*Candice's pov*
Dalawang buwan na ang lumipas at naging okay naman ang buhay eskwela ko. At alam nyo ba? Wala parin akong nagiging kaibigan bukod kay Alex at Chloe. (- -,) Wala naman kasi akong balak maging Ms. Congeniality, may mga nakakakilala naman ako syempre pero kakilala lang, hindi kaibigan. Ito palang si Alex, campus crush din! kaya siguro magbestfriend sila ni Zach?
"te lutang ka nanaman? ugali mong magspace out eh no?" sabi ni Chloe habang nagpapalita kami ng PE uniform.
"Ay sorry, hahaha, anu ngang sinasabi mo?"
"Anu ba yan uulitin ko nanaman! Sabi ko nabalitaan ko sa ibang sections na magpapagames si mam servantes ngayon, at kung sino daw talo, sila daw ung paglilinisin ng gym, as consequence."
"Hala! So bawal magpatalo ganun? Kinabahan naman ako bigla." sagot ko haban tinitiklop yung pinagpalitan kong damit.
"Oo te, kaya tara na, tignan na natin yung obstacle course para mapagplanuhan na natin ang gagawin."
Pagdating namin sa gym, nagisip na kami ng pinakamabilis na taktika para mabilis naming matapos yung obstacle course, ang hirap nung iba infairness, merong gagapang ka sa sahig na may mga munggo tapos kapag tumingala ka ng konti may lubid na magagalaw tapos puputok ung balloon sa taas mo, bawat putok ng balloon may dagdag na oras mo.
"Okay class, siguro naman napagisipan nyo na kung pano tawirin tong mga obstacle course na to, by fours ang pagtawid sa obstacle course para mabilis, pwede nyong gawin ang kahit ano para manalo, basta wag makakasakit sa kapwa. Yung 2 tao na may pinakamataas na oras, yun ang talo okay? At syempre kapag talo, may consequence, sila ang maglilinis ng mga kalat dto sa gym. Start na tayo." sabi ni mam servantes
Random magtawag si mam ng surname kaya hindi mo alam kung ikaw na ang tatawagin o hindi..pagkatapos ko maghintay ng matagal, natawag din ako, nasa last batch na ata ako, at kamalas malasan ko pa, kabatch ko ang unggoy, si Zach.
"Ready, set, go!"
Tumakbo ako ng sobrang bilis, umakyat ako sa lubid tapos tumawid sa manipis na kahoy papunta sa kabilang side, tumalon ako ng mabilis habang nakapasok ang mga paa ko sa sako, pinaputok ko agad yung 5 balloons gamit ang pwet ko, lumunok ako ng helium para kumanta ng lupang hinirang ng mukhang ewan ang boses, lumaklak ako ng, huhu, ng suka! papipiliin ka kasi kung suka, toyo o patis ang lalaklakin mo, syempre suka ako para mukasim lang. Nangunguna nako. pagdating sa huling obstacle, which is ung gagapang nga, nakasabay ko si Zach.
"pano ba yan mauunahan na kita." pagmamayabang ni Zach
"You wish."
Nasa kalahati na ko ng obstacle ng biglang sumigaw si Zach, "may ipis!"
"Ahh! Asan?!" napataas ako sa gulat, BOOM! BOOM! pumutok yung balloon, dalawang balloons!!!
Humalakhak si Zach.
"Mandaraya ka ah!" inabot ko yung baba nya at itiningala ko, BOOM! BOOM! BOOM! tatlong balloons ang pumutok.
"Leche! hindi naman kita hinawakan ah!" tumigil si Zach sa gilid ko sa galit nya.
"Mandaraya ka eh! Hindi naman kita inaano!"
"Eh akala ko naman talaga may ipis eh!"
"Anung akala?! Sinadya mo yun para mapatingala ako!"
Sa kakaaway namin hindi ko namalayang nalagpasan na pala kami ng dalawa naming kasama.
PPPIIIIIIITTT!!!
Pumito si Mam servantes. Dun lang kami naliwanagan at gumapang ulit.
Hulaan nyo kung sinong talo?