Surprise

138 4 1
                                    

*Candice's pov*

"Z-zach?!", halos walang boses na sinabi ko. Hindi ako makapagsalita, nag-loading yung utak ko, hindi ko kayang iprocess kung ano man ang nangyayari ngayon.

Hindi siya nagsalita, nginitian nya lang ako. Yung ngiting simple lang pero ang lakas ng dating! Tapos nakatitig lang siya sakin na parang nagssparkle yung mga mata niya habang tinititigan niya ko.

Oh my gosh Zach wag kang ganyan! Natutunaw ako! (O///O)

Mga 5 minutes yata kaming nakatayo lang na parang statue sa may pintuan. Wala akong masabi dahil sa gulat ko. Ang bongga naman kasi di ba?!

"Arf!"

Napatingin ako sa basket na dala ni Zach, parang dun nanggaling yung tahol eh. Si Zach din napatingin dun sa basket, pero bago niya buksan yung basket, inabot niya muna sakin yung flowers.

"I hope you'll like this", sabi ni Zach sabay bukas niya ng basket.

Waaa! yorkshire terrier! ♡

"So...what do you think?", tanong sakin ni Zach, nakangiti parin siya.

"I...I don't like it"

Biglang nawala yung mga ngiti ni Zach sa labi.

"I love it!", sigaw ko sakanya

Napaexhale ng malakas si Zach tapos natawa siya, "Akala ko hindi mo nagustuhan, buti nalang", ngumiti siya ulit sakin.

"He will serve as our baby. So, anong gusto mong ipangalan sa kanya?", tanong sakin ni Zach

"A-ahh..kahit ano, ikaw? ano bang gusto mo?"

"You don't wanna know kung ano ang gusto kong ipangalan sakanya", natatawang sinabi ni Zach

"Ano ba gusto mong ipangalan sakanya?"

"Blu", ngumiti si Zach

Waa! Pangasar to! Yung tawagan talaga namin ni Blu?

"Hindi nga??"

"Hahaha! Sige na nga! Nathan na lang", sagot ni Zach

"Baliw ka no!", hinampas ko si Zach sa braso.

"Hahaha! kaya nga ikaw na lang magisip ng pangalan"

"Sige na nga! Hmm..okay na ba yung Frankie?"

Tumingin si Zach dun sa puppy, "Hmm..is Frankie okay with you?"

"Kausapin ba yung aso?", natatawang sinabi ko kay Zach

"Tinatanong ko lang, para kasing mas magandang pangalan yung Nathan eh, pero okay lang, your choice", nakangiting sinabi ni Zach

"Baliw ka talaga", natatawang sinabi ko sa kanya.

Pero teka teka, ano nga bang meron? ba't ginawa ni Zach to? Flowers? Puppy? Bakit??

Napaseryoso ako bigla sa naisip ko.

"Haha! alam mo, hindi ko alam kung natuwa ka talaga sa surprise ko sayo, hindi maipinta yung mukha mo eh. Gusto mo try natin maupo sa sofa niyo? Mejo ngalay narin kasi akong tumayo", sabi ni Zach

"A-ah, o sige"

Pagkaupo namin ni Zach biglang nagbago yung expression ng mukha niya, "Hey, are you sure nagustuhan mo yung ginawa ko? I'm starting to think na you're just being kind kaya mo sinabi yun"

"H-ha? nagustuhan ko siya! I just..", sagot ko kay Zach

"You just what?"

"I just don't know why you're doing this"

"Isn't it obvious?", tanong ni Zach

Tumitig lang ako sakanya.

Nagbuntong hininga si Zach tapos pinatong niya muna yung basket na may puppy sa sofa at hinawakan niya yung dalawang kamay ko. Mejo malamig nga yung kamay niya eh, "I...", sinabi ni Zach sabay buntong hininga ulit, "I don't know why i'm having a hard time saying this to you", natawa si Zach sa sinabi niya.

Tumingin siya sa mga mata ko, "The first time I saw you at school I thought you look pretty, that's why maybe I intentionally bumped you (he chuckled). Nagkunwari pa nga akong galit sayo nung nagkabungguan tayo di ba? Para hindi mahalata na sinadya kong bungguin ka, haha! Sorry. Tapos, I never thought na magiging kaklase kita, kaya nung nalaman ko yun, naisip ko 'may bago akong victim'. Sorry, alam kong bad guy ako, naisip kong paglaruan ka. Kaya nung una hindi talaga kita tinitigilan kasi nachachallenge ako sayo, bihira lang yung umaayaw sa charm ko eh (nagsmirk siya). But then nakilala ko kung sino ka, nalaman ko na you're not just a pretty face. You're something Candice, you're special, you...", tumigil si Zach sa pagsasalita tapos hinawakan niya yung pisngi ko, "...you made this bad boy's heart beat again"

Napanganga ako sa sinabi niya..

I...what? Ayaw nanaman umandar ng utak ko, naglaglagan ata turnilyo kanina dahil sa gulat ko.

"I like you Candice...

no...

I...

I love you"

---

Waaa! Sorry sorry ngayon lang po nakapaupdate! :)

eto yung puppy nila----->

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon