*Candice's pov*
"Uwian na yahoooo!!! TGIF!!!" sigaw ni Chloe pagkalabas na pagkalabas ng professor namin sa Financial Accounting volume 1.
"Oo nga uwian na." sagot ko kay Chloe
"Oh ba't parang malungkot ka? Dahil ba absent si Zach?" (^﹏^)
"Ha? Hindi ah. Malapit na kasi yung midterm, nagaalala lang ako, andami ko pang dapat pagaralan na topics."
"Ay oo nga no? Next next week na pala yung midterm hala!" ("o﹏o)
"Oo kaya uwi na tayo para makapagstart na magaral bilis!" tinulak ko si Chloe palabas ng Classroom.
"Oo na! Hmp..aayain pa naman sana kitang gumala, wala namang pasok bukas eh."
"After na lang ng exams natin para hindi nakakakosensyang magsaya hehe."
"Hmp sige na nga."
Naglakad na kami ni Chloe palabas ng school. Actually totoo talaga yung sinabi ni Chloe kanina, yung malungkot ako kasi wala si Zach, pero hindi dahil namimiss ko sya! Asa naman yung mokong na yun no! Gusto ko kasi sanang magthank you sakanya sa paghatid sakin kahapon eh, kaso hindi sya pumasok.
*beep beep*
May pumaradang puting BMW sa tapat namin ni Chloe. Bumaba si Nathan ng sasakyan at kumaway samin.
"Blu! ang aga mo ata?" tanong ko sakanya habang kinukuha nya yung mga librong dala dala ko. Napakagentleman talaga nitong si Nathan.
"Walang traffic eh." Napatingin si Nathan kay Chloe "Hi Chloe, Nathan nga pala." ngumiti sya at inextend yung kamay nya kay Chloe na nakatulala sa gwapong mukha ni Nathan. Hindi gumagalaw si Chloe, ni hindi kumukurap! Natatawa nako, lagi nalang napapatulala yung mga babae sakanya sa tuwing ngumingiti sya, namemesmerize ata sa kagwapuhan nya? ang gwapo kasi ng bestfriend ko eh, naks!
"Uy te, nakikipagkamay si Blu sayo oh." siniko ko si Chloe tapos tinuro ko yung kamay ni Nathan.
"A-ay! H-hi Blu! Este Nathan! Nathan pala!" nagblush si Chloe at nakipagkamay din kay Nathan. Yung totoo Chloe?! hahaha!
Natawa lang si Nathan. Hindi kaya sanay na sya sa ganitong reaction? Kahit nasa palengke kami, ngitian nya lang yung tindera ibinababa na agad nung tindera yung presyo ng bibilhin namin eh, instant tawad!
Tumingin sakin si Nathan, "Blu maghihintay nalang ako sa sasakyan ha." tumango lang ako.
"Bye Chloe" kumaway si Nathan kay Chloe habang nakangiti, tapos ay bumalik na ulit sa sasakyan.
Natawa ko.
"Ba't ka tumatawa?" nagtatakang tanong ni Chloe.
"Nakita mo ba mukha mo kanina nung nakikipagkilala sayo si Blu? Hahahaha! Tapos nag-blush ka pa! Ano yun?! hahahaha!!!!" mamamatay ata ako sa kakatawa. :))))
"Ba't naman kasi hindi mo sinabi na sobrang gwapo pala ng bestfriend mo? Tska pano mo kinayang maging bestfriend 'lang' sya? Sya yung nagfriend zone sayo no?" Inemphasize ni Chloe yung word na "lang"
"Hoy! hindi pa uso friend zone magbestfriends na kami no! Tska sabi ko naman sayo, mula pagkabata magkakilala na talaga kami kaya hindi ko sya nakikita as jowa or something."
"Suuus! Ayaw pa aminin!"
"Tss.. babye na, uwi na kami." bineso beso ko si Chloe
"Patikim ako sa bestfriend mo 'pag may time ha!" habol ni Chloe habang papasok ako ng sasakyan.
Natawa nanaman ako.
"Oh ba't ka tumatawa?" tanong ni Nathan.
"Bakit ba lagi nalang napapatulala sayo yung mga babae lalo na kapag ngumingiti ka? Pati si Chloe napatulala sayo. Gwapo mo daw! Hahaha"
"Ikaw lang naman tong immune sa kagwapuhan ko eh." ngumiti sya sakin ng sooooobrang tamis!
"Ako lang ang matino ang utak para hindi mahulog jan sa ngiti mo!" pangaasar ko sakanya.
Nagkulitan kami ng nagkulitan ni Blu sa byahe. Effortless talaga yung kagwapuhan nya, pero syempre hindi ko pinapahalatang pati ako nahuhulog sa kamandag nya. Baka lumaki lang lalo ulo nya! Naalala ko yung mga panahon na ang daming nakikipagclose sakin tapos malalaman ko gagamitin lang pala ako para maging kaclose ung bestfriend ko. May iba naman binubully ako, insecure masyado, hindi kasi sila pinapansin ni Nathan e. Kaya hindi ako nag-aral sa school na pinapasukan ni Blu ngayon. Iwas fake friends. (^_^)
"Dito na tayo senyo blu!" pumarada sya sa tapat ng bahay namin.
"Salamat blu! bye!" nung ikikiss ko na sya sa cheeks, bigla nya kong pinigilan.
"Oh bakit?" tanong ko sakanya.
"Dito muna ko, mya na ko uuwi. Namiss kita eh." ngumiti sya sakin.
"Wow naman! Ang sweet mo today ah! Anong nakain mo?"
Ngumiti lang si Nathan.
"Oh sya, akyat nako sa kwarto. Sunod ka na lang ha, ayusin mo parada ng sasakyan mo."
bumaba na ko ng sasakyan. Sa sobrang tagal na naming magkaibigan, okay lang kina mommy na umaakyat si Blu sa kwarto ko, minsan nga nakikisleep over pa si blu samin eh, walang malisya ^_^
Pagdating ko ng kwarto nagbihis na agad ako ng pambahay at naghilamos.
*knock knock*
"Pasok!" sigaw ko.
"Blu may surprise ako sayo!!!" pumasok si Nathan ng kwarto ng nasa likod ang isang kamay tapos ay sinara na nya ang pinto.
"Waaa! Ano yang hawak mo?"
"Hulaan mo" ^~^
"Alam mo namang ayokong nanghuhula eh!" tinalikuran ko sya habang nakahiga ako sa kama >.<
"Eto naman tampo agad." Nahiga si Nathan sa tabi ko sabay yakap. Kyaaaaaa~!!!!
"Oh eto." inabot ni Nathan sakin yung 2 tickets.
"Ano to?" tanong ko sakanya habang yakap nya ko mula sa likod.
"Tickets"
"Oo tickets alam ko. Ang tanong ko, ticket para san to?"
"May highschool reunion tayo. Batch namin hanggang batch nyo yung magsasama sama, pero limited lang yung tickets, hindi kakayanin ng venue kapag maraming tao e, kaya bumili agad ako ng ticket nating dalawa." ang init ng hininga ni Blu, tumatama sa leeg ko habang nagsasalita sya.
"Waaa!! Kelan to?" humarap ako sakanya, nakayakap parin sya. "Thank you Blu!!!" kiniss ko sya sa cheeks.
"Binili ko lang yan para makita ko si Sam, isinama lang kita."
Si sam, ang nagiisang naging girlfriend nya nung highschool. Naghiwalay sila dati kasi kailangang magaral ni Sam sa ibang bansa. >.<
"Alam mo ikaw?" hinampas ko sya sa dibdib "natouch na ko eh! Ewan ko sayo!!!!" tumalikod ako ulit sakanya.
Tumawa si Nathan, "Eto naman.." lumipat sya sa side na nakaharap ako "..niloloko lang naman kita eh."
Hindi parin ako kumikibo, Ewan ko sayo! Dun ka na sa Sam mo! Hmp! >.<
"Hoy..sorry na..joke lang yun no, wag ka na magtampo Blu", inilapit ni Nathan yung mukha nya sakin, sobrang lapit hanggang sa......hanggang sa.......
...magdikit yung ilong namin ;) Tapos pinagkiskis nya yung ilong namin. "Sorry na blu..."
Knowing him, hindi sya titigil sa pagkiskis ng ilong nya sa ilong ko hangga't di ko sya napapatawad.
Ngumiti na ko. "Sige na nga!"
"Yes!!!" umupo na ulit si Nathan sa kama, "So sasama ka na sakin?"
"Kelan ba yun?" tanong ko sakanya.
"Sa sunday" :)
"Oa! Sa sunday na agad?! Wala pa kong isusuot!"
"Samahan kitang magshopping bukas." alok ni Nathan.
Si Nathan ang isinasama ko tuwing bibili ako ng damit para sa importanteng events. Sinasabi nya kasi yung totoo kung bagay sakin yung damit o hindi e, hindi tulad ng kapag babae ang kasama ko, laging sasabihin na bagay sakin kahit hindi, nahihiyang sabihin ang totoo kasi baka makasakit ng damdamin ng iba.
Ngumiti ako sakanya, "Sige!"