Meet the parent

621 9 0
                                    

*Candice pov*

it took one week para maibigay sakin ni Zach ang mga notebooks ko na may sulat.

Infairness, bawat notebook ko iba't iba yung handwriting, halatang sulat ng babae, ang ganda eh. Sinu-sino kaya yung mga nauto nyang magsulat sa notebook ko? kawawa naman. After ng pagsugod ko sakanya, natigil na yung gantihan namin, at hindi narin kami nagpapansinan. Nakwento ko narin kay Chloe yung puno't dulo ng away namin ni Zach.

"Te ba't parang ang boring ng buhay?" sabi ko kay Chloe habang kumakain kami ng beef caldereta, chopseuy, kanin at graham cake (lamon pala ginagawa namin hindi kain hahaha) sa cafeteria.

"Eh wala nang nangiinis sayo eh" nakangiti sakin si Chloe, ngiting nangaasar, ganito oh---> (^~^)

"Di rin."

"Suuuuuus! Ayaw pang umamin na namimiss nya awayan nila ni Zach! Aminin mo nga sakin, crush mo ba sya ha?" (^~^)

"Hindi ah! oo gwapo sya, pero ayoko sa ugali nya! Sama sama ng budhi." (-_-)

"Eh namimiss mo nga diba? ibig sabihin crush mo...yiii...crush nya, crush nya!" sinisiko ni Chloe yung tagiliran ko para asarin ako lalo.

"Tigilan mo nga ko. Wala naman akong sinasabi na miss ko sya ah? Buti nga walang epal sa buhay ko eh."

"Deniaaaaaaaaal" (^~^)

"No i'm not"

"Yes you are" (^~^)

"Hindi sabi eh."

"Umamin ka na kasi te."

Sa inis ko, itinaas ko yung tinidor ko na may beef para takutin si Chloe na ihahagis ko yun sa mukha nya kapag hindi sya tumigil nang may biglang kumagat sa beef na nasa tinidor ko mula sa likod.

"Hmm...masarap pala yan no? Sana yan nalang inorder ko."

Pagtingin ko sa likod...leche may unggoy.

Magrereklamo na sana ako sakanya kasi kinain nya ung food ko ng bigla syang tumabi sakin at kinuha ung plato, kutsara at tinidor ko.

"Hmm..ang sarap talaga.." kumuha pa sya ng isa pang chunk ng beef tapos sumubo ng kanin.

"Wow ha, sayo yan? sayo yan? bumili ka kaya ng sarili mong pagkain no?" kinuha ko ung pagkain ko.

"Okay na, busog nako." tumayo si Zach at kumaway sakin, "Salamat" sabay kindat.

"Tch..bwisit"

"Ayyyyyy! ginamit nya ung kutsara't tinidor mo oh! para narin kayong naglips to lips!!!! Tapos kinindatan ka pa nya!!!!" sigaw ni Chloe.

"Ang lakas ng boses mo." bulong ko kay Chloe. pagtingin ko sa paligid ko, lahat sila nakatingin samin, ikaw ba naman biglang lapitan ni Zach di ba?

"Wag ka nga!! kinikilig ako eh! yii!!! oh pano na yan? eh di hindi na boring araw mo? yiiiii!" (^~^)

"Ewan ko sayo. Kumain ka na nga lang jan, gumagawa ka pa ng eksena eh."

Natapos na ang last subject kaya nagempake agad ako at naglakad palabas ng school.

Blu, out ko na. -text ko kay Nathan

Nathan- Sorry blu, may kailangan akong gawin na project ngayon eh, hindi kita masusundo, sorry talaga.

ako- Ah ganun ba, oks lang, ge ingat paguwi mya! :)

Nathan- Pasensya blu, ingat paguwi.

Tinago ko na phone ko, magtataxi pala ako ngayon.

*beep beep* may bumusinang blue na porsche sa gilid ko. Kilala ko tong sasakyan na to ah?

"San ka punta?" tanong ni Zach

"Pauwi."

"Sakto pauwi na rin ako! Hatid na kita."

"Malayo bahay ko." diretso parin ako sa paglalakad.

"Okay lang."

"Malayo nga eh."

"Minsan lang ako magiging mabait oh."

Napatigil ako sa sinabi nya, ngayon nga lang sya gagawa ng mabuti sakin. Hmmm.. mapagbigyan na nga! Sumakay ako ng sa kotse nya.

"Sa daanghari ako, sa cavite." sabi ko sakanya.

"Malapit lang pala samin eh! Sa ayala alabang lang ako." ngumiti sya "Gusto mo kain muna tayo sa expressway mamaya? meryenda lang." dagdag pa nya.

"Inaaya mo ko makipagdate?" tanong ko sakanya.

"D-date? H-hindi ah, gutom na kasi ako."

"ah okay"

Tahimik ang naging byahe namin, sa sobrang tahimik nakatulog na pala ako.

"Gising na hoy."

Tinatapik ng katabi ko yung braso ko. Nagmulat ako konti. "Mamaya na blu, antok pa ko eh.

"Sino si blu?"

Napamulat ako sa narinig ko. Pagtingin ko sa paligid ko, ay shoot! si Zach nga pala yung kasama ko! Sorry naman, sanay akong si Blu naghahatid sakin eh.

"Ha? wala. Asan na tayo?" tanong ko kay Zach.

"Malapit na sa daanghari."

"Akala ko ba kakain tayo sa expressway?"

"Eh natutulog ka eh, ayoko namang gisingin ka para lang sa meryenda. Oh andito na tayo sa daanghari, san ka dito?"

"Sa Napoli subd."

Pagpasok namin sa subdivision, itinuro ko sakanya yung daan papunta sa bahay ko.

"Dito na yung bahay ko." sabi ko sakanya.

"Ang ganda ha"

"Salamat. Tutal gutom ka naman, gusto mong kumain muna bago ka umuwi?" alok ko.

"Sure!"

"Pumarada si Zach sa tapat ng bahay tapos tsaka kami pumasok.

"Mommy! may bisita po ako!" sigaw ko pagpasok ng bahay.

Bumaba ang aking mudra mula sa taas. Nung nakita nyang may kasama akong lalaki, napatigil sya sa hagdanan.

"Si Zach po, classmate ko."

Ngumiti ng kakaiba si mudrabels at dumeretso ulit sa pagbaba sa hagdan.

"Hi iho, i'm Victoria, just call me tita okay?" nakipagkamay si mommy kay Zach.

"Nice to meet you po tita." nakipagkamay din si Zach kay mommy.

"Inihatid nya ko my('mi' ang pronounciation ha) may gagawin daw kasing project si Blu."

"Ay ganun ba, thank you Zach ha."

"Wala pong anuman tita."

"Kakain lang kami meryenda my, ano pagkain?"

"May apple pie at spaghetti sa kitchen, but first, magpalit ka muna anak, ako muna bahala sa bisita mo."

"Sarap naman! Okay!"

"Take your time ha" dagdag ni mommy.

"Opo."

umakyat na ko ng hagdan.

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon