Quiz

440 12 0
                                    

*Candice's pov*

Ahh! sa wakas! namiss ko ang kama ko!

Its been a long day. Iba pala sa feeling yung papasok ka sa klase, magtutor sa unggoy, makipagkulitan kay blu then maliligo ka pagkauwi ng bahay? REFRESHING! Feeling ko bumalik lahat ng energy ko huehue. ^-^

Since late na, wala na akong balak magdinner pa kasi tinatamad na ako. Kaya kinuha ko ang phone ko para iset ang alarm at...

What the heck?!

28 missed calls?!

Anung trip ng Zach na to?!

Itetext ko na sana ang unggoy kaso tinamad ako bigla, kaya natulog na lang ako, bahala siya >:D

---

Kinabukasan, same routine, gumising, kumain, naligo, tapos hinatid ni blu sa school. ^_^

*riiiiiiing*

chineck ko ang phone ko, jeez, tumatawag nanaman si Zach. Hinayaan ko lang magring ang phone ko tapos tska ko binalik sa bag.

"Wow ha, so wala ka talagang balak sagutin ang tawag ko?", may nagsalita sa likuran ko.

Siyeeeeempre dahil matalino ako, alam ko na kung sino yung nagsalita, humarap ako kay Zach, "Ba't ka ba tawag ng tawag?" tanong ko sakanya.

"Wala....mangangamusta lang sana kung....kamusta yung araw mo kahapon" umiwas sya ng tingin sakin.

"Dahil lang don? buti na lang pala hindi ko sinagot, sayang oras lang. Pero para matahimik na yang butsi mo, sakto lang ako kagabi, gets? sakto as in kalmado, walang kakaibang...", napatigil ako sa sinasabi ko, bigla kong naisip yung nangyari samin kagabi ni Nathan, yung alam mo na... yung :* O///O

"Walang kakaibang ano?"

"...nangyari, walang kakaibang nangyari."

Hindi 'to pwede! erase erase! kalimutin ang nangyari kagabi! napailing ako habang binubura ko sa isip ko yung kiss.

"Ano masaya ka na? Wag mo na ko kulitin ha?" inirapan ko ang unggoy at naglakad na papunta sa room.

---

Katatapos lang ng surprise quiz sa economics. Ang weird lang kasi sobrang dali ng quiz, anung sense ng surprise quiz kung yung questions mo naman eh kayang sagutin ng hindi pumapasok na estudyante? Plus halos kakatapos lang ng midterm eh, tapos may quiz agad? Weird talaga.

At dahil madali lang yung quiz, naka-95 ako yahoo! ヽ( ̄▽ ̄)ノ

Amboring ng araw, absent si Chloe eh, wala tuloy akong kachikahan -.-

Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko para makauwi na. Kaso may unggoy na umupo sa tabi ko. Sobrang lapad ng ngiti, yung ngiting hanggang tenga. With matching pangingintab pa ng mga mata, anu nanamang trip nito?

"Hulaan mo kung anong score ko sa quiz" nakangiting sinabi ni Zach.

"Hindi ako manghuhula at wala akong pakealam"

Natawa ang unggoy. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Hindi mo natatandaan?" tanong ng unggoy.

"Natatandaan ang alin?"

"Yung promise mo" ngumiti siya sakin ng sobrang tamis.

"Anong pro-", napatigil ako sa sasabihin ko. Takte, nagpromise ba ako na makikipagdate ako sakanya kapag naka-80 pataas siya sa quiz sa eco??

"Uyy natatandaan na niya" lalong lumawak ang ngiti ng unggoy, "oh eto, 85 ang score ko." pinakita niya sakin yung papel niya habang ngumingiti ng nakakaloko.

"Hoy! hindi naman ako nagpromise ah?"

"Ooops! Wala nang bawian aba!"

"Hindi naman ako pumayag sa usapan na yan eh"

Sumeryoso ang mukha ni Zach, "Alam mo ang daya mo, sinabi mo kaya na kapag nakita mong hindi nasayang ang effort mong turuan ako at naging mataas ang score ko sa quiz papayag kang makipagdate sakin. Tch, tokis ka pala eh"

Yan sige, konsensyahin mo ko, bwisit.

"Oo na payag na ko"

Nanlaki ang mga mata ng unggoy, "Ha?"

"Payag na ko"

Unti unti siyang ngumiti, "Sure ka?"

"Ayaw mo ba? O siya babawiin ko na sinabi ko"

"Hindi hindi! Naninigurado lang kaw naman!" ngumit na siya ulit ng malapad

"Daming arte eh, kailangan pang ulit ulitin", inirapan ko siya.

"May mga salita kasing masarap ulit uliting pakinggan", ngumiti sakin ang unggoy ng sobrang tamis, sabay kindat.

Playboy moooves, hindi mo ko madadaan jan, tse!

"O siya tara na!" hinawakan ng mokong ang braso ko at kinaladkad ako palabas ng campus. Oo, kinaladkad talaga.

"Dahan dahan aba! naka-heels ako oh! Ang sakit sa paa!"

"Ay sorry" napakamot ang mokong sa ulo, "naexcite ako eh"

"Tch, san ba nakapark sasakyan mo?"

"Nakikita mo ba yung red na bmw?" tumuro ang unggoy sa parking lot sa labas ng campus.

"Yun yung sasakyan mo?"

"Hindi yun, yung katabi nun, yung blue na porsche. Seriously? hinatid na kita pauwi sa inyo dati di ba? Hindi mo man lang natandaan yung sasakyan ko?", nakasimangot sakin ang unggoy.

Eh ba't naman kasi hindi na lang yung sasakyan niya ang itinuro niya sakin di ba? -.- Pero infairness, parang pamilyar sakin yung plate number ng red na bmw na yun.

"Ay oo nga pala! Sorry naman! Malay ko ba kung nagpalit ka na pala ng sasakyan di ba?"

Tumahimik lang ang unggoy habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

"So...san tayo pupunta?" tanong ko sa mokong.

Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi sumagot ang unggoy.

Kanina lang masaya 'to ah? Bipolar lang? Kala mo kung sinong chix para mag-inarte. Tch

Pagkarating namin sa tapat ng sasakyan niya, ini-unlock na niya yung sasakyan niya at pumasok sa driver's seat.

Ni hindi man lang niya ako pagbubuksan ng pinto?

Naglakad na ako papunta sa passenger's seat ng may humilang lalaki na nakashades sakin at isinakay ako sa kotse niya. Red na bmw yung sasakyan nung lalaki!

Tinry kong umalis sa kotse kaso ni-lock na nung lalaki yung sasakyan kaya hindi na ako makalabas. Wth?!

Dali daling sumakay yung lalaki at mabilis niyang pinaandar yung sasakyan.

Nagpapanic na ko, anung gagawin ko?

Tumingin ako sa lalaki, "Sino ka?!"

---

Thank you po sa votes! ♡

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon