*Candice's pov*
Grr!!! Nasan na ba yung unggoy na yun?! 30 minutes na kong naghihintay ah!
Its been five days mula nung nagpromise ako kay Nathan. Mula nung nagpromise ako sakanya hindi ko na sya napigilang ihatid sundo ulit ako. Sa una naiilang talaga ako pero hindi ko pwedeng ipahalata. Pero ngayon mejo bumabalik na sa dati yung pagiging kumportable ko sakanya. Hindi ko na sya kinikiss sa cheeks tulad ng dati, siguro 'pag completely comfortable na ko, makikiss ko na ulit sya ng walang malisya.
Andito ako ngayon sa library ng school namin. Kinausap ako kanina ni Zach na kung pwede siyang magpatutor sakin after ng last class ko, so pumayag ako. Laking pasalamat ko nga eh, hanggang ngayon hindi nya ako tinetext. Atleast hindi nya inisip na kaya ko binigay number ko eh para makapagchikahan lang sakanya. 2pm ang usapan namin pero 2:30 na hindi parin sya nagpapakita.
Asan na ba yung bwisit na yon?!
Gustuhin ko man syang itext, hindi pwede, kasi wala akong number nya.
Napipikon na ko ha.
Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko para umalis na ng library ng biglang may humawak sa balikat ko.
"Oh aalis ka na? Hindi pa tayo nagsisimula ah?"
Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino yung nagsalita. Umupo ang unggoy sa tabi ko.
"Yun nga eh, hindi pa tayo nagsisimula pasaway ka na agad. Anung oras ang usapan natin? 2:00pm di ba? 2:30 na!" mahina pero nanggigigil kong sinabi sakanya.
"Relax! naglagay lang ako ng palugit, akala ko kasi late ka pa dadating, baka mamaya nyan makonsensya ka pa kasi pinaghintay mo ko di ba?" presko nitong sinabi.
"Hindi ako pinanganak para hintayin ka. Sa susunod na ma-late ka sa usapan bahala ka na sa buhay mo." seryoso kong sinagot
"Uy! 'to naman oh, chill lang, andito na ko oh."
"Tch. Magsimula na nga tayo."
Isang oras na ang nakalipas mula ng nagsimula kaming mag-aral. Nagsimula ako sa pageexplain ng meaning terms, tapos graphs naman ang tinuro ko. Pagtingin ko sa unggoy, busyng busy na pala sya sa pagbabalance ng ballpen sa labi, hindi na pala sya nakikinig!
"Hoy ano ba!" mahina kong sinabi sakanya.
Nagulat sya sa sinabi ko kaya nahulog nya yung ballpen nya.
"Nakikinig ka ba?" tanong ko sa mokong
"Oo naman!"
"Anong huli kong sinabi?"
"Kung nakikinig ba ko." pilosopong sagot ng unggoy.
"Hindi yun! Anong huli kong sinabi about sa tinuturo ko?"
"Err..hindi ko na matandaan eh" nagkamot sya ng ulo.
"Sabi ko na nga ba eh", naiinis na talaga ako. Inayos ko na ang mga gamit ko.
"Oh teka san ka pupunta?" hinawakan ng unggoy ang braso ko.
"Aalis na, sayang lang effort ko"
"Teka lang, nakikinig naman talaga ako kanina eh, kaso nung ginawa mo na yung graph ng supply and demand sa iba't ibang klaseng market eh nahilo na ko, nawala tuloy focus ko."
*sigh*
Naging mabilis nga siguro ako sa pagtuturo. Inilabas ko ulit yung mga gamit ko, "San ka ba dun nalilito?"
"Dun sa graph ng supply and demand sa iba't ibang klase ng market"
Nagsimula ulit akong ituro yung part na nalilito sya, this time mas mabagal na yung pagtuturo ko, tska bawat sinasabi ko tinitignan ko sya para malaman ko kung naiintindihan ba nya yung sinasabi ko.
"Woah! ganun lang pala yun! Akala ko mahirap ang economics? Ang dali lang naman pala eh!"
"So...gets na gets mo na ang eco?" tanong ko sakanya.
Natapos ko nang ituro sakanya ang mga chapters na tinuro mula first meeting hanggang midterm.
"Oo naman!" inayos na ni Zach ang mga gamit niya.
"Good. Next time makinig ka na ng maigi sa prof para hindi ka na malito, wag ka na ring umabsent." inayos ko na rin ang mga gamit ko.
Nag-unat ang mokong ng katawan. "Ahh! feeling ko memory full na ko!" tumayo sya at sumilip sa bintana.."gabi na pala." dagdag nya.
Yeah, 7pm na. Kaya kinuha ko ang phone ko sa bag at tinext si Nathan, Blu, pauwi na ko, masusundo mo ba ko ngayon?
Lumapit ulit sakin ang unggoy,"Hindi ka ba nagugutom? Kain tayo sa labas." ngumiti sya sakin, sabay kindat.
"Tch. You wish, tsaka na kapag nakita kong hindi nasayang ang effort kong turuan ka at naging mataas ang scores mo sa quiz", biro ko sa mokong
Ngumiti ng mas malawak ang unggoy, ngiting hanggang tenga. "Sinabi mo yan ha"
Napatigil ako sa sagot nya. Hindi ba halatang joke lang yung sinabi ko?
"T-teka, joke lang yung sinabi ko"
"Ooops! Anung joke ka jan? Sinabi mo na eh, walang bawian." ang ganda ng ngiti ng unggoy.
*Ding*
Nagtext si Blu, Malapit na ko sa school mo blu :)
Tumayo na ako sa upuan at naglakad palabas ng library.
"Oh san ka pupunta?" habol ng unggoy
"Uuwi na"
"Basta yung usapan natin ha, kapag ako naka-80 pataas sa quiz magde-date tayo ha", sinabayan ako ng unggoy maglakad.
"Hoy wala akong sinabing ganyan ha!"
"Sabi mo kapag naging mataas score ko sa quiz? Wala nang bawian" ang lapad ng ngiti ng mokong.
Tch. ba't ko ba kasi sinabi yun?
"Hmm..san kaya tayo pwede magdate?" humawak sya sa baba nya habang nagiisip.
"Hoy! hindi nga ako pumapayag sa sinabi mo eh!"
"Hoy wag ka ngang tokis, sinabi mo na eh"
"Joke lang kasi yun!"
"Wag ka nang tumakas, nasabi mo na eh" pangaasar ng unggoy.
Sasagot pa sana ako kaso nakita ko yung sasakyan ni Nathan na nakaparada na sa labas ng gate.
"Hay naku bahala ka" sagot ko kay Zach. Naglakad na ko palapit sa sasakyan ni Nathan.
Bago ako sumakay, tumingin ako sa unggoy. Hindi na kasi sya sumagot sa sinabi ko eh, pagtingin ko sakanya ang seryoso masyado ng itsura nya na parang naiinis sya.
Anong meron sa unggoy na yun? Kanina lang ang nangaasar sya tapos ngayon nakasimangot na? Bipolar lang ganun?
Sumakay na ko ng sasakyan.
"Hi blu!" bati ko kay Nathan.
Nakatingin si Nathan kay Zach, "Sino yung kasama mo na yun?" tanong ni Nathan.
"Yan yung ka-prank kong siraulo, bumagsak sa economics kaya nagpatutor sakin. Tara na blu"
Tinitigan pa ng konti ni Nathan si Zach ng ilang segundo bago nya inandar yung sasakyan. Si Zach naman hindi gumagalaw sa pwesto nya, masama rin ang tingin sa sasakyan namin.
Anong meron?? (0.0)
---
Kbye. Malapit na po silang magkita! ^_^