Trip

351 7 0
                                    

*Candice's pov*

"Blu may tanong ako sayo", sinabi sakin ni Nathan habang nagdadrive siya. Hinahatid niya ko ngayon papunta sa school kasi dun yung meeting place naming mga pupunta sa camp.

"Anu un Blu?"

Ngumiti ng konti si Nathan, "ano ba talagang ginagawa mo sa damuhan nung isang araw?"

Nung isang araw? Ginagawa sa damuhan? Anung gi-...omo! yun yung sinisilip ko si Nathan at Sam!

Feeling ko namumula mukha ko ngayon sa hiya huhu ( ̄﹏ ̄)

"Eh si nagsintas ng sapatos! 'di ba nga nagloose yung sintas ng sapatos ko, kaya inayos ko"

"Ah oo nga pala, nagsintas ka nga lang pala ng sapatos mo", lalong lumapad yung ngiti ni Nathan.

"Hoy! nagsintas lang talaga ako ng sapatos nun no! Anung akala mo sinisilip ko kayo ni Sam? At ba't ko naman kayo sisilipin ha? Anu naman kung nagpunta siya sa bahay niyo? Anu naman kung nagkabalikan na pala kayo?!", lecheng bunganga, nagdirediretso yung bibig ko sa pagsasalita. >_<|||

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA", ang lakas ng tawa ni Nathan. "Sabi ko na nga ba eh! Ikaw talaga blu!", inakbayan ako ni Nathan tapos kinutusan niya ko.

"Hoy anu ka ba! nagdadrive ka oh! kapag tayo nabangga!", sigaw ko sabay tulak kay Nathan

"Nagsintas lang talaga ako ng sapatos nun! Wag ngang kung anu ano ang iniisip mo! Baka lumaki pa lalo yang ulo mo!", dagdag ko sakanya

"Sus, eh nadulas ka na nga eh" nakangiting sinabi ni Nathan

"Hep! anung nadulas?! Nagsintas nga ko ng sapatos! Nagsintas lang!", sigaw ko kay Nathan

NAKAKAHIYA TALAGA! >_<

"Oo na nga sige na! Nangangamatis na yang mukha mo sa sobrang pula eh, hahahaha!"

"Tse! ewan ko sayo!"

Dumating na kami sa tapat ng school namin.

"Salamat sa paghatid blu", sinabi ko kay Nathan

"Teka lang!", bigla akong hinila ni Nathan papalapit sakanya tapos niyakap niya ko. "Ang saya, hindi ko akalaing magseselos ka kasi nagpunta si Sam sa bahay", sinabi ni Nathan

"Hindi nga ako nagsese-", pinutol ni Nathan yung sasabihin ko.

"Ah basta!", bumitaw si Nathan sa pagkakayakap niya sakin tapoa hinawakan niya yung magkabilang braso ko, "Wag kang magbabago kapag nalaman mo na ang totoo ha" dagdag niya.

Napakunot ang noo ko, "Anung totoo?"

Ngumiti lang si Nathan, "Basta." tapos lumapit siya sakin at hinalikan niya ako sa noo, "Ingat ka blu" dagdag niya.

Anung pinagsasasabi nitong si Blu? Anong totoo?

"I-ingat ka rin pauwi blu, salamat sa paghatid."

---

Pagpasok ko sa school namin, hinanap ko agad yung president ng organization namin para malaman ko kung saang bus ako dapat maupo. Sa bus no. 2 ako, si Chloe naman sa bus no. 3, wala tuloy akong magiging kausap sa byahe namin papuntang Rizal -.-

Malapit na mapuno yung bus namin kaya nahirapan akong makahanap ng super bakanteng upuan, what i mean by super bakante is yung seat na wala pang katabi. Syempre, pagkaupo ko sa super bakanteng upuan, nagsuot na ako ng headset para hindi naman ako masyadong ma-OP sa mga tao sa bus. Hindi naman sa wala akong kakilala sa bus na naassign sakin, hindi ko lang talaga mga kaclose (si Chloe lang naman ang kaclose ko -.-) yung mga kasama ko sa bus.

This is warTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon