First Encounter

228 9 6
                                    

*Zach's pov*

"Bastos!", hinampas ako ni Pooh sa balikat

"Hahahahahahaha! Bakit? Totoo naman ah? Nabasa ka dahil sakin", kinindatan ko siya sabay hawak sa bewang niya.

"T-tse!", sagot ni Pooh, kasabay ng pamumula ng mukha niya.

Hah! Ang cute talaga ng Pooh ko ^_^

I know, I know, 'Cute na maldita' ang tawag ko dati kay Candice, pero yun yung mga panahon na sobrang naiinis pa ako sakanya kasi ang maldita niya. Pero ngayon Pooh na, 'cause i know someday, she'll be my Pooh, and i'll be her honey huehuehue, ang korni! ( ̄︶ ̄)

"Oh? Ba't nagbblush ka?", tanong ko sakanya.

Hindi siya sumagot sa tanong ko.

Hinawakan ko palang bewang mo hindi ka ma agad makapagsalita? Iba talaga kamandag ko ( ̄︶ ̄)

Akala ko hahampasin niya ulit ako sa braso pero hinde! Inilapit niya yung mukha niya sakin, sh*t!

Nagulat ako sa ginawa niya, Keep your cool man, ang dami daming gumagawa niyan sayo pero bakit ngayon hindi ka makagalaw?

"Oh? ba't umurong ka?", tanong ni Pooh

Okay deep breaths, 1..2..3..

Nagsmirk ako kay Pooh, Kala mo ha, tignan natin kung anung magiging reaksyon mo dito..

Dahan dahan kong inilapit yung mukha ko sa mukha niya then hinawakan ko yung magkabilang cheeks niya, tinitigan ko siya sa mata, tapos sa lips niya, tapos sa mata ulit.

Hindi ako tumigil sa paglapit sa mukha niya hanggang sa maging halos half inch nalang yung pagitan ng ilong namin. Nagblush lalo si Pooh, Hah! Sabi ko na nga ba eh!

Uurong na sana ko pero bigla ulit akong napatingin sa mga labi niya. Napakagat ako sa labi ko, natetempt akong halikan siya.

Nope, hindi to pwede.

Tumingin ako sa mga mata ni Candice para mapunta sa iba yung attention ko. Pero nakapikit siya.

Wait, hinihintay niyang halikan ko siya di ba? So....okay lang? Okay lang sakanya?

Lumapit pa ako ng konti sakanya, hahalikan ko ba siya? Anu bang nangyayari sakin? Ang dali dali lang humalik eh! Eto na yun oh! Nag-go signal na siya, ba't di mo pa gawin?!

Ano bang nangyayari sakin?!

"Blu?", may nagsalitang lalaki sa may likuran ko.

Kumunot yung noo ni Pooh sa narinig niya.

"Blu!", sigaw ulit nung lalaki

Unti unti nagmulat ng mata si Candice, hindi parin ako gumagalaw mula sa pwesto namin kanina, pero lumayo si Candice sakin para tignan kung sino yung kumag na sumira ng moment namin -.-

Nanlaki yung mga mata ni Candice sabay layo sakin, "Blu!", sigaw niya

"Uhh..ibabalik ko na yung hard drive na hiniram ko sayo", sabi nung lalaki

Umikot ako para humarap dun sa kausap ni Candice. Eto pala yung Blu -.- teka, sila ba?

Nagpunta si Candice sa pool side para umahon na sa pool, tapos lumapit siya dun sa lecheng blu -.-

Mahina yung usapan nila kaya hindi ko narinig, pero nakayuko lang si Candice habang naguusap sila. Mya mya tumingin ng masama sakin yung kumag na blu, nilabanan ko siya ng tingin. Kala mo kung sino ka ah.

Mya mya humarap na sakin si Candice tapos ngumiti siya, "ahon ka na Zach, bigyan kita ng towel", tapos naglakad na siya papasok ng bahay nila. Sumunod naman yung Blu.

"She's not like any other girl you know", sinabi sakin nung blu pagkarating ko sa loob ng bahay

"I know", sagot ko

"Are you sure? 'cause if you do, you'll respect her"

"That's what i'm doing right now", sagot ko sa kumag. Nagsisimula nang maginit ang ulo ko sa taong to.

"Talaga? Eh ano pala yung nakita ko kanina?"

"Tch", lang ang sinagot ko. Ayokong gumawa ng gulo, not here.

"Stay away from her"

"Why should I?"

"She's too precious for a guy like you"

"Oh really?", i closed my fist, "and who are you to judge me huh? you don't even know me" dagdag ko. Magtiis ka lang Zach, hindi ka pwedeng gumawa ng gulo dito.

"Oh yes I know you Zachary Anderson, you're a playboy who doesn't know anything but to break women's hearts. You play nice guy to them at first but when you get what you want with them you just leave them!", tumaas ang boses nung blu, "Tell me, kelan mo balak gawin yung 'gusto mong gawin' kay Candice ha?!", dagdag niya.

"G*go ka ah! Anung-", naputol yung sasabihin ko nung nakita kong nasa hagdan na si Candice

"Eto na yung towel mo Zach, pasensya kung natagalan, nagpalit pa kasi ako eh", inabot ni Candice sakin yung towel

"Salamat"

"Anong meron?", tanong ni Candice

"Ha?"

"Parang ang seryoso niyong dalawa? Ay!  Di ko pa pala kayo napapakilala, Nathan si Zach, Zach si Nathan. Bestfriend ko since childhood si Nathan, kaklase ko naman si Zach", sabi ni Candice saming dalawa ni Nathan

Kung makapagsalita akala mo kung sino, nafriendzone lang naman pala (--,)

"Nice meeting you pare", sinabi ni Nathan

"Likewise...'PARE'", inemphasize ko talaga yung word na yun. Kanina kung makapagsalita siya kala mo kilalang kilala niya ko, tapos ngayon nice meeting you? Pare pa ha! -.-

"Ay blu! kakain kami ni Zach sa labas ngayon, gusto mo sumama?", tanong ni Candice kay Nathan

"Ha? Ehh...", nagiisip pa ng sasabihin si Nathan pero pinutol ko na yung sasabihin niya

"Next time na lang siguro, basa na rin ako eh, hindi ako makakakain sa labas ng ganito", ngumiti ako kay Candice. Okay lang naman sakin na kumain ng basa ang damit basta kasama ko si Candice. Pero kung pati si Nathan makakasama ko, wag na lang uy!

"Ay oo nga pala no, pasensya Zach ha"

"Okay lang, uhm..alis na ko, para makapagpalit na rin ng damit"

"O sige, ingat ka pauwi ha"

"Oo naman! Gusto pa kita makita eh", banat ko kay Candice sabay kindat.

Natawa si Candice, pero si Nathan halatang halata na nainis sa ginawa ko. Heh, maganda palang asarin tong kumag na to eh --,

"O sige na, bye Zach!", nagwave sakin ng goodbye si Candice.

"Don't say goodbye, magkikita pa naman tayo eh", kinindatan ko siya ulit, "Sunduin kita papuntang school sa monday ha", sabi ko kay Candice

"Ha?Eh..Uh..bahala na, sige ingat ka!", sagot ni Candice tsaka ako umalis sa bahay nila.

---

early but short update hihi ☺

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon