After party

558 6 0
                                    

*Candice's pov*

"You came!" bati sakin ni Sam pagbukas nya ng pinto ng bahay nila, sabay beso beso.

"Minsan lang naman eh." ngumiti ako sakanya.

"Hi mira!" bati ni Sam kay mira tapos nagbeso beso din sila.

"Hello!" bati ni Mira

"Come in, come in." aya ni Sam. "Nasa living room sila Nate, diretso lang kayo dun sa hallway then left, i'll just get more drinks and snacks." dagdag nya.

"Thanks" sagot ni mira, tapos nagpunta na kami sa living room.

Pagpunta namin sa living room yung mga babae nakaupo ng pabilog sa floor, tapos may bote ng tanduay ice na umiikot sa sahig. Yung mga lalaki nakatayo sa gilid ng mga babae habang nakatingin sa umiikot na bote. Hinila agad ako ni Mira sa grupo ng mga babae at pinilit na maupo ako para daw kasali kami sa truth or dare.

Mabilis pa yung takbo ng bote nung dumating kami sa room kaya nakaabot kami sa pagbagal ng ikot ng bote.

"Royal, sure ka bang truth or dare to?" bulong ko kay Mira

"Truth or dare lang naman ang laro sa spin the bottle di ba?" sagot ni Mira.

Bumagal ng bumagal yung ikot ng bote at tumigil sa...

...sa harap ko (o.O)

"...err..Truth?" sinabi ko nung tumingin silang lahat sakin.

"Anong truth?", tanong ng isa sa babaeng nakaupo, pamilyar yung mukha nya pero hindi ko matandaan yung name, higher year sya.

"Hindi ba truth or dare to?" tanong ko dun sa babae.

"Kiss spin to dear." sagot ng isang babae sa kaliwa ko.

"Anong kiss spin?" tanong ko sakanila.

"Uupo yung mga babae ng pabilog tapos lalaki yung magspin ng bottle, kung kanino tatapat yung bottle, sya yung hahalikan nung lalaki na ngspin nung bottle."

"H-hahalikan?...Ako?" parang ayaw gumana ng utak ko dahil sa mga narinig ko.

"Since ikaw yung tinapatan, ikaw yung hahalikan.", ngumiti yung babae.

"Teka, hindi pwede yun. Ayoko." tumayo ako pero pinigilan ako nung nasa kaliwa kong babae.

"Umupo ka dito eh, walang ayawan." sinabi nya.

"Eh akala ko truth or dare eh" depensa ko.

"Sana nagtanong ka muna bago ka naupo di ba?" sagot nya.

Natawa si Mira sa sagutan namin nung babae, tinignan ko sya ng masama.

"Pwedeng pass muna? wala pakong first kiss eh, please?" pagmamakaawa ko sa grupo. Wala pa akong balak magkafirst kiss no!

"Oh wala pa?! Eh di dapat ngang halikan ka na ngayon!" sagot ng isang babae. Mga sampu kasi kaming babae dun aa bilog.

"Hindi pa ngayon ang right time." sagot ko sakanila

"Pano kung ngayon na pala yung right time?" ,biglang nagsalita si Sam mula sa likod.

Hindi ko alam ang isasagot ko.

Pano nga kaya kung ngayon na yung right time?

Kung gwapo ung hahalik sakin, sige, ngayon nga yung right time ;)

"Ano, payag ka na ba?" tanong sakin ni Sam.

"S-sino yung nagspin ng bottle?" tanong ko sa mga lalaki.

Please maging gwapo ka, please maging gwapo ka.

"Ako." sabi ng pamilyar na boses, natatakpan sya ng mga lalaking nakatayo, parang nakaupo sya sa couch eh.

Pagtayo nung nagsalita...

"B-blu?"

Seryoso yung tingin sakin ni Blu, parang kinakabahan sya. Tumingin ako kay Sam, baka sakaling alam nya na si Nathan yung nagspin, pero kahit sya halatang nagulat na si Nathan pala yung nagspin.

"Oh tama na ang titigan, kiss na!" sigaw ni Mira.

Tinulak ako ni Mira palapit kay Nathan.

"Swerte mo parin royal, sobrang gwapo ng first kiss mo, bestfriend mo pa! Atleast alam mong safe ka di ba?" bulong sakin ni Mira.

Safe nga ba na si Blu ang first kiss ko?

"KISS!!! KISS!!! KISS!!! KISS!!!" sigaw ng mga nasa party. Si Sam naman ay halata mong parang gusto nyang tumutol sa isinisigaw ng mga tao.

"Sorry Blu, hindi kita napigilan sa pagupo mo sa circle. Akala ko hindi tatapat sayo." mahinang sinabi sakin ni Nathan.

"Kinakabahan ako blu." sagot ko sakanya.

"Sorry blu." nagaalalang sinabi nya sakin.

"Sige tagalan nyo pa! Mamaya nyan baka mairecord ko pa yung kiss nyo tignan nyo! Excited na yung mga tao oh!" sigaw ng isa sa mga babae.

Tumingin ako kay Nathan, sobrang nakakatunaw yung tingin nya sakin infairness ha. Hinawakan nya yung pisngi ko, tapos unti unti syang lumapit sa mukha ko. Shocks hindi na ko makahinga! (O.O)

Nung halos one inch na lang yung pagitan namin, nilipat nya yung titig nya mula sa mata ko papunta sa mga labi ko. Unti unting bumuka yung labi nya. Hindi ko alam kung gano kabagal yung galaw nya pero feeling ko slow motion talaga yung nangyayari ngayon. Omo. (O///O)

Hindi ko keri ang eksena, pinikit ko na yung mga mata ko. Tsaka ko naramdaman yung pagdikit ng labi nya sa mga labi ko. Syete! Nanlalambot yung tuhod ko. Napakapit ako sa batok ni Nathan. Unti unti nyang ginalaw yung mga labi nya, hindi ko alam ang gagawin ko kaya sinundan ko nalang yung galaw nya. Slow and gentle, parang punung puno ng feelings yung kiss nya sakin. Parang ayoko nang matapos to.

Hinawakan ng isang kamay nya yung kabilang side ng pisngi ko, tsaka nya unti unting pinaghiwalay ang mga labi namin. Teka teka! KULANG PA!

Hindi ko mailipat sa iba yung tingin ko sakanya mula nung nagkiss kami. Nakatitig din sya sakin.

"Ah...M-mag cr lang ako." tumalikod ako kay Nathan.

"Blu..." hinawakan ni Nathan yung braso ko.

Yes blu? Kulang pa ba? bitin ka ba? ahihi ;)

tumingin ako kay Nathan.

Tumuro si Nathan sa opposite direction ng pupuntahan ko sana, "D-dun yung cr."

"A-ah ok" nalang ang nasabi ko tapos dumeretso na ako sa cr.

SI.NATHAN.ANG.FIRST.KISS.KO

---

----->Sam

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon