Tantrums

357 5 0
                                    

*Candice's pov*

"What time ka uuwi mamaya?",tanong ni Dan habang nagdadrive siya. Pinilit niya daw kasi si Nathan na siya muna ang maghahatid sundo sakin habang hindi pa siya bumabalik sa Cebu.

"Wag mo na ko sunduin mamaya, may lakad ako after class eh."

Actually wala naman talaga akong lakad. naiisip ko lang na bumawi kay Zach ngayon, mejo nakakahiya rin kasi yung nangyari kahapon eh huehue..

"Sinong kasama mo? Wag mo sabihing si Zach ang kasama mo mamaya?"

Nagulat ako sa sinabi ni Dan, "Pano mo nalamang Zach ang pangalan non?"

"May kaibigan ako dito na kakilala yun. Player yun Candice, hindi ka dapat nagkakagusto sa mga taong ganun"

Natawa ako sa sinabi niya, "Epalogs to. Wala akong gusto dun no! May deal kasi kami nun dati kaya kakain kami sa labas."

"Sus", sagot ni Dan then nagpark na siya sa tapat ng school ko.

"Dun naman nagsisimula yun eh, kakain sa labas, tapos manonood ng sine, tapos...", napatingin si Dan sa may likuran ko tapos ngumiti siya.

"Wag ka ngang magisip ng kung anu anong pwedeng mangyari, malabo yun" sagot ko kay Dan.

Ngumiti lalo si Dan,"tapos..." hinawakan ni Dan yung batok ko at inilapit niya yung mukha ko sa mukha niya O.O

"Anu bang pinaggagagawa mo!" sinigawan ko siya sa mukha, bwisit eh, lakas ng trip!

"Pano kung halikan ka niya?Anung gagawin mo?", tanong ni Dan.

"Hindi niya gagawin yun! At di ako papayag no! Bayagan ko yun eh"

"HAHAHAHAHAHA!" binitawan na ni Dan yung batok ko, "babayagan mo? wag ganun! kawawa future niya! hahaha!"

"Basta wag siyang magkakamaling halikan ako, walang mangyayaring masama sakanya"

"O sige na, bumaba ka na at nanlilisik na mga mata ng taong yun sa atin oh, hindi pa naman tinted yung sasakyan, baka akala niya kung anu yung ginawa natin, hehe"

Napatingin ako sa labas ng sasakyan,

Zach? O.O

Ang sama ng tingin ni Zach habang pababa ako ng sasakyan. Nakakatakot, kahit alam kong wala naman ako dapat pakelam sa nararamdaman niya,iba yung tingin niya eh, iba talaga. (>.<)

Lumapit ako kay Zach, "Uy! Pasensya sa nangyari kahapon, maya nalang natin ituloy yung lakad natin ha" ngumiti ako sakanya.

Tinalikuran lang ako ng unggoy na parang wala siyang narinig.

Kumag to ah!

"HOY!", sumigaw ako ng sobrang lakas kasi mejo napahiya ako sa ginawa niya, hindi ka ba naman pansinin di ba?

Pero dirediretso lang ang lakad ng unggoy.

Ay ang arte! Chicks ka?! Chicks ka?! Bwisit tong lalaking to ah! Tch.

Naglakad ako ng mabilis, kailangang mabatukan ko'tong kumag na to, nakakainis eh!

Malapit na...

Konting lakad-takbo nalang...

Malapit na malapit na ko sa unggoy kaso biglang may lumapit sakanyang babae na nakapulang dress at sobrang pulang lipstick, parang sinapak ang labi tapos nagdugo, ganun. Napatigil tuloy ako sa paglalakad.

"Hi babe", sinabi nung babae sabay kapit ng mahigpit sa braso ni Zach.

Biglang tumingin sakin yung babae tapos may binulong sa unggoy. Tumango naman ang unggoy tapos umikot sila na parang lalabas sila ulit ng campus.

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon