*Candice's pov*
Pagkarating namin sa venue nagpunta na kami sa room na nakaassign samin para makapagpahinga muna, may 3 hours pa bago magstart yung program kaya naisip kong matulog muna para makapagrecharge. Kaso Alex have a different idea, imbis na makapagpahinga ako, eto ako ngayon at sinisipa paalis ng kama ko si Alex.
"Alis ka na kasi cod! Imbis na makapagpahinga ako ginagambala mo ko eh!", sigaw ko kay Alex, naisip naming magtawagan ng 'Cod' simula kanina since dahil dun kaya kami naging close, Cod (Call of Duty).
"Eh! wala akong makakausap kapag tulog ka, amboring nun!" -.-
"Andami dami mong kakilala dito sa camp oh, sila muna guluhin mo pleaaaaase?"
"Ikaw ang gusto kong kausap eh, sige na nga matulog ka na! pero dito lang ako ha, hintayin ko na lang na magising ka, hehe" ^_^
"Ehh! Pano ako matutulog nun? Plus baka mamaya dumating na yung ka-roommate ko baka mahiya yun sayo.", sinipa ko ulit sa hita si Alex, "alis ka na kase! mamaya na tayo magusap!"
"Anu ba yan! Wag mo na kong sipain!", reklamo ni Alex
"Eh ayaw mong umalis eh! alis na jan dali!", di pa rin ako tumitigil sa pagsipa sakanya.
"Sabi nang tumigil ka eh!", biglang hinawakan ni Alex yung paa ko tapos kiniliti niya ng bongga!
"Hahahahaha! Cod wag! Hahahahahaha Tama na please! Hahahahahahahaha!", pinagsisipa ko lalo ng malakas si Alex kasi sobra talaga akong nakikiliti sa ginagawa niya.
"Aray! Hindi ako titigil sa pagkiliti sayo hangga't di ka pumapayag na tumambay ako dito! Bwahaha", habang kinikiliti ako ni Alex, hinila niya ang paa ko pababa sa kama.
"Malalaglag ako sa kama mokong ka! Hahahahahahahaha! Tama na pagkiliti mo please? Hahahahahaha", nahihirapan na kong huminga, ayaw talaga akong tigilan ng mokong na to!
"Pumayag ka na kasi! Bwahahaha!", malademonyong tawa ng mokong.
"Ayoko!Hahahahaha", sa kakasipa ko sakanya, aksidente kong tinamaan yung....yung ano niya....yung 'treasure' niya.
"Aw!", napayuko si Alex sa sakit peri nahila niya yung paa ko kaya napabukaka ako tapos bumagsak siya sa ibabaw ko.
"Hala cod okay ka lang?Sorry!", nagaalala kong sinabi kay Alex, hindi ko na pinansin yung malaswa naming pwesto kasi nagaalala ako sakanya.
"Ma...sa...kit", parang hindi siya makahinga, namumula yung mukha niya.
"Hala sorry! Sorry! hindi ko sinasadya!", lilipat na sana ako ng pwesto kaso biglang bumukas yung pinto ng room ko.
"Oh em gee what are you doing? Kung may gagawin kayo ilock nyo naman yung pinto!"
Napatingin ako sa babaeng nagsalita, siya yung nakakapit sa braso ni Zach kanina. SIYA YUNG KA-ROOMMATE KO?!
"Ha? Wala kaming ginagawa no!",sagot ko dun sa babae
"Sa ibang lugar nalang tayo magpunta Zach, this room is occupied", inirapan ako nung babae.
Ang arte! Teka, kasama niya si Zach?!
Sumilip si Zach sa kwarto at nakita niya ang malaswang pwesto namin ni Alex. Nanlaki yung mga mata niya at parang napatigil siya nung nakita niya kami. Mejo nahiya na ko sa pwesto namin ni Alex kaya inalis ko si Alex sa pagkakapatong sakin. Nakita rin siya ni Alex kaya binati siya nito.
"Zach bro", bati ni Alex, parang mejo hirap parin siyang makahinga.
Tumango lang si Zach kay Alex tapos tumingin siya sakin. Yung tingin na parang nakakatunaw, nakakatunaw kasi parang may laser yung mga mata niya sa galit.