*Candice's pov*
Pagkaalis na pagkaalis ni Zach sa bahay ko tinignan agad ako ng seryoso ni Blu.
"Akala ko na-warningan ka na ng kuya ko about jan sa lalaking yan?", sabi ni Nathan
"Zach ang pangalan niya, and yes sinabihan na ako ng kuya mo about sa pagiging playboy ni Zach, which I already know, but so what? we're just friends", sagot ko kay Nathan
"Friends? Yeah right", sarkastikong sagot ni Nathan
"Alam mo ang dumi ng utak mo, porke ba may nagpuntang lalaki sa bahay ko may something agad?"
"Wala akong sinabing ganyan", matipid na sagot ni Nathan
"Eh ba't parang ayaw mong maniwala? Magkaibigan lang naman talaga kami eh!", nagsisimula nang mag-init ang ulo ko, masyado akong napagod sa byahe para makipagtalo pa ng ganito -.-
"Well that's because I saw you almost kiss each other at the pool! Friends don't do that to each other!", tumaas ang boses ni Nathan
"Friends don't do that to each other? Eh anu pala yung ginawa natin sa kiss spin ha?!"
Napatigil si Nathan sa sinabi ko, "That was a dare!", sagot niya
"You can say no to a dare kung naniniwala ka jan sa 'friends don't do that to each other' pero bakit mo ko hinalikan ha?! Unless you really wanted to kiss me", dirediretso ang bunganga ko, buti nalang wala sila mommy sa bahay.
Hindi sumagot si Nathan sa sinabi ko, nagtitigan lang kami ng mga 2 minutes bago ako tumalikod sakanya, kung wala na siyang sasabihin eh pupunta na ko sa kwarto ko.
Pero bago pa ako makarating sa hagdan nagsalita na ulit si Nathan, "Yes I wanted to kiss you, I really really wanted to do it dati pa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. At nung tumigil yung bote sa tapat mo lalong lumakas yung urge ko na halikan ka. I know I can say 'no' kaso naisip ko pano kung ito yung first and last chance ko na maexpress sayo yung... yung... nararamdaman ko. Plus sinabi pa ni Sam na pano kung yun na yung right time para maranasan mo yung first kiss mo, kaya lalong lumakas ang loob ko na gawin yung dare. Sorry... Sorry kung ginamit ko yung dare para sa pangsariling kagustuhan ko. Sorry kung kinuha ko sayo yung first kiss mo. I don't deserve it. Nagsisi ako right after kong gawin yun, lalo akong nagsisi nung nilayuan mo ko, I felt so weak. Hindi ko kayang malayo ka sakin Candice, I... I-"
"Blu...", pinutol ko yung sasabihin ni Nathan, ayoko nang marinig kung ano man ang sasabihin niya. Hindi dahil sa galit o sa pagod. Natatakot ako, natatakot na baka magbago kung anung meron saming dalawa ni Blu. Isa siya sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko, konti na nga lang ang importante sakin babawasan ko pa. -.-
Tumingin sakin si Nathan, teary eyed siya, tapos namumula yung ilong, pero ni hindi man lang nabawasan yung kagwapuhan niya, "Pagod na ko, kailangan ko nang magpahinga", sinabi ko sakanya
"Bati ba tayo?", mejo nanginginig yung boses ni Nathan
Aww.. wag kang ganyan Blu, feeling ko ang sama sama kong tao para paiyakin ka >.<
Mejo naiilang ako sakanya dahil sa mga sinabi niya sakin pero isinantabi ko muna yun. Lumapit ako sakanya tapos niyakap ko siya, "Oo naman, napagod lang ako sa biyahe, pahinga muna ko ha", malambing kong sinabi sakanya
Ngumiti si Nathan, "O sige, bye Blu", bumitaw si Nathan sa pagkakayakap sakin tapos hinalikan niya ko sa noo.
Omaygash! (O///O)
Napansin ata ni Nathan na nagblush ako, kasi ngumiti siya sakin tsaka siya naglakad papalabas ng bahay.
OMAYGASH! BA'T KASI KAILANGAN MAY KISS PA SA NOO EH! HINDI KO ALAM KUNG KIKILIGIN BA AKO O HINDI! (O///O)
O SIGE CANDICE, IKAW NA, IKAW NANG MALANDI >.< MAKATULOG NA NGA!
---
*knock* *knock*
"Hmm.." reklamo ko kasi nagising ako dahil sa kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
*knock* *knock*
"Bakit?!", sigaw ko sa kumakatok. Ayoko pang bumangon sa kama, sarap sarap matulog eh.
"Miss Candice ready na po yung lunch niyo", sigaw ni ate Lyn sa labas
"Lunch? aga aga pa eh!", sigaw ko mula sa kama
"11:30 na po"
Napamulat ako sabay tingin sa wall clock ko, shocks 11:30 na nga, lagpas 8 hours tulog ko!
"Liligo po muna ako bago bumaba!", sigaw ko
"Sige po miss", naglakad na palayo ng kwarto ko si ate Lyn.
Aish! Kakatamad bumangon -.-
Chineck ko muna yung phone ko bago ako tumayo, nagtext si Nathan
Wanna go ice skating later?
Napakunot yung noo ko sa text niya,
You know I don't skate - reply ko sa text ni Blu
Pagkareply ko sa text tumayo na ako at nagshower, toothbrush, blower, suklay at lotion. Bago ako bumaba chineck ko ulit yung phone ko baka may reply na si Nathan,
I just thought maybe you wanna learn na how to skate :)
I'll think about it :D - reply ko sakanya tsaka ako bumaba para kumain.
Paglabas ko ng kwarto napatigil ako sa nakita ko, Bakit may petals ng rose sa labas ng kwarto ko?
Nakaform yung petals na parang red carpet, sinundan ko kung san papunta yung petals, mula sa kwarto ko, sa hagdan, tapos sa sala hanggang sa makarating ako sa pintuan namin palabas ng bahay. Pagbukas ko ng pinto may isang lalaking may hawak ng isang malaking bouquet ng pink roses, may hawak rin siyang basket na may takip, so hindi ko alam kung ano yung laman nun.
"Uhm?", yun lang yung nabanggit ko dahil sa mixed emotions na nararamdaman ko. Gutom, curious, suprised ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kasi makita yung mukha nung lalaki eh, natatakpan kasi nung bouquet yung mukha niya hihi
"Hi..", sabi nung lalaki tapos inabot na niya sakin yung bouquet.
Nanlaki yung mga mata ko.. (O///O)
---
Waa! Sorry sorry po kung super late yung naging update ko >.<
Thank you po sa pangungulit sakin napilitan akong magupdate kahit mejo busy hahaha
Tsaka thank you din po sa votes and comments! :)