Who's he?

557 7 0
                                    

*Zach's pov*

"Lyn, pakihain naman yung pie at spaghetti sa dining table please, for two." utos ni tita Victoria sa isang maid.

Humarap si tita sakin at ngumiti ulit. Nawiweirdan nako, kanina pa sya ngiti ng ngiti sakin, hindi kaya type nya ko? Pati matanda tinatalaban ng charm ko ganun?

"Upo muna tayo sa sofa iho."

Pagkaupo namin, limang minuto na pero nakatitig lang at nakangiti si tita sakin. Ang weird na talaga ha!

"So, close ba kayo ni Candice?"

"Ah, hindi po masyado."

"Kamusta sya sa school?"

"Okay naman po, active sya sa klase, tska mataas grades nya sa quizzes."

Tumango tango si tita, "Alam mo ba iho, ikaw ang unang lalaki na dinala dito ng anak ko." ngumiti ulit si tita.

"A-ako ho?"

"Syempre bukod kay Blu."

Sino ba yang blu na yan?! kanina ko pa naririnig yan eh! >.<

"Sino pong Blu?"

Sasagutin na sana ni tita yung tanong ko ng biglang bumaba si Candice.

"Anong pinaguusapan nyo?" nakakunot ang noo nya.

"Ah wala anak, tinanong ko lang kung kamusta performance mo sa school" ngumiti si tita.

"Ganun" tumingin sakin si Candice, "kain na tayo, gutom nako eh."

"Sige, tita sama po kayo."

"Hindi na, ayokong makagambala" ngumiti si tita at umakyat na ulit sa taas.

"Hoy tara na! akala ko ba gutom ka?" nakapamewang na ang magandang impakta.

"Oo na"

Habang kumakain kami, hindi ko mapigilang isipin kung sino si Blu. Boyfriend nya kaya yun? Tumingin ako sa impakta, busyng busy sa pagkain, gutom nga talaga sya, haha!

"Ba't ka tumatawa jan?" tanong nya.

"Tutok na tutok ka sa pagkain mo eh, hehe"

"Ang sarap kaya!"

"Hindi ka ba nagdadiet? Ang dami mong kumain kahit sa cafeteria eh, tataba ka nyan sige ka."

"Hoy, ang tagal ko nang lumalamon pero ganito parin ang katawan ko no, tsaka ba't ako papagutom? Kung hindi ako magugustuhan ng lalaki dahil sa katawan ko eh bahala sya, di sya kawalan."

Natawa lang ako.

"Mataba ba ko?" tanong nya bigla

"HAHAHAHAHAHA! Akala ko ba wala kang pakialam? HAHAHAHA!"

"Natanong ko lang!"

"Oo mataba ka, ang sagwa!"

"Tch" sumimangot sya.

"Joke lang, payat ka kaya, kaya nga nagulat ako na ganyan ka kumain eh, para kang nagdadiet sa itsura ng katawan mo, naks!"

"Di nga?"

"Oo nga"

Ngumiti na sya ulit. Hindi ko alam pero ang sarap nyang asarin. Ambilis nya kasing mapikon eh haha!

Nagpaalam na ko at umuwi pagkatapos kong kumain. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nagdadrive. Baliw lang? Ewan! Basta napapangiti ako.

---

Kinabukasan, gumising ako ng mas maaga kesa sa usual na gising ko. Ewan ko, parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon. Naisip kong sunduin si Candice sakanila para sabay na kaming pumasok.

"Ba't ka ngingiti ngiti jan?" tanong ni Zeri, 12 year old sister ko na kung magsalita, parang matanda.

"Wala, pakelam mo?"

"Para kang ewan na nakangisi habang kumakain eh."

"Walang pakelamanan ng trip!"

Tumayo na ko at sumakay na sa kotse. Hindi na ko nagpaalam sa mga magulang ko, wala sila eh, nasa Italy. Lagi silang wala, kaya siguro naging ganun yung kapatid ko, walang tabas ang dila kung magsalita.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nila Candice nakita ko syang sumakay sa puting BMW. Hindi ko makita kung sino yung nasa loob pero aninag ko na lalaki, hindi naman kasi ganun kakapal yung tint ng sasakyan nya.

Sinundan ko sila habang papasok ako. Dun din naman ang punta ng kotse eh kasi malamang ihahatid nun si Candice. Hindi kaya driver lang yun? Kung driver yun, bakit hindi sya sinundo kahapon?

Pagdating namin sa school, hindi agad bumaba si Candice sa kotse, may mga sinabi pa sya dun sa lalaki tapos....humalik sya sa cheeks?! Hindi kaya eto yung Blu?!

Nawala ako sa mood, pagpark ko sa sasakyan eh nakita kong naglalakad si Thalia palapit sakin. Si Thalia ang pinskahot na babae sa school, malaking boobs, maliit na waist, tapos bilog na bilog yung pwet, ssssaaaaarrrrraaaaappppp!!!

"Hi hottie." hinalikan nya ko sa labi.

"Not now Thalia"

"Maaga pa naman eh, hindi ka malelate sa klase promise." idinikit nya yung braso ko sa dibdib nya.

"Wala ako sa mood"

"Hmm..wag ka magalala, paiinitin kita, tara sa locker room" bumulong sakin si Thalia

"I said not now!"

"Okay okay! Hmp!" nagdadabog sya habang naglakad palayo.

"Bitch."

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon