow ah! Si Zach na parang 'go with the flow' kung umasta eh marunong malungkot dahil sa bagsak na exam?
"Okay lang yan. May final exam pa naman at quizzes para makapasa eh. Kung 50-60 yung grade mo. Madali mo nang mahahabol yan!" pagcheer up ko sakanya.
Binuklat nya yung test paper nya at pinakita nya sakin.
46. 46 ang grade nya (O.O)
"Wala pa tong 50. Mahirap na habulin to." malungkot nyang sinabi
"Ano ka ba! May seatworks, attendance at assignments pa! Kailangan mo lang magaral mabuti at pumasok lagi para mahabol yan. Kaya mo yan!" sagot ko sakanya.
"Parang ganun lang kadali maghabol ng grades ah."
Pinakita ko sakanya ang test paper ko.
"Hindi ko gusto magyabang. Pero nakuha ko to kasi lagi akong pumapasok para magets yung topic at nagaral ako ng bongga para sa exam. Ikaw pano ka ba nagaral?" tinanong ko sya.
"I skimmed the chapters." sagot nya.
"At? tinry mo ba sagutan yung mga multiple questions after ng end ng chapter?"
"Hindi, binasa ko lang ng isang beses." ngumiti sya.
"Tch, kaya naman pala."
"Ang hirap naman kasi ng eco no..kung meron lang sanang mabait na magtututor sakin eh for sure papasa nako sa susunod na exam at quizzes." ngumiti si Zach ng sobrang tamis sakin
Kinakabahan ako sa ngiti na yun.
"Gusto mong magpatutor sakin?"
"Sabi ko na nga ba matalino ka eh! Pano mo nalaman?" lalong lumawak ang ngiti ng unggoy.
"Ayoko! hindi ako marunong magturo sa ibang tao."
"Oh come on! sige na! sige ka pag ako bumagsak, alam mo naman na bawal ang bagsak na grade sa course natin. Hindi ko lang talaga to maintindihan magisa. Please?"
"Sa ibang tao ka na lang magpaturo. 85 nga lang nakuha ko eh." tumalikod ako sakanya para bumalik na sa classroom pero bigla syang humarang sa dadaanan ko. Gosh ang laki nya talagang tao!
"Please?" nagmamakaawa yung mata nya na parang napakaimposible talagang hindi ka mapa-oo sa hinihingi nya. Siguro ganito lang ginagawa nito sa babae para makuha gusto nya?
"Tch, sige na nga."
"Yes!!!" sumuntok si Zach sa hangin.
"O sya aalis na ko. Itext mo na lang ako kung kelan free time mo para maturuan kita. Akin na phone mo."
Dali daling kinuha ni Zach ang phone nya at binigay sakin, pagkatapos ko idial ang number ko ibinalik ko na sakanya yung phone nya.
Ang ganda ng ngiti ng unggoy. Yung ngiting hanggang tenga, yung tipong nakakaloko talaga.
"Did you just realized what you did?" nakangiti paring tanong ng unggoy.
"What? I gave you my number." flat kong sagot sakanya.
"...I...I gave you my number." shocks! bakit ko nga ba binigay yung number ko sakanya?! gah!
Tumawa ng malakas si Zach.
"Hoy! for tutoring purposes kaya ko binigay yung number ko! kung wala kang sasabihing matino wag na wag kang magtetext sakin ha!" tumalikod nako sakanya at nagdirediretso na sa classroom.