*Candice's pov*
Wala akong ibang ginawa kundi matulog habang nasa byahe kami papasok ni Nathan. Eh kasi naman, napuyat ako sa kakaisip ng igaganti sa unggoy. Kailangan mas nakakainis, kailangan mas unexpected. Dahil nagiingat na ko, nagdala ako ng extrang damit, toothbrush, toothpaste at gargle. Hindi ko na muna gagalawin yung locker ko.
"Dito na ikaw Blu" sabi ni Nathan.
*Haaay* humikab ako, oo hikab yan. Hindi ko alam pano ko isusulat ung tunog ng hikab eh.
"Pwedeng dumaan muna tayo s bilihan ng washable na pintura?" tanong ko kay nathan
"Bakit?"
"Gaganti lang ako." tumingin ako kay Nathan at ngumiti, evil smile.
"Hay nako, pinapalala nyo sitwasyon, di nalang magusap."
"Sya naman talaga nagsimula eh! Basta gaganti ako!"
"Eh kung ayaw kitang ihatid sa bilihan?"
Sumimangot ako. "Eh di ako ang maghahanap magisa, maglalakad lakad ako sa kalsada ng nakadress! ikaw sisisihin ko kapag may nambastos sakin!"
"Hay nako, sige na nga."
"Yes! Thank you Blu!" niyakap ko sya ng mahigpit.
Pagkatapos namin bumili ng neon green na washable paint inihatid ako ulit ni Nathan sa school. Kiniss ko si Nathan sa cheeks tapos bumaba na ng kotse, "Thank you Blu, ingat ka ha."
Pagbaba ko ng kotse nagsuot ako ng jacket na may hood tapos tinali ko yung panyo ko sa mukha ko para takpan ang ilong at bibig ko. Luckily, nakita ko agad yung kotse nya. It's payback time!
Pagdating ko sa kotse nya, binuksan ko yung washable paint at bara bara kong hinagis sa kotse nya, sa hood, sa bubong, pati windows hinagisan ko! bwahaha! Bagay na bagay ang neon green sa blue nyang porsche. ;)
Naupo ako sa di kalayuan para sa magandang view. may 30 mins pa bago ang 1st subject kaya may chance na bumalik sya sa kotse nya. pagkatapos ko maghintay ng 20 mins, paalis na sana ako ng makita ko ang unggoy na naglalakad papuntang parking lot, may kasamang babae!
Paglapit ng unggoy sa kotse....HAHAHAHA! priceless ng mukha nya! Hindi maipinta! HAHAHA! namumula sya sa galit, may sinabi yung babae pero dahil nasa malayo ako, hindi ko narinig, tapos parang sinigawan ng unggoy yung babae kaya nagwalkout yung babae.
Habang hindi malaman ng unggoy ang gagawin nya, bigla syang napatingin sa lugar na kinauupuan ko, nageye to eye contact kami, nginitian ko sya ng sobrang sweet tapos kumaway ako sakanya. Susugurin nya sana ako kaso tumayo nako para magpunta sa room namin, mahirap na baka masuntok pa nya ko sa inis no, hehe.
Wala pa yung prof namin pagdating ko sa room kaya si unggoy (nasasanay nakong unggoy ang tawag sakanya, hahaha) hinila ako papalabas ng classroom.
"Bakit mo hinagisan ng pintura yung sasakyan ko?! YUNG SASAKYAN KO PA?!!!!" namumula sa galit si unggoy
"Kasalanan mo yan, pinakain mo ako ng luya eh." kalmado kong sagot.
Dinuro ako ng unggoy, "humanda ka, sinasabi ko sayo." tapos pumasok na sya sa room.
---
Lunch break na, papunta na sana ako sa cafeteria ng biglang nagtext si Chloe
Te asan ka? Punta ka dito sa girl's locker room.
Bigla akong kinabahan. Pagdating ko ng locker room, may tumutulong kulay neon green mula sa locker ko. Hindi maganda to ah. Dahan dahan kong binuksan ang locker ko, baka kasi may sumabog nanaman sa mukha ko. Pagtingin ko, napanganga ko, BINUHUSAN NG UNGGOY ANG MGA LIBRO AT COLUMNAR NOTEBOOKS KO!
"Te, parang grabe naman yung ginawa nya?" sinabi ni Chloe mula sa likuran ko.
Hindi na ko makapagpigil, lumabas ako ng locker room at hinanap ko ang unggoy. Letse nasan ba yung unggoy na yun!
Nakita ko ang unggoy sa may parking lot, nakatitig sa sasakyan nya. "HOY UNGGOY! BAKIT MO BINUHUSAN NG PINTURA ANG MGA LIBRO AT COLUMNAR NOTEBOOKS KO HA?!!!"
Nakatingin sya ng masama sakin habang papalapit ako sakanya, "IKAW LANG BA ANG MAY KARAPATANG MAGHAGIS NG PINTURA SA GAMIT NG IBANG TAO HA?!"
"WASHABLE YANG PINTURA NA YAN TANGA! ANG TANGA TANGA MO!!!!!!"
Napatigil sya sa sasabihin nya. Bigla nyang binuksan ang sasakyan nya at kumuha ng bottled water. May bottled water sa loob ng sasakyan? Tapos binuhusan nya yung left side ng hood ng sasakyan nya, pagpunas nya, nabura yung pintura. Napatingin sya sakin.
"Ano?! Tanga mo kasi eh! Bwisit!" sinigaw ko sakanya.
"Akala ko pininturahan mo talaga eh." nahihiya nyang sinabi. "Ba't kasi ganon yung prank mo. Favorite car ko to eh."
"Di mo man lang naisip na baka washable yan? Bakit ko naman pipinturahan ang sasakyan mo di ba?! nakakairita! tanga tanga!" naiinis kong sinabi.
"Sorry na. Hindi ko naman alam."
"Anung sorry?! Palitan mo lahat ng libro ko! Pati columnar notebooks ko!"
"Oo papalitan ko."
"Dapat lahat, as in LAHAT ng nilecture for the past three months nakasulat sa mga notebooks ko ha!"
"Ha? Ang dami nun!" angal ng unggoy.
"Bakit sino bang tanga na nagpintura ng notebooks at libro ko?!"
"@$/%^#* naman oh! oo na!"
Ngumiti ako, "Good" tapos tumalikod na ako sakanya at pumasok na sa campus.