Call of Duty

696 6 0
                                    

*Candice's pov*

3rd day ko na sa school pero si Chloe palang ang nagiging kaibigan ko, napakafriendly ko talaga. (-.-) After lunch break nagpalit nako ng PE uniform kaso sa sobrang dami ng tao sa cr, nagtagal tuloy ako, tapos dumeretso sa gym kasi may PE kami.

"Nakahanap na ba ng partner ang lahat?" sabi ni Ms Servantes, PE teacher namin.

"Anong nangyayari?" (o.o) tanong ko kay Chloe

"Ay te, sabi kasi ni mam magpartner partner daw, babae sa lalaki, kasi tuturuan daw ng sayaw, ayan kasi pa-late late, haha"

"Ang dami kayang tao sa cr!" bulong ko kay Chloe.

"Mam!" tinaas ko kamay ko, "wala pa po akong partner."

"Ganun ba, sino pa ba sa inyong mga lalaki ang wala pang partner?" tanong ng prof.

"ME!" sigaw ng lalaki sa pintuan ng gym, halata mong late sya kasi papasok palang eh.

"Oh ayan may partner ka na", ngumiti sakin si mam.

"Hi" bati sakin nung lalaki habang nakangiti.

Okay sige, ikaw nang gwapo, tama na pagsmile at baka mahulog panty ko (^_^)

"Hello" ngumiti naman ako.

"i'm Alex nga pala, and you are?"

"Candice"

Habang nagtuturo ng swing ang prof, nagkkwentuhan kami ni Alex about sa mga bagay bagay, ang galing nya sumayaw in fairness. Ang galing nya pati magpatawa kaya naging close kami agad.

"So ano, kelan ka pupunta sa bahay para makaglaro tayo ng Call of Duty?Tignan natin yang galing mo." hamon ni Alex habang nagaayos na kami ng gamit dahil tapos na yung subject.

"Mamaya pwede ako, basta wag kang iiyak kapag natalo ka ha." pagmamayabang ko.

"hahahaha! ang angas mo talaga! akin na number mo, para mamaya magkita nalang tayo sa parking lot."

Pagkatapos kong ibigay ang number ko kay Alex, lumapit na ko kay Chloe na kakaiba ang ngiti sakin.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Ikaw ha! Umaaura ka!"

"hoy hindi ah! assumera ka!"

"suuuuuuuuuuuuuuus!"

"hahaha tara na nga sa cr para makapagpalit na tayo ng damit."

"Change topic? K." nakangiti si Chloe

Pagkatapos ng huling klase ko naglakad na ako papunta sa parking lot dahil dun ang usapan namin ni Alex. At dahil ang tagal nya, tinext ko muna si Nathan

Wag mo na ko sunduin Blu, may gagawin pa ko, uwi na lang ako magisa, bye!

Pagkasend na pagkasend ko ng message, may umakbay sakin,

"Tara na!" si Alex pala.

"Kala ko naduwag ka na at wala nang balak pa magpakita eh."

"haha! ASA!"

Dumeretso na kami sa bahay nya at pinagmeryenda muna ng mama nya, ambait din ng mama nya, as in, tapos kamukha nya, parang babaeng version ni Alex haha!

"Oh ano ready ka na matalo?" tanong ni Alex sakin.

"Baka ikaw." pagmamayabang ko.

"Walang dayaan ha"

"Hindi ako nandadaya para manalo no!"

Binuksan na ni Alex ang dalawa nyang computer at nagsimula na kami maglaro, sa mga unang minuto napatay nya ko ng 3 beses at ako isang beses ko palang sya napapatay. Pero syempre dahil magaling ako nakahabol ako agad. Minsan dumadapa lang ako at hinihintay ko na mapadaan sya sakin para hindi nya ko mapansin at mabaril ko agad sya, sinasabi nya pandaraya daw yun eh hindi naman! HAHA. Tig 5 points na kami ngayon at 30 seconds na lang matatapos na ang game, tumakbo na kami sa isa't isa at nilabas ang kutsilyo para syempre may thrill, hindi lang puro baril, haha. 15 seconds na lang at parehas na 50% ang buhay namin, hindi na kami kumukurap, wala ng nagsasalita, pigil na yung paghinga ko ng biglang...

"AHH!!!!!" sumigaw kaming dalawa.

NAMATAY YUNG MGA COMPUTER!!!

"Kanina pa ko nagsasalita dito hindi nyo ko pinapansin!" nagulat ako ng makita ko si Zach.

"What the hell man!" angal ni Alex.

"Hindi mo ba kayang maghintay hanggang sa matapos ang laro? 15 seconds nalang!" sigaw ko.

Sa totoo lang, di ko napansin na may dumating palang tao, siguro kasi tutok na tutok kami, hehe.

"Tara na Alex may pupuntahan pa tayo. At ikaw Candice, nagpunta ka dito para lang maglaro? umuwi ka na." sabi Zach.

"Pano mo ba naging kaibigan tong bwisit na to?!" naiinis na tanong ko kay Alex.

"Ewan ko nga ba, pero magbest friends daw kami sabi nya eh."

"Magbest friends daw ka jan!" binato ni Zach si Alex ng unan sa mukha.

"Kainis!" sinipa ko yung upuan. "Mananalo na ko eh! Pfft."

"Ako kaya! di bale, next time ilock na natin ang pinto para walang ISTORBO." inemphasize ni Alex ang word at tumingin kay Zach.

"Hahahaha!!! Tara na!" aya ni Zach.

"Tch." naiinis talaga ko. Kahit kailan bwisit tong lalaking to e, ang sarap punitin ng mukha!

Lumabas na ko ng bahay nila Alex at hinatid nila ko sa taxi stand. Pagsakay ko sa taxi dun ko lang naalala na may cellphone nga pala ako, oh my! 20 missed calls, ang OA mo lang Blu! Nagsend nalang ako ng message:

ako: bakit blu?

nathan: san ka nagpunta? nakita ko si Chloe sabi nya hindi ka daw nya kasama, sya lang naman ang kaibigan mo ah?

ako: relak relak din! nagpunta ko kina alex, new friend, naglaro kami ng COD hehe :)

nathan: nakuu! hinanap ka kaya sakin ng mama mo! sabi ko nasa mall ka kasama friend mo. lagot ka dun kapag nalaman nyan nagpunta ka sa bahay ng lalaki.

ako: wala naman kaming ginawang masama ah? pauwi narin naman ako, salamat sa pagtakip sakin! mwah! :*

nathan: ge, ingat.

---

Alex ----->

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon